Umiiyak sa takot na tumatakbo si Ligaya sa kalsada.
"Tulong! Tulong!" sigaw niya ngunit tila walang nakakarinig sa kanya.
Lumingon siya at nakita niya ang lalaki sa likod na hinahabol siya. Wala naman dalang sandata ang lalaki pero pakiramdam niya ay handa siya nitong patayin o pugutan ng ulo.
Tumakbo siya nang walang direksyon hanggang makapasok siya sa loob ng isang sementeryo. Bukas ang gate ng sementeryo. Hindi na siya aware sa kung saan siya pumunta. Ang layo na ng tinakbo niya. Ang tanging laman lang ng isip niya ay ang makatakas sa mata ng 'killer'.
Pero nawawalan na siya ng lakas at napapagod na siya kakatakbo. Wala na rin siyang mapagtaguan, ang mga puntod doon ay maliliit lamang. Madali siyang makikita kapag doon siya nagtago. Nakakita siya ng mayabong at malaking puno na may katabing mga halaman. Naisip niya na magtago sa likod niyon. Umupo siya sa likod at nanalangin sa Diyos na iligtas siya.
Iniwan niya ang lahat ng pinamili sa kalsada. Hindi siya makakatakbo nang mabilis kung bitbit niya ang mga iyon.
Nagpapanic na kinuha niya ang phone sa bulsa at nanginginig pa ang kaniyang mga kamay na pilit dina-dial ang numero ng emergency hotline. Hindi niya halos mapindot ang numero ng 911 sa keyboard. Buti naalala niya na ang national emergency hotline ng Pilipinas ay 911 or 117(for Police). Sandali lamang at may sumagot na sa kabilang linya.
"Tulungan niyo ko! Tulungan niyo ko!" hindi na siya nag-hello at direkta na siyang humingi ng tulong.
"911, what's your emergency?" kampanteng tanong ng dispatcher.
"May humahabol sa akin! Papatayin niya ako! Papatayin niya ako!"
"Nasaan ka po ngayon?"
"Garden Peace! Sa sementeryo! Sementeryo!"
"Okay. Pangalan niyo po?"
"Ligaya! Ligaya Asuncion!"
"Okay. Ligaya, kilala mo ba ang humahabol?" kampante pa ring tanong nito.
"Hindi ko siya kilala! Pero pinatay niya si-si---" natigilan siya sa pagsasalita nang makitang nasa harap na niya ang killer. Nakatingin ito sa kanya. Nakita siya nito sa tinataguan.
Napanganga at huminto ang tibok ng puso niya. Tumayo siya at nagtatatakbo.
"Hello? Pls. don't hang up. Parating na po ang mga pulis," sabi ng dispatcher pero hindi na niya narinig.
Dumiretso si Ligaya sa chapel. Swerte siya dahil nakabukas ang pinto ng chapel.
Iyon nga lang dahil halos isang dipa na lang ang layo niya sa killer, naabutan siya nito. Nahawakan siya ng killer sa likod at nahila nito ang damit niya. Sa gilid ng pinto ay may maliit na santo, inabot niya iyon at pinukpok sa kamay ng lalaki. Nabitawan siya nito at biglang napaurong.
Mabilis na isinara niya ang pinto bago pa man makapasok ang killer sa loob. Ini-lock niya iyon nang maigi. Napasinghap siya nang marinig niyang sinisipa ng lalaki ang pinto.
"Lumabas ka! Mag-usap tayo! Labas! Sisirain ko itong pinto!" nagbabantang sigaw ng lalaki.
Hindi siya sumagot dahil siguradong kapag lumabas siya ay patay siya.
May kalawangin na bakal sa basurahan na nasa gilid ng chapel. Kinuha iyon ng lalaki at pinokpok sa doorknob.
Narinig ni Ligaya na nabibiyak na ang kahoy na pinto.
"Tulong! Tulong! May tao ba dito?!" dumiretso siya patakbo sa altar pero mukhang walang tao ngayon doon. Nasaan ba ang mga tao kapag kailangan mo sila?!
BINABASA MO ANG
𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟
Random"Walang mukha ang kasamaan." Bagong dayo sina Ligaya at Maninging sa San Fernando Pampangga nang mangyari ang kahindik-hindik na krimen sa tapat ng abandonadong bahay. Ang bahay na iyon ay katabi lamang ng Agsikapin Elementary School kung saan nagtr...