"Right after she visited you last week, Agnes asked me one favor, Aquil." Kalmado ang boses ni Vanjoss ngunit malungkot at puno ng pag-aalala ang mga matang nakatingin sa walang malay na pinsan.
"Kuya, ano po ba iyong pakiusap niya sa'yo?" Si Aquil ay kanina pa iyak nang iyak, seeing Agnes in an almost-a-paper skin breaks his heart.
Malungkot na bumaling si Vanjoss sa kaniya. Kasama nila si nurse Joy, at apat na kaibigan sa loob ng silid. Umaga na at hindi pa rin nagigising ang dalagang si Agnes na naagapan pa kagabi dahil naikarga pa ito ni Vanjoss kahit sa ilalim ng madilim na ulan.
"Nais na niyang iwan ang lugar na ito."
Malungkot na natigilan si Aquil at mga kaibigan nila na kapuwa nakikinig.
"Ang dahilan kung bakit... ay hindi ko na alam," wika pa ni Vanjoss at huminga nang malalim, "Humingi lang siya ng isang linggo, baka sakali umanong magbago pa ang kaniyang isip."
"Then last night, when we were actually about to leave this place, nakita ko nalang siyang walang malay sa kaniyang silid at duguan ang ulo."
-VICTIMS OF MEDUSA-
"Aquil, kumalma ka, magiging okay lang din si Agnes. Maya-maya'y magigising na din siya. Magtiwala ka lang," pampalubag loob ni Diego kay Aquil na kanina pa humihikbi sa kaniyang silid. Si Agnes na nakaukupa sa silid na nasa pinakaunang bahagi ng pasilyo. Apat na silid lamang ang kaniyang pagitan.
"Aquil, mas nais ni Agnes ang magpakatatag tayo, sa ngayon, hintayin lang din natin ang mga balita ni kuya Vanjoss tungkol sa resulta ng ginawang pagsusuri sa kaniya," wika naman ni Emilda.
"Pare, Aquil, huminahon ka lang, baka mamaya pa'y mahihirapan ka na naman sa paghinga." Marahan namang hinaplos ng kaibigang si Filipe ang kaniyang balikat at malungkot na bumaling sa labas.
Umaambon na naman, at matamlay na rin ang mga puno ng trumpeta sa labas.
Silang apat lamang sa loob ng silid na iyon. Namamayani ang kanilang pag-aalala at lungkot sa hindi pa rin malinaw na sinapit ng dalagang si Agnes. May dinaluhan ding pagpupulong ang kaniyang mga magulang at si manang Esther ay pinauwi na rin muna sa bahay upang makapagpahinga matapos ang isang linggong pagtutok sa kaniya ng atensyon sa bawat magdamag. Samantalang si nurse Joy ay abala rin sa pagtulong sa kaibigang si Vanjoss sa pag-aasikaso kay Agnes.
"Mga kaibigan!" Kaagad napatingin ang apat sa pintuan kung saan nanggaling ang pagbulabog na iyon, si Gelina na kanina pa nakaabang ng balita doon sa pintuan ng silid ni Agnes. Humihingal ito na tila ba galing pa sa kakatakbo.
What Gelina said in the next moment made their emotions alive.
"Si Agnes, gising na!"
'In the recent days and consecutive rains, I woke up a sleeping royalty from a curse with a kiss.'
'But doing so calls me to make an important decision...'
'That is... to be unlike the story of Disney's Sleeping Beauty. Because that royalty was a prince, and the princess who kissed him wasn't there anymore when I woke up.'
'It wasn't easy. I was on the pedestal of dealing with the most painful heartbreak until it made me doze off to darkness in my own room.'
'Ang pagdama ng matinding emosyon ang nagpawala sa aking malay.'
Slowly, Agnes opened her eyes upon hearing the shallow plip-plops of the drizzle outside.
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Teen Fiction[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...