Chapter 8: Steirs Academy Sportfest

22 0 0
                                    



Atynah's POV

Good Morning ^__^

Ngayong araw na makikita kung worth it ba ang lahat ng paghihirap namin for the whole week. Paghihirap talaga eh no? Uhmm... Yung efforts na lang pala namin xD

Andito kami ngayon sa loob ng gym. Magkakaroon kasi ng opening ceremony. Isang estudyante mula sa 4th year ang nag lead ng prayer. After the prayer ay ang pag-awit naman ng lupang hinirang.

Nagkaroon ng ilang panauhin at nagbigay sila ng ilang speech to inspire the students. Now it's my turn.

"Ngayon paunlakan natin ng masigabong palakpakan ang presidente ng students' council. Ms. Atynah Rei Cramer."

Pagkatapos sabihin yun ng emcee ay nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng gym. Bago ako magsalita humugot muna ako ng hininga. Naninikip kasi ang dibdib ko dahil sa kaba. Woah!

"Good morning students, teachers and to our beloved principal. Ngayong araw ay ang pinakahihintay ng mga estudyanteng aktibo at may pagmamahal sa larangan ng palakasan o sports. We hope that maging ligtas ang lahat ngayong araw. Players, always remember, manalo matalo ang mahalaga ay may natutunan tayo at may napatunayan tayo sa ating mga sarili. Treasure every experiences and lessons that you have learned during your journey as a player of Steirs Academy and don't forget to thank your Coaches as well.Let's all do this. Fighting! Thank you and Godbless."

Matapos nito ay nagpalakpakang muli ang mga estudyante. Agad akong pumunta sa locker room ng mga girls upang makita ang barkada. Hindi ko rin sila nakita sa school before dahil busy lahat.

"Girls!! Break a leg! You can do it :))"

Masigla kong bati sa kanila.

"Yay!! Salamat :)"-Isabel

"Kinakabahan ako :3"-Lynn

"Kaya yan! Hehe ^_^"-Fae

"Tama si Fae. Walang kaba kaba :)"

Medyo natagalan din ako doon dahil nag-usap-usap pa kami.

Argghhh! Nahihirapan na naman ako huminga. Keri yan!

"Atynah?"-Czarina

"H-hmm? Porque? (Bakit?)"

"Okay ka lang? You look so pale!"

Sa lakas ng pagkakasabi ni Czarina, lumingon yung iba.

"Oo nga! May sakit ka ba?"-Jheng

Hahaplusin niya sana noo ko pero umiwas agad ako.

"..n-no.. I-I'm fine... Uh hmmm. Girls I-I need to go. Bye bye :)"

Tumakbo na ako palabas. Sa labas ng locker room pilit akong humihinga, nang biglang may tumawag.

*Ma'am Sarah Lopez calling...*

Sinagot ko agad.

"He-hello Ma'am?"

[Atynah.. We need you here in the office right now.]

"Coming Ma'am"

End call...

Ibinaba ko na yung phone. Medyo naiinis na rin ako dahil hindi ko makita yung gamot ko.

********
Pagdating ko sa office, ang dami pa palang gagawin. Kailangan I-welcome yung mga visitors. Kailangan ko pang magronda para ma-assure na okay lang ang lahat.

Third Person's POV

Nagsisimula na ang volleyball. Lahat ay handa na. Dahil maya-maya pa magsisimula ang soccer at basketball kung kaya't napagpasyahan ng mga kaibigan ni Max na manuod ng volleyball.

MY ABNORMAL CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon