Chapter 1

4 0 0
                                    

*BLAAGG*

"Ano ba naman yan! Napakawalang kwenta mong bata ka!" Natinag ako dahil sa malakas na sigaw ng aking ina, sinabayan pa ng paghampas ng walis tambo sa batok ko. Hindi yun masakit kaya ayos lang. "Maghuhugas ka na lamang ng pinggan, aba eh binasag mo pa"

"P-Patawad inay, h-hindi ko naman po s-sinasadya" naluluhang pagpapaumanhin ko habang nakayuko. "N-Nadulas po kasi sa kamay ko kaya n-nabasag"

Naghuhugas ako ng pinggan at kamalas-malasang nadulas ito sa kamay ko kaya nahulog at nabasag.

"Hinde." Gulat akong nag-angat ng tingin sa aking ina nang isigaw niya iyon, galit. "Nagdadabog ka dahil ayaw mong maghugas ng pinggan, kaya binasag mo!" Diniinan niya pa ang salitang 'binasag'.

Hindi ko alam kung bakit ganon siya sa akin, gayong anak niya naman ako. Simula pa lamang ng magkaisip ako ay ganyang na siya sa akin, sila.

Sinisigawan

Binabato ng masasakit na salita

Bagama't hindi ako binubuhatan ng kamay, nasasaktan parin ako sa mga salitang binibitawan nila.

"N-Nay, h-hindi ko po b-binasag, n-nabasa-"

*PAK*

Hindi ko na natuloy ang pagsasalita ng 'SINAMPAL' niya ako.

'Ngayon niya lamang ako binuhatan ng kamay!'

"Nabasag? Binasag mo! Wala ka talagang kwenta kahit kelan!" 'Walang kwenta' yan ang salitang paulit-ulit niyang binabanggit kapag ako ang nakikita. "Halika ka nga ditong bata ka! Oh ayan! Linisin mo yan! Wag kang papasok hangga't hindi malinis ang buong bahay!" Sinabunutan niya ang buhok ko at pabatong tinapon sa nabasag na pinggan.

Sinimulan ko ng linisan ang mga nabasag na pinggan nang umalis ang aking ina.

'Bakit ganon? Anak niya ako, pero hayop ang trato niya sakin'

Natapos ko ang paglilinis at ganon na din ang paghuhugas. Naligo na ako at nag-ayos para pumasok sa eskwela.

Nasa gitna ako ng paglalakad ng may naramdaman akong sumusunod sakin, kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ngunit tumigil din nang maamoy ko ang pamilyar na perfume.

"Babe!" Agad akong humarap sa kaniya ng marinig ko ang tawag niya, hindi nga ako nagkakamali. "Babe naman! Bakit ka ba tumatakbo hah!?" Boyfriend ko.

"N-Naramdaman kong may sumusunod sakin kaya t-tumakbo ako, hindi ko naman akalaing ikaw pala yun!" Nakayukong aniya ko. Tinatago ang pasa sa mukha.

"Babe! Tumingin ka sakin!" May awtoridad ngunit mahinhin niyang utos, nanatili ako nakayuko, hindi sinunod ang utos. "I said look at me!" Muli niyang utos, ngunit nanatili akong nakayuko. Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang baba ko bago ito iangat. Kita ko ang pagbabago ng awra niya ng makita ang pasa sa gilid ng labi ko. Nakakunot ang noo at halatang hindi nagustuhan ang nakita. Iniwas ko ang mukha ko ngunit agad niya itong ibinalik sa dating pwesto at sinuri ng maigi. Galit! "Who the hell did this?! Your mother? Or that fucking brother of yours!" Napapikit ako ng mariin. Nagpipigil humikbi. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya hindi dahil nabastos ako sa salita niya kundi dahil binanggit niya ang kuya ko! Ang kuya ko na akala ko ay kakampi ko ngunit tulad din siya ni inay. "Hey! I'm asking you, who did that?" Malumanay na ang salita niya ngunit nandoon parin ang galit! Nagpipigil.

"W-Wala ito, n-natamaan lamang ng l-libro ko" pagpapalusot ko at inangat kunwari ang librong hawak ko, muli itong bumuntong-hininga at tumango-tango ngunit hindi parin kumbinsido. "T-Tara na babe?"

Bully to Lovers (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now