Chapter 10

1K 14 0
                                    

-FEELINGS OF THE UNKNOWN-

       Aquil who was busy scanning his wardrobe turned to the telephone when its ring played in the entirety of his room. He rubbed his hair dry with a towel before answering it.

      "Aquil!" Sa boses palang na bumungad sa kaniya ay natitiyak niyang ang kaibigang si Emilda ito.

       "O, Emi, napatawag ka?" he asked the other side of line.

       "Alam mo bang kasal ngayon ng guro nating si ma'am Gloria?"

       "Huh? Hindi, bakit?"

      "Tayo'y inanyayahan niya kasi na dumalo. Ngayong hapon daw nakatakdang simulan ang seremonya. Pinahabol lang niya sa pamamagitan ni nurse Joy kasi nakalimutan umano niya tayong maimbitahan noong mga nakaraan pa. Alam mo naman, masyadong aligaga ang ating guro."

       "Ay hala, pupunta ba kayo? Giatay, mukhang nakalimutan yata akong sabihan ni ate Joy ah."

      "Oo uy! Kaming apat nina Diego, Gelina, at Filipe. Ano makakapunta ka ba? Siguro hindi naman ikalala ng sakit mo ang dumalo hindi ba, maliban nalang kung magtatanga-tangahan ka't 'di mag-ingat, hahaha!"

       "Buang ka, Emi."

      "Tsaka, hayaan mo na, alam mo namang aligaga rin iyong si nurse Joy, sabi pa nga eh baka mahuli kasi may shift umano sa hospital ngayong araw." 

      "Hindi ako makakapunta, marami akong gagawin ngayong araw."

      "Huh? Gagawin?"

       "Ah basta, pakiabot nalang ng aking pagbati kina ma'am Gloria at sir Paulo."

      "O-oi! Uy ano'ng-"

       "BYE!" Binaba na kaagad ng binata ang tawag bago pa masimulan ng kaibigan ang pagpapanayam sa kaniya. Natitiyak niya kasing gigisahin na naman siya ni Emi kapag nagkataon.

       "'Wag ngayon Emi," natawa niyang sabi at pilyong napangiti.

       Aquil was already ready when he went out to the corridor of their house and looked at the pendulum upon passing by. Malapit nang mag-alas tres ng hapon.

       Enthusiasm can be seen on Aquil's face as he walked through the staircase then, until an old lady with a feather dust blocked his way.

      "Manang Esther," pagbanggit niya sa pangalan nito't siya'y napangiwi.

      Alam niyang sermon na naman ang kaniyang aabutin dito.

       Si manang Esther ay ang pinakamatandang yaya nila sa pamilya at ang mayor doma ng bahay. Ito ang nakaatas na magbantay sa kaniya sa bahay sa mga araw na wala ang kaniyang mga magulang. Kung si nurse Joy ay ang kaniyang pangunahing tagapangalaga sa ospital, si manang Esther naman sa kanilang bahay. Mabait naman itong si manang subalit strikta ito pagdating sa mga patakaran at mga utos na inatas ng kaniyang mga magulang.

      "Oo Aquilino Ruiz, ako," ganti naman nito sa kaniya at napahawak sa malapad nitong bewang.

      "Akala mo ba'y hindi ko napansin ang pagtakas mo sa bahay kahapon?" matanong na wika nito sa kaniya.

       "H-ha? Wala. HAHAHA, natulog po kasi ako, kaya tahimik." Kunyare pa ang binata at natawa sa sariling kasinungalingan.

       "Ah talaga? Kaya pala naiwang nakabukas yung bintana no at pumasok yung lamig?" sarkastikang banggit ng matanda.

Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon