Ava's pov
"What happened?" Iyan agad ang unang lumabas sa bibig ko nang makita ko si Asher.
Nung nasa airport ako ay pinagkakaguluhan agad ako ng mga paparazzi at mabuti na lang ay nandun ang mga tauhan ng magulang ko.
Nagpahatid ako sa kanila dito sa condo ni Asher at nang makita ko siya ay agad ko siyang nilapitan.
"I don't know. Pero baka si Irish ang sumundo sa kanila. Kahapon kasi pagpunta ko sa school ay sinabihan ako ng adviser nila na may sumundo daw sa kanila na babae. Tinawag naman daw ni Crystal yung babae na mommy kaya baka si Irish ang kumuha sa kanila." Kwento niya.
"Then call her! Baka kung anong gawin niya sa anak ko!" Nag aalala kong sabi.
"I've been calling her for a hundred times but she's not answering!" Sambit niya naman.
"Then do something, Asher!" Sigaw ko.
"Okay, okay. Calm down." Sabi niya at niyakap ako tsaka pinaupo sa sofa.
Maya maya lang ay biglang tumunog ang phone ni Asher. Agad niya itong kinuha mula sa bulsa at sinagot ang tawag.
"Where are you?! And where are my daughters?!" He angrily asked. I know it's Irish.
Ilang segundo ang lumipas at pinatay niya na rin ang tawag.
"Let's go. I know where they are." Sabi niya at hinila ang kamay ko palabas ng condo.
"Bumalik na kayo sa mansion. Kapag tumawag si mama, pakisabi kasama ko si Asher." Utos ko sa mga tauhan namin na naghatid sakin dito.
Tumango sila at dumeretso na sa kotse habang kami ni Asher ay tinungo ang sasakyan niya.
Halos sampung minuto ang lumipas bago pa kami makarating sa isang condominium.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko nang makababa kami ng kotse.
"May unit dito si Irish. Sinabi niya na nandito daw sila ng mga bata." Sabi niya at hinila ako papasok ng building.
Hindi na kami dumeretso sa reception sa halip ay elevator ang tinahak namin.
Pagdating namin sa harap ng unit ni Irish ay nilabas ni Asher ang key card at binuksan ito.
Pagpasok namin sa loob ay nakita namin ang dalawa na masayang naglalaro sa sala.
"Ashley!" Tawag ko sa kanya.
Agad siyang lumapit sakin kaya lumuhod ako para mayakap siya.
"Thank goodness, you're okay." Naiiyak kong sabi at kinulong ang pisngi niya sa aking palad.
"Why are you crying, mommy? Wala naman pong nangyari sa amin eh." Sabi niya. Hindi ako sumagot at niyakap lang siya ulit.
"Where's your mommy?" Tanong ni Asher habang yakap si Crystal.
"She went out to buy something, daddy." Sagot ni Crystal at binuhat siya ni Asher.
"Did she hurt you or your sister?" He asked but Crystal shook her head.
"No. She didn't hurt us, dad. In fact, she played with us!" Masayang sabi ni Ashley na ngayon ay buhat kona.
"Ano ba talaga ang gusto ng babaeng iyan?" Tanong ko kay Asher pero nagkibit balikat lang siya.
"We better go na." Sabi niya. Tumango ako at palabas na sana kami nang biglang dumating si Irish.
"Can I talk to you, Ava? Alone?" Tanong niya at binaba ang hawak niyang plastic bag na naglalaman ata ng sweets.
Nilingon ko muna si Asher na ngayon ay nakatingin sakin bago binalik ang tingin kay Irish.
"Fine." Pag payag ko at binigay kay Asher si Ashley.
"Avaly..." Bulong niya.
"It's okay. Lumabas muna kayo." Sabi ko.
Ayaw pa niya pumayag pero sa bandang huli ay lumabas na silang mag aama kaya naiwan kami ni Irish dito sa loob.
"Ano bang gusto mo?" Tanong ko.
"Si Asher..."
...
Asher's pov
"Daddy, bakit ang tagal po ni mommy?" Tanong ni Ashley habang nakaupo kami dito sa lobby.
Kalahating oras na ang lumipas pero hindi pa rin dumadating si Ava. Kapag hindi pa siya dumating maya maya ay pupuntahan kona siya.
"I don't know, baby." Tanging sagot ko lang sa kanya.
"Daddy, magkaaway po ba sila mommy Ava at mommy Irish?" Tanong ni Crystal.
"No, sweetie. May kailangan lang silang pag usapan ng sila lang ang dapat makaalam. Girls stuff." Sabi ko at tumango naman siya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin si Ava.
"Tara na." Aya niya at mukhang galing siya sa iyak.
Hindi ako kumibo at binuhat si Crystal habang buhat niya si Ashley at tinungo na namin ang parking lot.
"Asher, uuwi na muna kami ni Ashley sa mansion." Sabi niya nang makasakay kami.
"Huh? Why? Ano bang pinag usapan niyo ni Irish?" Tanong ko at sinuot ang seatbelt ko.
"Mamaya kona sasabihin. Ihatid mo muna kami sa mansion." Utos niya.
Tumango lang ako at pinaandar na ang sasakyan.
Makalipas ng halos sampung minuto ay narating na rin namin ang Carson mansion.
"Sa labas muna tayo ng kotse mag usap." Sabi niya at nauna nang lumabas.
"Ava, ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ko nang makaharap kona siya.
"Pakisamahan mo muna si Irish hanggang sa matapos ang linggong ito." Utos niya.
"Huh? Hindi ko maintindihan." Naguguluhan kong sabi.
"Simula nang dumating kami ni Ashley, wala nang oras si Crystal kay Irish. Namimiss na niya ang bata pati ikaw."
"Kahit ngayong linggo lang, Asher. Magbonding naman kayong tatlo." Pakiusap niya.
"Paano si Ashley?" Tanong ko dahil baka magtaka ang bata at hindi niya ako nakakasama.
"Ako muna ang bahala sa anak natin. Sa ngayon, magbonding muna kayo ni Irish. Kayong tatlo, magbonding muna kayo ng parang isang pamilya. Perhaps, magbakasyon kayo. Para kahit papaano, mabawasan ang inggit na nararamdaman niya." Paliwanag niya.
"Sige, gagawin ko para sayo. Pero ngayong linggo lang ha." Sabi ko at tumango naman siya bago kinuha si Ashley sa loob ng sasakyan.
"Kiss daddy goodbye, Ashley." Utos ni Ava at nilapit sakin ang bata.
"Bye, daddy! See you tomorrow po!" Sabi ni Ashley nang halikan niya ako sa pisngi.
"Bye din, baby." Sabi ko at hinalikan siya sa noo.
"Mag iingat kayo. Kahit ngayon lang, Asher. Wag ka munang maging cold kay Irish." Pakiusap niya bago pumasok sa loob ng mansion.
Bumalik na ako sa kotse at pinaandar ito.
"Baby, hindi muna kayo magkikita ni Ashley ha." Sabi ko habang nagmamaneho at nakatingin sa rear-view-mirror.
"Why, daddy?" Nakanguso niyang tanong.
"Mag babakasyon muna tayo kasama si mommy Irish mo." Sagot ko.
"Talaga, daddy?" Biglang lumiwanag ang mukha niya.
"Yes, baby."
To be continued
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend is my Boss! ✓
Narrativa generaleCOMPLETED STORY "I now have money and fame. I have everything I could wish for. Now, do you love me?" seryoso niyang tanong. I'm sorry, Asher. But, I have to do this. "N-no" nanginginig kong sagot. "Louder" "No" pilit ko man lakasan pero sadyang hin...