1.XVII: Who Am I?

1.1K 52 2
                                    

Winasiwas ko ang espada nang may buong puwersa at nahati ang wooden dummy na nasa harap ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Winasiwas ko ang espada nang may buong puwersa at nahati ang wooden dummy na nasa harap ko. Sunod ko namang tinamaan ang nasa gilid ko pagkatapos ay ang iba pang mga wooden dummy na nakapalibot sa'kin.

Pawis na pawis na ako at hinahapo na rin nang kaunti dahil ilang oras na rin itong pinapagawa sa'kin ni Jerome. At eto lang din ang pinapagawa niya sa'kin sa loob ng dalawang linggong pagsasanay.

"Humuhusay ka na at mukhang tumitibay na rin ang stamina mo," sambit ni Jerome habang nakatayo siya ro'n sa isang tabi habang pinapanood ang ginagawa ko.

Pagkatapos ay naglakad siya papalapit sa'kin nang ibaba ko ang espadang hawak ko.

"Mabilis ang improvement mo para sa isang tao," sambit niya muli.

Nabigla ako nang kaunti sa sinabi niya at napatingin ako sa mga palad ko.

"Sa tingin mo. . .hindi talaga ako tao?" tanong ko.

Natahimik siya sandali bago magsalita, "Ang mga tao, napupunta lang dito sa Underworld kapag patay na sila. Dahil ang lugar na 'to ay hindi nakikita ng buhay na tao."

"Hindi naman ako patay, hindi ba?"

Iniangat niya ang kamay niya at dinikit ang dulo ng hintuturo niya sa noo ko.

"Hindi," sagot ni Jerome pagkatapos ay ibinaba na niya ang kamay niya.

"Isa pa kung patay ka na, ihahatid ka ng grim reapers para makatawid sa Six Rivers of Oceanus papunta sa Three Judges of Underworld at doon ka huhusgahan kung saan ka mapupunta. Kung sa Paradise of Heaven ba na mas kilala rito bilang Nirvana, o sa Impyerno o Tartarus."

"Pero hindi. Nandito ka sa Elysium kasama namin," dagdag pa niya.

"Elysium?" tanong ko.

"Oo. Ang Underworld ay nahahati sa tatlong malalaking lupain-ang Elysium, Lugentes, at Asphodel. At bawat city sa tatlong lupain na 'yan ay tinatawag na Ground. At ang Underworld University ay nasa Ground Midén," paliwanag ni Jerome.

"May tatlong klase naman ng huling hantungan. Sa Nirvana napupunta ang mabubuting nilalang, sa Tartarus naman napupunta ang mga makasalanan, at sa Valhalla naman ang mga mabubuting diyos at demigods na namatay," dagdag pa niya.

"Saan naman napupunta ang mga diyos at demigods na masasama?"

"Sa Tartarus din. Pero may espesyal na lugar sila ro'n. Isa sa mga nakakakulong doon ay si Cronus."

Napaangat naman ako ng kilay. "Cronus. Siya 'yong tatay nina Zeus, Poseidon, at Hades, 'di ba?"

Tumango si Jerome. "Tama. Ngunit ilang siglo nang nakararaan, nakatakas siya sa Tartarus at walang nakakaalam kung nasaan siya ngayon."

Tumango-tango naman ako bilang tugon.

"Pero kung hindi talaga ako tao, ano kaya ako? Kasi normal naman ang histura ko pero ba't gano'n?" tanong ko.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon