CUATRO

93 36 38
                                    


"TANGGAPIN mo ang singsing at magiging panginoon ka ng buong mundo. Pinapangako ko sayo magagawa mo lahat ng gusto mo." paulit ulit na bumabalik sa aking isipan.

Hindi ko alam kung anong dapat na gawin. Wala ako sa sarili habang nakatayo lang sa kinatatayuan ko.

"Ano nang gagawin mo panginoon." Tanong nito.

Napalunok ako muli niyang tanong. "Anong makukuha ko sa singsing na yan?" Balik ko sa kaniya.

"Kapangyarihan panginoon. Kapangyarihang matagal na dapat na napasakamay mo." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

"Kapangyarihan? Posible ba yun?"

"Alam ko kung anong iniisip mo. Posible yun panginoon at posibleng malaki ang makukuha mo kung tatanggapin mo 'to. Alam ko kung gaano mo kagustong baguhin ang mundo. Alam ko kung bakit at alam ko kung anong natulak sayo para baguhin ang mundong kinalakihan mo." Sabi niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"Alam mo kung binibiro lang ako ng imahenasyon ko mas mabuti pang wag mo na akong kausapin." Bulalas ko saka ako nagmadaling pumasok ng bangko.

BUMUNGAD sakin ang mga taong nakadapa at mga suspect na busy sa pangunguha ng pera. Hindi nila ata ako napansin kaya malaya akong nakapasok.

Bumalik ako sa sarili ko nang bigla akong hakwitin ng lalaking malapit sakin.

"May plano ka bang magpakamatay?!" mahinang singhal nito sakin.

Nilingon ko naman siya. "Anong nangyayari?" wala sa sarili kong tanong.

"Hindi mo ba nakikita hino-hold up ang bangko bakit pumasok ka pa rito!" sagot nito.

Magsasalita pa sana ako nang bigla may suulpot na lalaki saka ako hinila at tinutukan ng kutsilyo.

"Ikaw sino ka? Ngayon lang kita nakita sigurado ako na kakarating mo pa lang."sabi nito habang dinidiin sa leeg ko ang patalim niya.

"Kanina pa ko rito hindi mo lang ata ako napansin." Mahinahon kong sagot sa kaniya.

Tinulak niya lang ako dahilan para madapa ako sa sahig. Napalingon naman ako at nakita ko si kuyang nakakunot noong nakatingin sakin. Napayuko ako nang makita niya ako hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya mamaya kung sakaling magtatanong siya.

Dahan dahan siyang lumapit sakin saka niya ako kinurot sa tagiliran. "Anong ginagawa mo rito?" asik nito sakin.

"Sinundan kita." Diretso kong tanong sa kaniya.

Tinampal niya ang kaniyang noo saka ito marahang lumapit sakin. "Dahil sa ginawa mo pwedi kang mapahamak nag iisip ka ba Seis?!"

"Mapapahamak ka rin kung hindi kita matutulungan." Panlalaban ko.

"At ano namang itutulong mo saking bata ka?!" singhal niya kaya napatingin samin ang mga suspect.

"Hoi! Anong tulong tulong ang pinagsasabi niyo ahh! Ano tatakas kayo?!" bulyaw nito samin.

"Kung sasabihin kong oo anong gagawin mo?" balik ko sa kaniya na mas ikinagalit nito.

Walang pag aatubiling hinila ako nito, saka nito sinakop ang buo kong mukha gamit ang isa niya kamay. "Hinahamon mo ba ako bata?"

"Please wag mo siya saktan." Pakiusap ni kuya.

Pariho kaming napatingin ng suspect kay kuya. "Kaano ano mo ba tong batang to?"takang tanong nito.

"Kapatid ko siya please wag mo siya idamay rito." Sagot naman ni kuya.

Nilingon naman kami ng suspect. "Kapatid mo pala to? Ikaw pagsabihan mo 'tong kapatid mo!" sabi nito saka niya ako tinulak dahilan para matumba ako,

"Seis please wag kang makulit. Pariho tayong malalagit kina mama kung hindi ka magtitino." Pakiusap ni kuya.

Kunot noo ko naman siyang tinignan. "Kuya akala ko ba NBI ka bakit natatakot ka? Trabaho mo naman to bakit parang natatakot ka na parang bata diyan?"

Napabuntong hininga naman siya. "Natatakot akong madamay ka Seis ayaw kong napapahamak kayo 'di bali ako na ang mamatay wag lang kayo." Sagot niya.

