© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-17-2018)
---
"BADMINTON - THIS is an indoor game that can be play by pair, men or women or in mixed doubles," lesson samin ni Ma'am Lastimosa ngayong klase namin sa PE. "This game was invented in the 18th century. May dalawang countries na possible nag-produce ng game na ito. Ang una ay sa China, a very long long time ago. The another one was from India, na tawag sa kanila is Poona. Noong sinakop ng Britain ang India, doon na nila sinumulan ang pag-iimpluwensya nito."
Tuloy lang sa pagpapaliwanag si Ma'am tungkol sa lesson namin. Inaantok ako ng very-very light. Nakaka-antok naman kasi. Ang katabi ko namang si Gab, gusto nang umidlip nang walang nakakahalata.
I continued to listen kay Ma'am, pinakita na niya ang mga equipments sa game na ito, a pair of racquet, a shuttle cock, tapos ang iba pang kailangan, like net, ang court na dapat may sukat, at iba pa. Favorite sport ko to, at kahit sabihin nating 'favorite' ko nga talaga to, may sabit pa ako sa service, sa pagsalo na lumalagpas pa, ganern. Hahaha, kahit ganun, nae-enjoy ko itong laruin.
Pinakita ni Ma'am ang paraan ng pagservice, that should be underhand. Ako naman kasi, napapanganga doon, gawa ng mali ang timing ko sa pagpalo ng shuttle cock. Kaya, ang ginagawa ko, overhand na way. Yan tuloy, ginagawa ko nang tennis ang badminton. Hahaha!
Medyo umiidlip na ako, gumagaya lang ba kay Gab? De, joke. Ako ang estudyanteng never ever natutulog sa isang klase. Pinilit ko lang making, kahit medyo boringness na. At... sa announcement ni Ma'am, doon na ako nabuhayan.
"Class. Meron tayong elimination ng badminton sa next meeting. Ang mapipili, will be represented sa darating na Intramurals sa katapusan."
Like me na nabuhayan, nagising na rin ang mga kaklase ko. Ganito lang yata ang gusto nila sa PE class eh, ang maglaro nang maglaro nang maglaro, ayaw nila sa boring na lesson na halos nonsense na sa kanila.
Ganun din naman ako eh.
"Ma'am, magdadala po ba ang gamit sa badminton?" tanong ni Ange.
"Yes, Elizalde," sagot ni Ma'am sa kanya. "Dahil forty-three tayong lahat, I expect na kalahati satin, makakapagdala ng isang pares ng raketa and shuttle cock. Shuttle cock must be at least three, para kung may mawala, may reserve pa kayong dalawa. Clear?"
Sumagot naman kami.
"Ma'am, ilan po ang mapipili?" tanong ni Hanna sa likod.
"Siguro, apat. Isa sa single girls, isa sa single boys, isang pair para sa mixed," sagot ni Ma'am.
"Ma'am, may iba ba po bang games na pwedeng salihan?" tanong ni Bea.
"Yes, may basketball and volleyball, both girls ang boys. May table tennis din, scrabble, dama, chess, dart, at iba pa. Sasabihin din naman ni Ma'am Dimaculangan sa inyo yan, hintayin na lang natin. "
"Ma'am, kayo po ba ang pipili, o si Ma'am Dimaculangan po?" tanong ni Alex.
"Maybe ako, o si Ma'am, depende."
Sumang-ayon naman sila.
"So, no other questions?" tanong ni Ma;am.
"None, Ma'am."
"So... be ready sa next meeting. I think after we discuss a lesson sa Music, pero saglit lang yun. Twenty minutes lang yata yun, so we can afford it. Prepare your PE uniform, and the equipments. I expect that, understand?"
"Yes Ma'am."
--
Dumating na si next week... "Preapre for your equipements and yourself, ire-ready ko lang ang court sa labas, keep quiet!" sabi ni Ma'am samin na nasa suites namin malapit sa school grounds.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Genç KurguSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...