(tingin sa cellphone)
"Ano bang tinitingin-tingin mo diyan sa cellphone mo? Kanina ka pa ah. May hinihintay ka bang text?" tanong sa akin ni Jason.
Napatingin lang ako sa kanya with this face -____-
Mag-isa lang ako dito ah. Katabi ko na naman to. Nakoo! Wala na atang araw na hindi ko ito kasama ah. Namimiss ko na tuloy si Juli.
"Ano?" tanong ulit niya.
"Eh kasi si Adrienne. Ilang araw ng hindi nagtetext yun eh"
"Ano? S-Si Adrienne? Bakit mo hinahanap yung lalaking yun? Lumipat ka na ba from Gab to Adrienne???" gulat na tanong sa akin ni Jason.
"Loko!!! Gab pa rin ako noh. Forever na yun!"
"G-Ganun? Eh bakit mo hinihintay text ni Adrienne?"
"Hello? Hindi ba kayo nag-aalala? Eh ilang linggo ko na siyang hindi nakikita dito sa school tapos hindi pa siya nagtetext" humarap na ako sa kanya. Loko tong lalaking to. Eh kaibigan niya yun tapos wala man lang pakialam.
Sinagot lang niya ako ng tawa. What the?
"Hoy! Anong nakakatawa sa sinabi ko???" iniinis talaga ako netong lalaking to eh.
"Eh--- Wait lang ha" sabay hinga. "Woo! Cute mo talaga pag nag-aalala" sabi niya na medyo natatawa pa.
Nagpout na lang ako. Nakakainis huh?
"Eh kasi naman. Pinadala si Adrienne sa Australia muna para i-represent ang school sa international competition para sa General Information. Eh siya lang naman ang pinakamatalino sa school na to eh"
"Ahh... Ganun ba?" Huwaw! Sosyal na pala yung lalaking yun. Ayos na utak. Dahil dun eh nakarating na sa ibang bansa. Nakakainggit naman.
------------------------------------------------------------------------------------------
[Jason's POV]
Ayos ah. Magkaibigan pala sila ni Adrienne. Pero ang benta niya talaga. Ako pa ang pinagalitan kung bakit hindi ako nag-aalala. Sus.
"Kung mag-alala ka naman eh parang may nangyaring masama sa kanya. Eh maganda pa nga ang nangyari sa kanya. Credentials nga yun para sa paghahanap niya ng university"
"Eh kasi naman eh... Nakakamiss siya" sabay buntong hininga niya.
Sa sinabi niya eh napatingin ako. Seryoso siya at malungkot pa. Hindi lang pala si Gab ang nagpapalungkot sa kanya. Si Adrienne din?
"May gusto ka ba sa kanya?" takte! Bad mouth! Bakit bigla mong naitanong iyan. Aaahhh! Nakakahiya. Gusto ko mang tumingin sa iba eh nakatingin pa rin ako sa kanya. Parang hinihintay ko lang yung sagot niya.
Nakatingin lang siya sa akin na gulat. Tapos biglang tumawa. o.O*
"H-Hoy?! G-Gantihan ba?"
"H-Hindi" habang pinipigil pa ang tawa. "Porket na miss lang eh may gusto lang?"
Tapos bigla siyang naging seryoso. At tumingin sa akin.
"Si Gab lang ang mahal ko. Minahal ko siya ng walong taon at mamahalin ko siya sa mga susunod na taon" biglang kumirot ang puso ko. Parang madudurog. Grabe! Diretsuhan niyang sinabi. Nakoo! Ano ka ba naman Jason eh hindi naman niya alam yung nararamdaman mo para sa kanya.
Inalis na niya ang tingin niya sa akin. "Kaibigan ko lang si Adrienne. Parang ikaw lang at si Juli. Kaya naman kung ano man ang mangyari sa inyo eh mag-aalala talaga ako. Normal lang na maging masaya ako dahil sa inyo, pasayahin ko kayo, malungkot ako dahil sa inyo at ang mamiss ko kayo. Cause we're friends, right?"

BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomansPag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?