Chapter 31

3.3K 77 3
                                    

Ava's pov

"Si Asher." Sagot niya.

"Anong kailangan mo sa kanya?" I asked.

"Ava, nakikiusap ako sa iyo. Kahit ngayon lang ay makasama ko ang mag ama ko." Pakiusap niya.

"Marami kang oras para gawin yan noon, Irish. Pero iniiwasan mo sila lalo na ang anak mo." Sumbat ko.

"Dahil ayokong masaktan ng labis ang anak ko kapag dumating na ang panahon." Sabi niya na ipinagtaka ko.

"Anong pinagsasasabi mo, Irish?" Inis kong tanong.

"Ava, may taning na ang buhay ko." She answered that made me speechless.

"Is this a sick joke?" I asked but she shook her head.

"May cancer ako at pabalik balik ako sa ospital kaya nawawalan ako ng oras sa anak ko." Pag amin niya.

"Bakit hindi mo sabihin kay Asher para matulungan ka niyang magpagaling?" Tanong ko pero umiling lang siya.

"Hindi na kailangan. Siguro ito na ang parusa sa mga ginawa kong mali noon sa inyo ni Asher."

"May hiling lang sana ako." Sabi niya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Sinabi sakin ng doktor ko ay ilang araw na lang ang natitira sakin. Hayaan mo muna kaming tatlo na makapagbonding ngayon. Para sa ganun ay, masaya akong mamamatay." She weakly smiled at me.

"Sabihin na lang kasi natin kay Asher." Pag pupumilit ko.

"No, please. Kahit ngayon lang, Ava. Ipahiram mo muna sakin saglit si Asher. Then, I'll let you both live in peace once I'm gone." Mabilis na kumawala mula sa aking mga mata ang aking luha.

Nilapitan ko siya at niyakap.

"I will talk to him." Sabi ko.

"Thank you, Ava. Thank you so much. One more thing." Sambit niya at bumitaw.

"What is it?" I asked while wiping my tears.

"Please take care of my daughter." Pakiusap niya at agad akong tumango.

"I will."

"Mommy." Natigil ako sa pag iisip nang biglang sumulpot si Ashley.

"Yes, baby?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha ko.

"Why are you crying po? May nang away po ba sa inyo?" She asked.

"No, baby. May naalala lang ako. What do you want?" Tanong ko.

"Hindi pa po ba natin pupuntahan si daddy? It's been two days na po pero hindi pa natin siya pinupuntahan." Tanong niya.

"Uhm, baby. Is it okay if next week na natin siya bisitahin ulit?" Tanong ko at bigla naman siyang ngumuso.

"Bakit po?" Malungkot niyang tanong.

"Remember the girl who picked you up the other day from school?" Tanong ko at tumango siya.

"She is Crystal's mommy. And she wants to spend time with Crystal and daddy too. Pagbigyan muna natin siya ngayon, baby kasi may sakit siya eh." Sabi ko.

"Okay po, mommy." Sabi niya.

"Don't be sad. Nandito naman ako at si kuya Ethan mo. You can play with us. Speaking of which, why don't you join your kuya and his friends downstairs?" Tanong ko. Tumango siya at lumabas na ng kwarto.

Nandito kasi ang dalawang kaibigan ng pamangkin ko at close rin sila sa anak ko kaya hinahayaan ko silang makapaglaro at syempre binabantayan ni Ethan si Ashley para hindi ito masaktan.

Napatingin ako sa side table nang tumunog ang phone ko.

Kinuha ko ito at nakita na tumatawag si Asher.

Hindi ko ito sinagot ay pinatay ang tawag.

Tatlong araw na lang ay matatapos na ang linggong ito. Kamusta na kaya si Irish? Sana masaya siya dun.

Asher's pov

Napahinga ako ng malalim nang hindi sagutin ni Ava ang tawag ko. Nakaka ilang tawag na ako pero hindi niya ito sinasagot ko.

Tinawagan ko ulit siya pero nakapatay na ang kanyang phone.

"Asher." Napalingon ako nang may biglang tumawag sakin.

"Yes?" I asked.

"Thank you for spending time with me and Crystal." Nakangiti niyang sabi.

"You're welcome." Sabi ko.

Nandito kami ngayon sa villa namin dito sa Batangas. Dito ko naisipang magbaksyon dahil ang sarap sa pakiramdam na magbakasyon dito. Sariwa ang hangin at ang linis ng dagat.

"Mommy, daddy! Dito po kayo!" Tawag samin ng anak namin.

Lumapit kami sa kanya at umupo sa buhangin.

"What are you doing, baby?" Tanong ni Irish.

"Mommy, gumagawa po ako ng sand castle. Can you help me po?" She asked.

"Sure!" Masiglang sabi ni Irish.

"Mag p-prepare lang ako ng barbeque." Sabi ko at tumayo.

"Okay. Call me if you need any help." Tumango ako sa sinabi ni Irish at bumalik sa villa para kunin ang mga kailangan para makapag ihaw.

...

Napangiti ako habang tinitignan ko ang mag ina ko na naglalaro sa gilid ng dagat habang ako ay nakaupo lang dito sa buhangin.

Tuwang tuwa si Crystal habang nagbabasaan sila ni Irish. Nagkamali ako, hindi walang kwentang ina si Irish. Pero ano nga ba ang dahilan ng pag iwas niya samin?

"Daddy, come join us!" Sabi ni Crystal.

Tumayo ako at lumapit sa kanila pero bigla nila akong binasa.

Tatawa-tawa akong bumawi at sa huli ay naghabulan kami sa gilid ng dagat.

"Mommy oh! Ang daya ni daddy! Kanina niya pa ako binabasa, hindi ako makabawi!" Reklamo ni Crystal at natatawa namang lumapit sa kanya si Irish at pinagtulungan nila ako.

"Hoy, ang daya ha!" Natatawa kong sabi.

"Madaya daw tayo, baby?" Tanong ni Irish at nilingon ang anak namin.

"Di kaya! Si daddy po ang madaya eh!" Sabi ni Crystal. Natawa naman si Irish at may binulong sa kanya na ikinangisi naman ni Crystal.

"Daddy, may sasabihin po kami." Nakangiting sabi ni Crystal habang papalapit sila sakin.

I don't like that smile...

"Tickle fight!" Sigaw nilang dalawa at napahiga ako sa buhangin nang dambahan nila ako at sinimulang kilitiin.

"Hahahaha! Baby, stop!" Sabi ko habang pilit na bumabawi.

"Sino po munang madaya?" Tanong niya habang natawa din.

"Wala! Kayo pa rin madaya!" Natatawang sabi ko.

"Tayo daw madaya, baby oh." Natatawang sabi ni Irish.

"Di ka namin titigilan, daddy! Sino pong madaya?" Tanong niya ulit.

"Fine. I give up! Oo na, si daddy na madaya." Sabi ko at tinigilan na rin nila ako pero ako naman ang di titigil.

Nginisian ko sila at ngayon ay nagkapalit kami ng pwesto.

Silang dalawa ngayon ang nakahiga sa buhangin habang parehas ko silang kinikiliti.

"Kayo ha! Pinagtutulungan niyo ako! Lagot kayo sakin!" Tatawa tawa kong sabi habang sila ay panay tawa lang habang kinikiliti ko sila.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon