-SONGS OF THE GORGON-
"O, kumusta naman ang pakiramdam mo ngayong nakabalik ka na ulit dito sa inyo?" tanong ni nurse Joy sa binatang si Aquil habang ginagawa ang nakasanayang weekly health report.
"Syempre, masaya kasi hindi na naman nanunuot sa aking ilong ang amoy ng antiseptics," kaagad namang tugon ni Aquil.
"Pero syempre, minsan nakakabagot kasi wala akong masyadong mapagbuntungan ng kalokohan, kasi balik sa dating gawi na magbasa na naman ng mga libro," Aquil added and scoffed.
"Aysus, loko ka talaga kahit kailan." Nurse Joy laughed before finally ending her thing.
"O, siya, ako'y lalabas na upang ipaalam sa iyong mga magulang ang kalagayan mo," ani nurse nang tumayo.
"Ate Joy, dito ka nalang kasi muna. Nakakatuwa ka kasing kasama kahit na ulyanin ka't mabantot. HAHAHA!"
"Buang ka talagang bata ka." Si nurse Joy ay natawa nalang sa kaniya. Mabuti na lamang at malapit na sila sa isa't isa at mahaba ang pasensiya ng matandang dalaga.
"Pero seryoso Aquil, nais ko mang samahan ka pero hindi maaari eh. May iba pang mga pasyente sa ospital na kailangan rin ng tulong. Alam mo naman, malaki ang ospital ng tiyahin mo ngunit limitado lang kaming mga manggagawa doon. Naiintindihan mo naman siguro iyon hindi ba?"
Si Aquil na nasa kaniyang malaking kama ay napangiwi ngunit nagbigay naman ng kaniyang tugon ng pag-intindi.
"Okay, sige Aquil. I'll see you next Friday. Mag-iingat ka sa sarili mo dito ha? Lalo na't alam mo naman ang kondisyon mo. Isang sugat lang, maging bato agad."
"Okay po. Mag-iingat ka po ate. Tsaka sana naman syrup yung gamot na dadalhin mo sa susunod!"
"Walang syrup sa mga matatanda na Aquil!"
Sa huli natawa nalang si Aquil sa kaniyang nars. He stood up gently and went to the glass panes of his wide room. He held the silk curtain to the side and looked at the scape of the cold summer Malaybalay that's tainted in both gray by the thin kissing fog and yellow by the blooms of trumpet trees.
He was reminded of the girl he encountered lately. He couldn't get over with the kind of eyes he saw.
"Ang babaeng yaon..."
His palm met the coldness of the glass.
"Bakit ang lakas ng bugso ng damdamin ko sa kaniya?"
"Aquil, anak?" His thoughts were interrupted by that call.
Paglingon ng binata sa pintuan ng kaniyang kwarto ay naroon na ang kaniyang ama. Matangkad ito at may malaking katawan. Kayumanggi ang kutis at ang buhok ay maputi na.
"Papa," tanging nausal ng binata.
His father smiled before coming closer and stood next to him by the glass panes.
"Sinabihan na ako ni nurse Joy sa kasalukuyang kalagayan mo. Ang sabi niya'y stable naman umano ang iyong health stat," his father told him.
"Mabuti naman kung ganoon, pa. Akala ko kasi yung mga kalokohan ko ang ni-report niya, HAHAHA."
"Well, ika nga niya'y nagloloko ka na naman daw doon sa ospital sa iyong pananatili."
Napangiwi na naman ang binata sa narinig, "So nag-report nga talaga yung mangkay na yun."
His father chuckled upon hearing him, "Naku anak, pagpahingahin mo naman iyang ate Joy mo. Alam mo naman, ang hirap ng trabaho niyan. Mabuti nalang talaga't nakaya pa niyang tiisan iyang pag-uugali mo simula noong pinakaunang araw na siya ang napili naming mag-asikaso sa iyo."
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Roman pour Adolescents[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...