© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-17-2018)
---
MGA ILANG linggo lang ang nakalipas, after ng Intrams, ilang klase at iba pang activities, exam na namin. Ang bilis ng panahon, at pahanggang ngayon, LQ kami ni Ivan. Not in a sense na LQ talaga pero... tss, nakakatampo.
May konti pa naman kaming communication. Text siya ng text sakin ng 'Sorry Na' na halos kinakanta na niya sa text. Pero hindi ko siya ni-reply. Kahit may load ako, wala, hindi ko siya sasagutin. Hihintayin ko hanggang siya ay tumino at umayos, at magbasakaling may mabago pa. Hindi naman ako ang nagsimula di ba? Siya naman. At kahit ginigiit ko na si Gab ang pinagtatanggol ko, na dapat siyang mag-sorry don, siya pa rin ang umayos dahil may tama akong dahilan. Tama di ba?
Nasa school ako ngayon, sa loob ng klasrum, nag-rereview. Iniwan ko muna ang cellphone ko sa bahay, ayokong may nang-iistorbo. Alam kong may effort siya sa mga messeges na pinapadala niya sakin, pero pakiramdam ko, wala na akong paki-alam doon. Gusto ko lang munang maging seryoso. Ayoko muna sa landian sa ngayon.
"Ally, bad mood pa rin?" biglang tanong sakin ni Gabafter niya ibaba ang kanyang bag sa upuan niya. Hindi ko siya sinagot, I just continue na mag-review.
"Hoy, Ally! Ang snob mo ha?"
This time, napatingin na ako sa kanya wearing my serious face. Di ko naman pinakita sa mukha ko ang pagkagalit ko kay Ivan, nakakahiya naman kay Gab. Nagbuntong hininga ako.
"Nag-away ba kayo ni Ivan, in the last days?"
"Ano? Nag-away kami? Nag-away ba?" pagde-denial ko. "Anong masasabi mo? What do you think?"
"Hmm.. wala naman... napapansin ko lang kasi sa inyo."
Napapansin niya, ibang klase ang lalaking to ah. May sort ba to ng stalker? "Wa-wala yun, Gab," pahiya kong sabi.
"Ahmm... Ally! Sorry kung ako pa ang dahilan ng gulo niyo... sorry ah."
Sa sinabi niyang yun, natahimik ako. Nahihiya pa ako lalo sa kanya. Ako pa nga mismo ang humingi ng dispensa sa ginawang pananakit sa kanya ni Ivan. At ngayon, wala... wala pa ring nangyayari. Hindi humihingi ng sorry si Ivan kay Gab. Walang apology ang nangyari, talaga ngang nagmamatigas siya.
"Wa-wala yun... sa totoo nga, hiyang-hiya na ako sayo eh, pati kay Ivan. Ako pa lalo ang humihingi ng sorry sayo."
Natawa siya sa sinabi ko, "Ally, wag ka nang ganyan. Ang dapat pa eh, mag-ayos pa kay ni Ivan. Pero tutal nililigawan ka pa lang nun... ikaw na ang bahala. Nakita mo naman na siguro. At saka wala kang dapat i-sorry sakin."
Later on, tumunog ang bell. Maya-maya, magsisimula na ang exam.
"Ally, ano bang mauuna ngayon?" pangiiba niya ng topic.
"English, Filipino, huli ang Math," sagot ko.
"Peram ako ng reviewer!"
"Wala akong reviewer, ginagamit ko nga."
"Peram nga kase..."
"Eh wala nga!"
"Patingin na lang... share tayo!"
Yun, pumayag ako, agad niyang nilapit ang upuan niya sa upuan ko, at nag-share kami ng reviewer. Naka-dikit pa ang ulo niya sakin. Naaalala ko pa tuloy noong kami ni Ivan... WHATDAHECK!
"Hoy! Si Gab oh, tsuma-chancing!" narinig kong kantiyaw ni Harry sa likod namin. Sabay kami ni Gab na naptingin sa kanya. Nandun din pala sina JB, Ricky at Mart, nakiki-tsismis. Mga tsismoso nito!
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Novela JuvenilSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...