Chapter 25: Execute The Plan

1.3K 70 0
                                    


Aria.

Nagtatawanan ang lahat dahil sa mga kinukwento ni Venice. Nakikitawa rin ako pero ang totoo ay kanina ko pa talaga pinapakiramdaman si Keirra at Monica. Kanina pa kasi nakalingkis si Monica kay Keirra na akala mo naman ay mawawala.

"Maghiwalay naman kayo kahit saglit lang, respeto naman sa mga single." Biglang sabi ni Venice kaya napatingin kami lahat sakanya at natawa.

"Stop teasing us." Sagot naman ni Keirra pero humiwalay parin kay Monica. Napailing nalang ako at itinuon ang pansin ko sa phone. Tapos na kaming mag-breakfast at nandito kami ngayon sa lilim ng puno.

Gusto na raw nilang mag-swimming pero masyado pang mainit kaya tumambay muna kami dito.

"Is it really true na ikakasal kana Ate Kei?" Natigilan ako nang marinig ko ang tanong ni Venice.

"It's for the family's business." Maikling sagot ni Keirra.

"Alam mo Kei mas bagay talaga kayo ni Aria." Nanlaki ang mga mata ko nang si Ate Solar naman ngayon ang nagsalita.

"Si Rie? Why would you think that?" Umiwas ako ng tingin at kunwari ay walang pakialam sa pinaguusapan nila.

"Wala ka bang feelings kay Aria? I mean you both live under the same roof. Aria's not that hard to like since she's a very kind and gentle person." Bigla akong namula sa sinabi ni Ate Shina. Is she complimenting me? Lumalaki naman yata ang ulo ko masyado.

Napatingin ako kay Keirra na nakatingin na rin pala sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin sakanya. Why is she looking at me? I am waiting for her answer. Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi ko talaga mapigilan ang pamumula ng mga pisngi ko.

"I think I already know the answer. Ikaw ba Monica? Gusto mo ba talaga si Kei?" Doon ko lang narealize na kasama parin pala namin si Monica kaya napailing ako.

"Kailan nga pala ulit ang kasal niyo?" Tanong ni Ate Solar.

"I'll marry her as soon as possible." Sagot ni Keirra kaya tumingin ako ulit sakanila.

Bigla kong naalala ang pinagusapan namin. I think hindi ko na kailangan pang tanungin kung ano ang desisyon niya dahil kailangan ko na talagang umalis. I don't want to involve myself to her any further lalo pa at magpapakasal na pala siya.

My heart clenched on that thought but I can't do anything about that anymore. It's her life and I am nothing compared to her. Kakausapin ko si tita at si Ate Shina pagbalik namin. Hindi ko sila kaano-ano pero I need their opinion about my plans first. I consider them as my guardian lalo na at dahil sakanila ay may maayos akong buhay dito ngayon.

"Maligo nalang tayo sa swimming pool. Sumama ka sa amin Ate Aria." Sabi ni Venice at bigla nalang akong hinila patayo.

"Sasama kayo, Ate Solar?" Tanong niya sa dalawang ate dahil inuusisa parin nila si Keirra.

Tumayo na rin ang dalawang ate at lumapit muna si Ate Solar kay Ate Moon na ngayon ay may kausap sa phone at mukhang seryoso iyon dahil seryoso ang mukha niya.

"Syempre tatanggalin na rin natin ang cardigan mo. Paano ka makakaligo niyan Ate Aria? Show off your body, maniwala ka sakin you look stunning!" Sabi niya at siya na mismo ang naghubad sa suot kong cardigan.

Naiwan ang swim suit na pula na hindi gaanong revealing pero litaw na litaw ang kurba ng katawan ko. Maging ang kaputian ng balat ko ay hindi maipagkakaila. The color of my swim suit is complimenting my skin very well.

"Good girl Venice." Rinig kong bulong pa ni Ate Shina kay Venice.

"Let's go Aria, we'll have some fun and hunt some boys for you!" Sabi ni Ate Shina at hinawakan na ang braso ko para hilain pero bago pa niya magawa iyon ay may humawak din sa isang braso ko.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon