Enjoy reading guys✨
Jero's POV
10 days. Sampong araw na ang nagdaan at sampong araw nalang din ang natitira para sa working days namin. Sa sampung araw nayon mas naging komportable akong kasama si Leo. Nagkakabiruan na kami, nagkukulitan tsaka minsan kami lang dalawa magkasama pag di nakapunta yung barkada. Na natutuwa naman ako. Ewan ko ba sa sampung araw nayun parang may pagtingin nako kay Leo pero alam ko naman hanggang dun lang yun. Di dapat sabihin at dapat kalimutan. Bawal eh. Pareho kaming lalake kaya di pwede. Alam kong maraming tututol. Lalake ako alam ko yon pero ewan kung bakit naramdaman koto kay Leo. Di ko naman to naramdaman noon. Basta isang araw nagising na lang akong siya agad yung naisip ko. Pag kasama ko naman siya para akong timang dahil ang lakas ng kabog ng puso ko, kung minsan natameme pag magsasalita siya. Pero alam ko naman na hanggang dito lang yung pagtingin ko sa kanya. Paghanga lang siguro tong nararamdaman ko. Baka nga.Leo's POV
Ganda ng gising ko sobra! Wala masaya lang ako kasi parati ko nang nakakasama si Jero. Minsan pa nga kami lang dalawa yung lumalabas na gustong gusto ko naman. Wala na, mas lalong nahuhulog Yung loob ko sa kanya. Naging mas komportable na akong kasama siya. Kung sana pwede nga lang kami edi sana pinakitaan ko na siya ng motibo pero hindi eh. Malabong magkagusto ang ganung klase ng lalake. Tsaka ayaw ko rin umamin, Ayokong masira ang pinagsamahan namin, di pa kami lubusang magkakilala tas mawawala nalang siya bigla pag aamin ako kaya I won't take the rest. Not yet.
"Lakas talaga ng tama mo eh no? Kahit nasa malayo kuntento kanang makita siya at masaya kana run."
"Pormahan muna kasi baka malay mo gusto ka rin niya." Sabi ni Jasmine sabay tabi ng upo sakin.
"Nanggogood time kaba? Kung nang-iinis ka lang mas mabuting umalis ka sa harapan ko bago pa kita batukan diyan."
"Kita mo naman na malabong mangyari yun kasi lalake siya. la la ke siya. Naintindihan mo? Di siya magkakagusto sakin." Pinagdiinan ko pa talaga para maintindihan niya. Napabuntong hininga na lang tuloy ako.
"Kaya hanggang buntong hininga ka nalang at nakatingin sa malayo diyan? Mas gugustohin mo nalang na itago yang nararamdaman mo?"
"Kesa naman sabihin ko sa kanya pagkatapos ano layuan niya ako? Ayoko nun mas mabuti ng ganito kami kesa magkaroon ng espasyo. Ayokong mangyari yung araw na yon. Ayoko pang sumugal sa isang bagay na wala pang kasiguraduhan dahil sa huli kaming dalawa rin ang maaapektuhan."
"Okay, andun na tayo eh. I get your point pero Leo kung ganyang klaseng pag-iisip? Malalaman mo nalang isang araw na sobrang sakit na nang nararamdaman mo. Yung tipong di mo na kaya. Mas mabuti ng alam niya at nasabi mo, at least nailabas mo yan kesa naman nakatunganga ka diyan at hintayin nalang na ang panahon na ang magsasabi sayo tsaka kapag pwede na dun kapa nahuli? Ganun? Oo, nasabi ko sayo noon na di kayo makakatuluyan ni Jero pero sa nakikita ko sa mga mata mo? Walang katumbas ang saya eh, nakikita kitang masaya palagi, as a friend of course masaya ako dun. Kaya nga di ko na kinaya pa eh kasi kahit nakikita Kong masaya ka andun Yung parte na malungkot ka kasi kesyo di kayo pwede, kesyo lalaki siya, kesyo hindi siya katulad sayo. Pero alam mo Leo? Nagbabago ang panahon, nagbabago ang tao, lalung-lalo na nagbabago ang nararamdaman ng tao." Lumunok pa siya ng laway bago nagsalita ulit.
"Okay, sabihin na natin na straight si Jero but that doesn't mean na hindi siya magkakagusto sayo. Sa araw-araw niyo ba namang magsama. Kaya kung may pagkakataon ka, push mo na Yan. Wag munang hintayin pa na maging huli na ang lahat." Sabay tapik sa balikat ko tsaka ngumiti.
"Thank you Jasmine. You made me realize something. I owe you one." Sabay pakita ko ng napakalaking ngiti tapos nag astang yayakap sa kanya. Pero ang bruha ngumiwi at umatras na parang nandidiri.
"Ewww di tayo talo, kaya wag kang gumanyan di mo ugali yan." Pero niyakap ko parin siya. Kahit ganito tong bruha nato pero pag nagsalita at nagseryoso, ang daming hugot at makukunan mo talaga ng aral. I'm happy because she's my best friend. The one I can always depend on.Gime's Note:
Bitin po ba hehe. Ngayon lang nakapag UD nabusy kasi ako.
Don't forget to follow me, vote and comment❤️✨
Lovelots 😘
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
RomanceThis is a BL story. Sana suportahan niyo bago lang po kasi ako sa Wattpad world. And also subaybayan niyo po ang kwento ni Jero at Leo. Lovelots❤️✨