Kismet

85 1 1
                                    

Sino nga bang mag aakala na ang pag-iibigan namin ay magiging katulad ng isang kanta...

~"Didn't mean to take you for granted."~

Hindi ko naman sinasadyang di ka pahalagahan.

~"Didn't mean to show I don't care"~

Kung akala mong wala akong pakialam sa'yo, mali ka dahil mas mahal pa kita sa buhay ko. Pasensya na kung inuna ko SIYA kaysa sayo.

______________________________________________________________________________

"Nathan, alam mo, pangarap ko talagang maging doktor" sabi ng girlfriend kong si Abi. Nakaupo kami ngayon sa grass area ng school. Signing of clearance na namin kaya tambay-tambay na lang ginagawa namin

"Kaya mo yan! Ikaw pa. Salutatorian ka naman. Madali na lang yan sayo." sagot ko sa kanya

"Eh ikaw nga valedictorian eh! Anong plano mo ngayon?" tanong niya sakin

"Ako? Di ko pa alam eh. Bahala na siguro." sagot ko naman

"Sige na! I share mo na kasi! Arte-arte!" pag may sinabi siya tapos yung huli may "arte-arte", galit na siya niyan

"Wala nga akong plano. Sasabihin ko naman pag meron na eh" sagot ko para tumahik siya

"Arte mo. Diyan ka na nga" tapos tumayo siya at naglakad palayo. Nakakainis! Ba't ba kasi di ko pa sinabi sa kanya. Yan tuloy galit na naman siya. Kasalanan ko to eh.

Ganyan talaga si Abi. Medto stubborn, pero mabait yan. Sobrang matulungin tapos masipag mag aral. Gusto niya lahat malinis. Tapos galit sa alikabok. Ewan ko ba dun. Pero pag nagagalit yun, di ko matiis eh. Ako yung unang lumalapit. Ganun daw kasi talaga pag mahal mo. Wala ka nang paki sa pride na yan, basta masaya kayo.

Pagkatapos ng dismissal ay hinabol ko siya palabas ng classroom. Pero nakasakay na siya sa service niya. Umuwi ako sa bahay at hiniram ang sasakyan ni Dad. Mahaba kasi ang biyahe papunta sa kanila eh mga isa't kalahating oras siguro pag may sasakyan. Pero pag commute inaabot ng 2 oras. Nag drive ako papunta kina Abi dala-dala ang aking peace offerings na Butterfinger at Kitkat. Pag namamasyal kami, eto yung palagi niyang pinapabili.

Medyo nabagot ako sa sasakyan kaya pinaandar ko ang radyo.

~"And I'll drive for two hours to bring Butterfinger. I don't mind the distance, this Kismet's a dance"~

Napangiti na lamang ako dahil tugmang tugma yung kanta sa ginagawa ko. Yung tipong wala ka nang pakialam sa gasolina, malaman mo lang na di siya galit sayo.

Habang nagmamaneho, naalala ko yung unang pagkikita namin ni Abi. Siya kasi yung majorette ba yun. Di ko alam basta may baton siya na hinahagis-hagis tapos natamaan ako sa mukha. Inis na inis pa nga ako nun sa kanya eh. Sarap hagisan ng tsinelas. Tapos tinawanan niya muna ako bago tulungan. Tapos nawala yung galit ko nung halos patayin niya yung nurse sa sobrang pagmamadali para asikasuhin ako.

Wala namang kakaiba sa kanya noon.

Normal lang..

Ayos lang..

Kumbaga, type ko lang..

Hindi ko namalayan na nasa kina Abi na pala ako. "8:17 na pala" ani ko sa sarili ko.

Kumatok ako sa pinto at pinagbuksan ako ng mama ni Abi.

"Ay tita. Good eve po. Nandiyan ba si Abi?"

"Good evening din. Nandun siya sa loob. Pasok ka"

"Thank you po, tita"

"Nagtampo na naman ba siya sayo? Nako, intindihin mo na lang ha."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon