-TITTLE-TATTLE-
"Hindi mo sinabing may kaibigan ka na pala, pinsan. Natutuwa ako para sa'yo." Ngumiti si Vanjoss habang kasamang naglalakad palabas ng paggamutan ang dalagang si Agnes.
"Hindi ko siya kaibigan."
"Eh ano? Syota? Nobyo? Katipan?"
"Kuya." Agnes turned to him with a dead stare. "Sira ba ang iyong ulo at gusto mo ng gulo? O gulo ang iyong gusto upang sirain ko ang iyong ulo?"
"Hindi, hindi pinsan!" Vanjoss was wiping his hands with an awkward laugh. "Ito naman, 'di na mabiro."
"Sadyang lumalapit lang talaga siya sa akin." Agnes' face remained the usual as she removed her eyes off him.
Ginulo ng binata ang kaniyang buhok at sinabing, "Nakakatuwa pa rin 'yon. Bakit, ikaw ba, hindi ka ba natutuwa?"
Agnes hummed, sa daan ang kaniyang tingin, "Hindi ko naman iyon nararamdaman, kaya hindi ko alam kung natutuwa ba ako o hindi."
"Naku, ikaw talaga, at least naman hindi ba ay may kinakausap ka bukod sa akin?" Muli ay ginulo ng kaniyang pinsan ang buhok niya.
"Yun nga ay kung ako ang unang lapitan at kapag nasa sarili akong makipag-usap," Agnes answered monotonously.
"Nga pala," wika ni Vanjoss nang may naalala, "Hindi ka namaalam kanina, ayan tuloy, ako'y naaligagang maghanap sa'yo."
"Hmm. Nais ko lang kasing magpahangin, tutal, hindi ko naman ramdam ang sakit ng mga sugat ko at kahit papaano'y hindi naman ako nahihilo o ano."
"Mabuti naman kung ganoon. O ano, saan mo nga pala nais magpalipas ng gabi?" Sa tanong na iyon ni Vanjoss ay nagbaba ng tingin ang dalaga na animo'y nag-iisip.
Muling bumalik sa kaniyang isip ang nakitang babae kaninang tangahli sa kaniyang pagkakaidlip. Muli ay binagabag na naman nito ang kaniyang isip. "Sa bahay nalang kuya."
"Sigurado ka riyan, pinsan?" Nag-aalinlangan ang tingin na ibinigay ni Vanjoss sa pinsan.
"Hmm. Opo, sigurado po ako."
"My name's Agnes, Agnes Delgado. And you... you're still that idiotic boy whose level of cordiality remains unfathomable."
Seryoso ang mukha ni Aquil habang nakatingin sa kawalan na nakaupo sa kaniyang kama. Bumalik na naman kasi sa isip niya ang mga salitang iyon mula sa dalagang nakausap kanina.
"Agnes... Agnes Delgado ang kaniyang pangalan, ang pangalan ng babaeng walang pakiramdam," tila wala sa sarili niyang wika.
"YES!" Bigla ay tumayo siya at napasayaw-sayaw, at makikita rin sa kaniyang mukha ang tuwa.
"Sa wakas nahanap na rin kita!" Kumawala pa sa kaniyang bibig ang isang malakas na pagtawa.
"Wohooooo!"
Aquil stopped from doing so upon hearing the thud of the door. There he saw nurse Joy crossing her arms while smilingly looking at him. Dala nito ang mga gamot niya sa tray na nilagay na sa isang mesa.
"O, ano'ng tiningin-tingin mo d'yan?"
"Eh ikaw, ano'ng pinagdiriwang mo d'yan?" Sinamaan ng tingin binata ang gumanting si nurse Joy. "Wala ka na do'n."
"Tunay? Aysus, 'wag ako, Aquil. Yan ba yung babaeng nadatnan ko kanina? Ikaw ha, pinahirapan mo pa ako sa paghahanap kanina, may ka-eye-bol ka lang palang malandi ka."
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Novela Juvenil[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...