Chapter 17

852 14 3
                                    

-MAKING FRIENDS WITH THE DARK-

     "Gising ka na pala. Mabuti naman kung ganoon." Ngiti ng nakakatandang pinsan ang unang sumalubong kay Agnes sa kaniyang pagbaba papunta sa salas. Sa unahan ay ang kusina ng bahay kung saan nakikita niyang naghahanda ng umagahan ang pinsan.

     "Maayos ba ang iyong pagtulog dito sa bahay pinsan?" tanong pa nito. "Samahan mo na ako dito, at tayo'y sabay nang kumain. Eksakto, kakatapos ko lang magluto ng ulam."

     Tama, naalala ni Agnes kahapon na pinilit siya nitong sa bahay na muna nito magpalipas ng gabi, sa dating kwarto niya dahil naabutan na sila ng dilim. Wala naman siyang magawa dahil mataas rin ang kaniyang respeto sa nakakatandang pinsan, na kung titignan ngayon ay tumatayo na rin bilang pigura ng isang ama't ina. Halos nasa pinsan na yata lahat ng katangian ng isang perpektong asawang lalake, kaya imposibleng walang magkakagusto rito, kaya minsan ay nagtataka talaga siya kung bakit hindi pa ito nagkakaroon ng sariling pamilya. 

     Agnes only gave him a hum bago lumapit at umupo sa isang salumpuwit bilang pagtalima.

     "Nga pala Agnes, kailangan mo ulit pumunta sa ospital upang ipasuring muli ang iyong sugat. Ito ang sabi ng nars na nakausap ko kahapon. Yun nga lang, nais sana kitang samahan ngunit may kagyat na pagpupulong kaming magaganap. Kagabi lang kasi sila nakapagpaalam sa telepono kaya hindi ko inaasahan. Pasensiya ka na talaga, hindi kita masasamahan," mahabang litanya ni Vanjoss nang umupo na rin upang kumain.

     "Ayos lang kuya. Kaya ko naman mag-isa."

     "Pasensiya ka na talaga Agnes, tsaka aalis rin ako pagkatapos at pagkatapos kong kumain. Kagyat nga talaga kasi ang pagpupulong. May inipit akong pera diyan sa isang libro sa ibabaw ng drawer na yan." Tinuro ng binata ang tinutukoy. "Sumakay ka na rin ng kalesa kung nais mo."

     SAMANTALA, si Aquil ay pilyong nakangisi habang tinatahak ang pasilyo ng ospital sakay ang isang wheelchair. Hindi naman talaga niya kinakailangan ngunit napagtrippan lang talaga niya ang sumakay dito at patakbuhin nang mabilis upang makasalubong ng hangin.

     "O, Aquil, jusko na bata, ano'ng ginagawa mo riyan at ika'y pasakay-sakay gayoong maayos pa naman ang iyong mga paa?"

      Napapitlag ng tayo si Aquil nang makita ang kaniyang tiyahin. Hindi niya kasi akalaing makasalubong ito dahil sa pagkakaalam niya kahapon at kaninang umaga'y abala ito para sa isang medical drive sa kabilang gusali ng ospital.

      "Uh, ako'y nababagot kasi. May ginagawa pa kasi si ate Joy kaya naisipan ko nalang ang sumakay sa wheel chair." Tamang tawa at kamot sa batok lang ang ginawa  ng binata.

      "Naku, ano ka ba, alam mo namang bawal sa'yo ang masyadong paggamit ng lakas at  maari itong ikadurog ng iyong buto?"

      "Ah, eh, haha, pasensiya na po." 

      "O, tignan mo. Ang latest medical report mo." May inabot na mga papeles ang tiyahin niyang doktora, at sa makailang saglit lamang ay masusi niyang pinag-aralan ang mga ito hanggang sa humantong siya sa isang konglusyon. Wala siya sa sariling napatingin sa doktora na ngayon ay malungkot nang tinitignan siya.


       "MAAYOS naman kahit papaano ang iyong sugat. Walang anumang infection." Agnes looked at the nurse who said that. Tumayo na ito nang matapos suriin ang kaniyang sugat ay tinungo ang kinalalagyan ng isang kit. Nakita niya iyong binuksan at may kinuhang mga gamot.

       "Heto, inumin mo ang mga gamot na'to, isang beses sa isang araw upang makasiguro tayo ng iyong proteksyon," wika pa nito at inabot ang ilang gamot anti-tetanus at maliit na dosage ng anti-biotics. 

Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon