[Prologue]
Tulala lang ako sa may bintana at hinihintay na tawagin ako ng doktor ko.
Sa bawat araw na nag dadaan, mas lumalala pa ang mga nangyayari saakin. Para bang araw araw akong hinahabol ni kamatayan dahil sa araw araw na pag hihirap.
Oo, nag hihirap ako at ako lang ang nakakaalam nito.
Ngayon ko lang napagtanto na ang buhay natin ay hindi mala Disney princess na may tutulong saiyo na prince charming pag nasa peligro ka. Hindi ito mala Disney movie na pagkatapos ng problema ay laging may happy ending. Kahit kailan, hindi ko naranasan ang mga iyan.
"Next! Hamara Verdez!!" Tawag saakin ng doctor ko.
Sya si Doktora Patricia. Isang psychiatrist. May pagka mataba sya. Maputi, bilugan ang mukha at may maliit na ilong. Medyo singkit ang kanyang mga mata at sakto lang ang haba ng pilik mata. Medyo manipis ang kanyang mga kilay at hanggang balikat ang haba ng kanyang buhok.
"Maupo ka hija." Panimula nya.
Umupo ako at napabuntong hininga. Kung tutuusin ay halos ayoko nang mag salita dahil paulit ulit lang naman ang mga sinabi ko sa kanya.
"Kumusta kana? May pag babago ba?" Sabi nya.
"Wala." Tipid kong sagot.
"Paano ka kase mag babago hija kung ayaw mo tulungan ang sarili mo?" Kalmado nyang sabi.
Hindi nalang ako umimik dahil halos pati ako ay nahihirapan na sa sitwasyon ko. Sinusubukan ko namang gawin ang mga payo nya saakin pero wala padin e.
"Subukan mo kayang lumabas labas din kahit minsan lang? Subukan mong makihalubilo sa ibang tao? Sumali ka sa mga organization sa community nyo na pwedeng makatulong saiyo? Madaming paraan hija para matulungan mo ang sarili mo."
Alam kong alam nya na pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga taong hindi ko kilala.At ayokong pinipilit ako sa mga bagay na ayoko.
"Hija, kung mananatili kalang na ganyan, walang mangyayari saiyo. Ano? Gusto mo nalang ba na lagi kang umiinom ng gamot? Hindi kaba nag sasawa?"
Napabuntong hininga kami parehas. Ramdam ko na napapagod na sya saakin. Kahit ako din naman ay napapagod na sa sarili ko.
Makalipas ng ilang sermon nya saakin ay niresetahan nya ako ng gamot na pwedeng mas makatulong saakin.Sana nga tumalab na saakin ang mga gamot.
Habang nag lalakad ako palabas ng hospital, pinag mamasda ko ang mga paintings sa dingding. Napaka aliwalas tignan. Sa may dulong bahagi nito ay makikita mo ang mga larawan ng mga batang nag stay dito sa hospital dati. Halatang matagal na ang mga larawan na ito dahil medyo kupas na. Medyo kumirot ang dibdib sa mga nakikita ko dahil nagagawa padin nilang ngumiti kahit may matinding sakit na silang iniinda. Naka survive kaya sila? Sana nga naka survive sila.
__Nang makarating ako dito sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto. Kumuha ako ng note book at ballpen at nag simulang sumulat ng tula.
"Ingay mula sa mga patak ng ulan,
Makakapal na ulap na halos bumura na sa ilaw ng buwan,
Malalamig na hangin na dumadaan sa mahal kong bayan,
Mukhang ito nanga ang simula ng tag-ulan.""Minsan hindi lang sa ulap nag mumula ang ulan,
Kundi ito rin ay galing sa mata mong luhaan,
Dadamin mo na kay bigat gaya ng mga ulap sa kalangitan,
Tila ito'y isang gabing malamig na may kasamang kalungkutan."Sa kalagitnaan ng aking pag susulat ay parang may kumikirot sa aking dibdib. Ang mga luha ko ay tuluyan nang bumagsak mula sa aking mga mata. Agad kong ibinato ang note book at ball pen ko.
Halos paulit ulit kong binubugbog ang aking sarili at nag babakasakaling tumahan ako kaso hindi.
Para bang pinupunit ako.
Napakahirap.
Mag babago pa kaya ang ganitong buhay ko? Imposible.
Dahil sa matinding pag iyak ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
[END OF PROLOGUE]
YOU ARE READING
The Last Crepuscule
Teen FictionIn love stories, after they overcome the problem, it always has a happy ending. But what happened to my love story? She sacrifice everything just for my own sake and her own beliefs.