Hindi ko siya maintindihan. Bakit parang sobra naman ata ang pag aalaga niya samin?

HABANG lumilipas ang mga oras ay mas lumalala ang pagkatakot ng mga kasamahan namin sa loob ng bangko. Tahimik lang akong nagmamasid sa mga suspect habang inisa isa nilang kinukuhaan ng pera at mga alahas.

"Mga walang hiya talaga" rinig kong bulong ng babaeng nasa likod ko.

"BILISAN NIYO!" sigaw ng isa sa mga suspect.

Nagmadali naman ang mga suspect sa pangunguha ng gamit hanggang sa umabot na ito sa gawi namin. "Hoi ikaw ilabas mo ang wallet mo!" utos nito kay kuya na ikinakunot ng noo ko.

Nilingon ko naman si kuya. "Wag mong ibigay sa kanya ang wallet mo!" sigaw ko na ikinatingin ng lahat sakin.

Kunot noo namang lumapit sakin ang leader ng mga hold upper saka ako nito kwenilyuhan. "Ikaw na bata ka kanina ka pa!" sigaw nio sa mismong mukha ko.

"Please wag! Ito na ang wallet ko please pagpasensyahan mo na lang." pakiusap ni kuya habang inaabot sa suspect ang kaniyang wallet.

"Ano ka ba naman kuya wag mong ibigay yang wallet mo! Kita mo ba yang mga katawan nila?Mukha ba silang walang mapapasukang trabaho?!" bulyaw ko. Hindi ko na naisip ang mga posibleng mangyayari dahil sa nadadala na din ako sa inis.

Tumayo ako at buong tapang na humarap sa mga suspects. "Kayo! Hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa niyo?! Ang lalaki ng katawan niyo? Ba't di niyo subukang mag trabaho?!" singhal ko sa kanila.

Napangisi naman ang isa sa mga suspect at lumapit ito sakin. "Ikaw kanina ka pa! Namumuro ka na!" sigaw nito saka niya ako sinakal.

Todo naman ang awat ni kuya sa suspect sa pananakit sakin. Hanggang sa walang awa nilang inawat si kuya at pinagsisipa.

"Tigilan niyo yan!" sigaw ko.

Nagpupumiglas hanggang sa makawala ako at saka ko malakas na itinulak. "Wag niyong saktan kuya ko."

"Kung ayaw mo pa lang nasasaktan ang kapatid mo edi manahimik at wag kang manggulong bata ka!" sigaw nito sa mismong mukha ko. Bahagya pa akong napapikit dahil sa pagtalsik ng laway nito.

"Kuya." Tawag ko kay kuya. Wala itong malay at duguan rin ang bibig nito.

Wala ako sa sarili na tumayo habang binabato ng matalim na titig ang mga suspects. "Talaga bang wala na kayong magawa sa buhay niyo at napili niyo pa talagang mang hold up para mabuhay?!"

Lahat sila ay napatingin sakin. "Anong sabi mo?" yung lalaki kanina.

"Hindi ka na naman bingi kaya hindi ko na uulitin pa." puna ko sa kaniya.

Kita sa mukha niya ang galit kaya agad niya akong kwenilyuhan at galit na galit itong nakatingin sakin.

"Kanina pako naiirita sayo." Sabi nito.

Ngumisi ako at naging dahilan ng lalong pagkagalit nito. Itinulak niya ako at malakas na tumama ang parting likod ng ulo ko sa mesa.

Nakaramdam ako ng helo saka ko idinampi ang kaliwang palad ko sa aking ulo at bumungad sakin ang dugong tiyak ko doon galing.

Nakaramdam ako ng panghihina at pagkahilo. Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka ako dahan dahang tumayo. Naramdaman ko namang pumatong sa aking balikat si Corvus.

"Ganito na ba talaga ang mundo?" wala sa sariling bulalas ko.

"Walang mundong hindi naaayos sa madaling o kahit sa mahabang panahon pa panginoon. Kaya kung ako sayo tatanggapin ko ang isang biyayang minsan lang kung dumating." Sabi ni Corvus.

Tama siya walang mangyayari kung walang gagalaw at sa tingin ko ako ang tamang tao para humusga sa mga dapat husgahan.

"Ano na ang desisyon mo?" muling tanong ni Corvus.

Napatingin ako sa kaniya. "Tatanggapin ko na ang alok mo." Sagot ko sabay kuha sa singsing at agaran itong isinuot.

THE SOULLESS PATRIOT VOL. 1 [PUBLISHED UNDER PIP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon