Friends or Lovers?

591 5 0
                                    

Summer 2012. I met this guy, Angel.

Tropa siya ng pinsan ko. Pero ngayon ko lang siya nakita.

Eh, halos lahat ng kaibigan ng pinsan ko, kilala ko na at kilala din ako. He’s a year older than me. Currently studying at

University of Santo Thomas. He lived at the same village where i lived. Mabait siya. Masaya kasama.

Ipinakilala sakin ng pinsan ko si Angel.

At first, ayoko siya i-entertain kasi di ko naman siya kilala. Pero sabi naman ng pinsan ko nakikipag-kaibigan lang. Oo nga naman.

Why not be friends, diba? So, we talked. Madalas na rin kami nagkakasama. Manunuod ng liga. Minsan pinapanood ko siya maglaro.

Minsan kakain lang sa labas. At kung minsan chill lang, tambay kung baga.

Pag kasama ko si Angel, ang gaan ng pakiramdam ko.

Parang wala akong problema. Ang saya lang ng pakiramdam. Yung laging may ngiti sa mga labi mo. Yung bumibilis yung tibok ng puso mo pag kasama mo siya.

Yung ayaw mo mawala siya sa paningin mo. Hayy. Inlove na ba ko? :/ Mahal ko na ata siya. Pero pilit ko sinasabi sa sarili ko na. “Hindi ako inlove sa kanya.

Masaya lang talaga ako pag kasama ko siya. Pero hindi

. Hindi ako inlove.”

Tuwing nagkakatext kami, hindi nawawala yung ngiti ko sa labi. Minsan di ako mapakali pag di siya nakakapagreply agad.

Pero ano naman ang magagawa ko kung di niya ko replyan. Eh, HINDI NAMAN KAMI.

Unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Unti unti na siyang napamahal sakin.

Hindi ko alam yung gagawin ko. Natatakot ako, na baka saktan niya lang din ako tulad ng iba. Baka lokohin niya lang ako.

Hindi nawawala yung takot na yun dahil sa mga napag-daanan ko. Hanggang sa umamin siya sa nararamdaman niya para sakin.

Tumawag siya, nag-usap kami. Inamin niya sakin na mahal niya ko, inamin ko din sakanya na mahal ko siya.

Masaya kami sa kung ano ang meron kami.

Hindi man “kami” sa paningin ng iba o sa estado. Para sa aming dalawa, higit pa sa pagkakaibigan ang tingin namin sa isa’t isa.

Sobrang mahal namin ang isa’t isa, yung tipong parang kayo pero walang official date.

Hindi naman importante yun diba? Ang importante masaya kami sa ginagawa namin.

Hindi nami

n minamadali yung mga bagay bagay. Pero ano nga ba ang masakit na kapalit ng pinili naming desisyon? Edi yung, karapatan mo sa kanya. Oo, may karapatan kang magselos dahil mahal mo siya.

Pero wala kang karapatan pigilan siya at magalit sa mga ginagawa niya. Nung mga araw na yun, natatanong ko sa sarili ko..

“Ano nga ba ako sa kanya?” Kahit ako di ko masagot. Pero kung ano man ako sa kanya,

masaya ako dahil binibigyan niya ko ng importansya at pinapakita niyang mahal niya ko talaga.

Hanggang sa dumating ang pasukan.

Hindi gaanong magkasundo ang schedule namin sa school. Minsan nagkakasabay kami umuwi, minsan naman hindi. Dumating din yung mga araw na,

sobrang naging busy siya.

Mga tatlong text sa isang araw, minsan pa nga wala. Parang nanlalamig na. Natatakot ako, na baka dumating yung oras na mawalan kami ng communication.

Pero sabi niya, gagawa at gagawa siya ng paraan para makabawi sa akin. 

Isang araw, pauwi na ako mula sa FEU. Nasa pilahan na ako ng FX nung bigla siyang nagtext.

July 9, 2012.

S: Babe, san ka na?

A: Katipunan po. Nakapila na. Ikaw? Pauwi ka na ba? Hintayin kita.

S: Ah, dito pa po ako sa Uste. Umuna ka na, nagmimeeting pa kami. Baka mamaya pa to matapos.

A: Okay, umuwi agad ha?

S: Anjan na si superman.

A: Ha??

S: Wait mo si superman jan Babe. Tinext ko na.

Tapos biglang may kumalabit sa bewang ko.

Siya na pala. :) Sabay kaming umuwi, hinatid niya ko hanggang sa amin.

Masaya ako nung araw na yun.

Bigla na lang hindi siya nagparamdam kinabukasan hanggang sa mga sumunod na araw.

Akala ko nga nagpapamiss lang. Hanggang ngayon di siya nagparamdam.

Umasa ako sa mga sinabi niya. Bigla na lang siya hindi nagparamdam.

Nawala ng bigla bigla. Ng hindi ko alam yung dahilan. Masakit kasi umaasa ako na mahal niya ako,

hindi na pala. Hindi ko alam kung anong nagawa ko, kung anong nangyari. Kung may nagawa ba akong mali kaya hindi na siya nagparamdam.

Hindi ko na alam. :( Masakit kasi hindi ko alam kung anong rason kung bakit bigla na lang siya nawala. Pero mas masakit,

yung bigla na lang niyang kalimutan kung ano yung meron kami. Habang ako,

hanggang ngayon umaasa pa rin na baka isang araw tumawag siya,

magtext siya, o magpakita siya sakin.

Ano nga ba karapatan ko na magalit sa kanya?? The bottom line is, HINDI NAMAN KAMI.

Siguro, hahayaan niya na lang na ang oras yung magsabi sakin na wala na siya. Masakit, pero kailangan tanggapin.

Na sadyang may mga taong ipaparamdam sayo na mahalaga ka, pero dadating din yung oras na bigla na lang sila mawawala.

Pag nagmahal ka, handa ka na dapat masaktan, at dapat handa ka nang MAIWAN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friends or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon