Prologue

3.9K 33 0
                                    

Sobrang daming tambak na backlogs. Araw-araw na long exams at quizzes. Ilang baso ng kape para lang matapos lahat ng readings. Grabe second year second sem na ng medschool nangangapa pa rin ako.


First day pa lang ng start ng hell week parang gagapang na ako. Parasit tska Micro pa lang na exam sobra na. To think na ang pre-med ko ay medtech. Nung naglulunch kami sa caf ay naiinis ako sa lambingan ni Yna at Marco. Grabe sa PDA ang mga bwisit na 'to. Pero pagtingin ko sa kanan ko si Celine naman at Clark halos hindi maalis ang tinginan. Jusko pano nagrereview 'tong mga magjowa na 'to.


Umalis tuloy ako at lumipat sa pwesto ni Gab at Gino. Kasi sa kanilang mga tatlong magjojowa itong dalawa na yung todo sa pag-aaral. Minsan naiisip ko pano maglambingan 'tong dalawang to. Siguro ang love language nila ay QA. Jusko, baka mabaliw ako.


"What's with the frown?" Gab asked. But I pointed the couples behind us. She just laughed.


"Hanap kana kasi, palakad ka kay Marco or call Pau. I don't mind." She said then continued reading again. Palibhasa jackpot sa jowa.


"Ano gusto mo food, I'll buy." Tanong ni Gino.


"Ako or si love mo?" Natatawang sabi ko. Sobrang whipped nito kay Gab. Itaas lang ni Gab yung kilay nya sumusunod na 'to e.


"Very funny, Trish. Ano din sayo syempre." He said then smiled.


"Kahit biscuit lang. Or if ano kay Gab bili mo rin ako." Sabi ko tapos open sa laptop ko.


"Love, ano sayo?" He asked Gab. Ito naman si gaga imbes na sumagot tinaas pa yung kilay. Tangina nya. Ang swerte nya kaya kay Gino.


"Kahit ano nga." Gab said in an annoying way. Ngumiti lang si Gino at naglakad palayo.


"Gab, magsawa yan sayo." Natatawang sabi ko. Pero hell week kasi may topak din 'tong babaeng to. Pag andito si Pau kahit naman hell week ngumingiti sya e.


"Edi mag-sawa sya. Trish stop talking ang sakit ng puson ko." Sagot nya. Kaya pala. Ganito sila ni Yna 'pag red days. Lahat kaaway nila.


Pagbalik ni Gino ay maydala na syang tatlong spag, coke at biscuits. Nilagay nya lang sa amin yung pagkain. Pero nagulat ako nung inabot ni Marco yung rechargable na hot compress kay Gab. One thing about our friendship madalas ang asaran pero alam namin yung kailangan at galaw ng bawat isa.


Lumipat ng ibang upuan si Gab at sumunod si Marco at Yna. Nakatingin lang kami ni Gino sa kanila. Bale hawak ni Yna yung compress tapos si Marco nirurub nya yung likod ni Gab.


"Don't get jealous with him, ganyan kasi talaga kami." Sabi ko nung parang hindi sya makapagsimula ng binabasa nya.


"I am not. I just wish sometimes she would tell me her needs. Kasi lahat naman meron sya. It's hard to find something to do for her." He said then starts reading his transes.


"You know she can't cook right?" I asked kahit busy akong nagbabasa sa laptop. Nagloloko kasi yung ipad ko.


"Yeah." He said then smiled a little.


"Cook for her. Okay na yun. Hindi sya materialistic. Mukha lang syang high maintenance. Ask me, Josh, Yna or even Marco if may gusto ka malaman sa kanya." I said then multi-task between eating and reading.


Nung bumalik si Gab ay bigla syang yumakap kay Gino. Nagulat nga ako kasi hindi naman clingy si gaga. Feeling ko tuloy may iuutos sya. Ganun sya dati kay Pau e. Kay Marco irap at taas ng boses ginagamit nya para mapasunod si gago.


Reclaiming it with you ✨ [MED SERIES 3] COMPLETEDWhere stories live. Discover now