A Lucky Day for a Fan Girl

1.7K 24 13
                                    

Prologue:

When you thought that bad luck has been on your way . . . well, the UST Growling Tigers are there to save the day.

Meeting Aljon Mariano, Kevin Ferrer, Kim Lo, Paulo Pe, Jeric Teng, and Jeric Fortuna in one day? HOW GREAT WOULD THAT BE!

(c) Eileen xoxo charlotteeloise

________________________________________________

Alliah Louise Mariano! Anong petsa na?!

Okay. Binuo na ni Mommy yung pangalan ko sa text. Oh no! I need to get home . . . ASAP! Hay. Kung di ba naman ako nagkadengue at naconfine ng matagal, di sana ako nagrurush gumawa ng research paper ko.

Tsk. Kaya pala kung makapagtext ng whole name 'tong nanay ko, 7pm na! 5hours na pala ako dito sa Main Library?

Okay, mom. Chill ka lang. Patapos na ako. Photocopy na lang. Mga 8pm pa usapan ah.(I replied)

Kinuha ko na yung limang librong makakapal pagkatapos kong fill-out-an yung photocopy form at dumeretso na palabas.

SHOOT! Pano ko ba bubuksan 'tong pintong 'to para lumabas? Ang dami ko kayang dalang lib-

"Miss. . ." at bumukas yung pinto.

"Thanks, kuy-", at pagkalingon ko doon sa nagbukas. . . "Paulo Pe?!"

OMG! Si Paulo Pe ng UST Tigers! What the?! He opened the door for me! :"""">

"At your service!", he said then smile.

Na-starstruck ako at natulala. Nganga. Ang gwapo niya!

"Bag mo nga pala, nakalimutan mo sa table. Ang dami mo kasing dala eh. Here, let me help you."

Kinuha niya yung mga books ko para makuha ko yung bag ko sa kanya.

"Thank you po ulit." (Kinikilig ako niyan)

"No problem, Alliah."

I gave him a how-did-you-know-my-name-look.

"Saw it on your bagtag. Sipag mo naman. Aral kang mabuti ah. See you next time, kiddo.", at binigyan niya ako ng nakakakilig niyang kindat at umakyat sa kabilang section ng library.

Okay. Kelangan ko na talagang magmadali. Nako.

Bilis, Alliah, takbo, baka mapahaba pa pila mo sa photocopier. Ingat lang. Tingin ka lang sa steps ng stairs at baka mahulo - PPLAGGG!

Okay. Nahulog nga - hindi naman ako, yung gamit ko.

"Sorry, ate.", sabi nung nakabangga sakin habang pinupulot namin yung libro at ibang papel na mga naka-ipit doon.

"Okay lang", sabi ko habang patuloy sa pagpulot.

Tumayo siya, tapos na ata. Ako, naman pinupulot pa yung index cards - WTH?! Napaper-cut pa ko. Nvm.

Tumayo ako para kunin ko yung mga gamit mula sa kanya at pagtingin ko . . . Jeric Teng?!

"Thanks/Sorry", sabay pa kami niyan.

"Okay lang po yun", at ngumiti. Duh! Si Jeric Teng kaya yan ba't ako magagalit.

"Nagte-text kasi ako habang naglalakad. Pasensya na talaga. Eto na gamit mo . . .", sabi niya at inabot yung mga napulot niya. Inextend ko din yung arms ko indicating na ipatong na lang niya yun dun sa mga hawak ko, pero, bigla niyang binawi.

A Lucky Day for a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon