Warning: "Love is everywhere , Be careful"
~Miyuki ♥
Miki's POV
Nagising ako dahil sa katok nang kung sino sa pintuan ko at ang bwiset na kapit bahay ko.Umagang umaga nagpapatugtug na nang radyo ang lakas lakas pa, Kainis naman! kaya bumangon na ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko.
Nung binuksan ko na yung pinto kakatok pa sana siya pero nakita na niya ako, ngumiti ako at niyakap siya ilang araw ko rin siyang hindi nakita kaya miss na miss ko na siya, halos siya na ang magpalaki sa akin mula bata pa ako kaya love na love ko siya.
"Yaya ba't ngayon ka lang?" nag- pout pa ako sa harapan niya namiss ko talaga si yaya eh, siyempre may tampuhin effect pa ako..hehehe.
"Baby tatlong araw lang akong nawala ah, miss mo agad ako." kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya,huhuhu..hindi ata ako namiss eh tumalikod ako at maglalakad na sana pero as expected tinawag niya ako..hahaha...hindi niya talaga ako matitiis.
Humarap ako sa kanya at nakangiti na siya sa akin ako naman tampuhin effect parin nakatungo parin ako kaya lumapit siya sa akin.
"Ang Tampuhin much naman nang alaga ko."
"Ikaw kasi yaya eh, di mo ba ako namiss?" tanong ko sa kanya with matching puppy eyes at paawa effects pa yan..hahaha..tignan natin kung hindi pa siya maawa sa akin.
'Siyempre, baby namiss kita ikaw pa." tska nya ako niyakap nang mahigpit.
"Ah oo nga pala baby dadating ang mommy at daddy mo." napakunot noo naman ako sa sinabi ni yaya. Ang alam ko kasi nasa ibang bansa na naman sila kakalipat lang namin dito nung isang buwan lang pero sinabi ko sa kanila na ayaw kung tumira dun sa mansion namin kasi nga pag umaalis sila ako lang lagi ang naiiwan tsaka nakausap ko lang sila kapag may sasabihin si dad sa akin tungkol sa business, business minded kasi ang parents ko lagi nalang business ang inaasikaso sarili nilang anak hindi na naaasikaso.Hindi ko alam kung mahal nila ako o hindi pero kung ako ang tatanungin mahal ko sila mahal na mahal.
"bakit baby,ba't ka umiiyak?" tanong sa akin ni yaya at pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata ko halatang nag-aalala siya sa akin buti pa si yaya corcern sa akin..hayyy ang drama ko hindi ko alam kung bakit pa ako umaasa na may magmamahal sa akin sa pangit ko ba naman, ang babaw talaga ng luha ko.
"Ah, wala yaya" ngumioti ako para hindi na siya mag alala sa akin.
"Teka kumain ka naba?" sabi ni yaya.Umiling na lang ako sa pagsagot ko.
'Yaya bakit daw ba sila bibisita dito?" tanong ko kay yaya.
"Hindi ko alam baby eh."
"Sige, Yaya baba na rin ako mamaya,maliligo lang ako" tumango naman si yaya at umalis na sa kwarto ko. Nung makaalis na si yaya pumunta na ko sa banyo at naligo, maingay pa rin ung radyo nang kapit bahay ko, marami na ngang nagrereklamo sa kanya eh pero ang kapal talaga nang mukha.Nang matapos na akong maligo napagisip- isip kung pumunta muna sa simbahan mamaya pa siguro dadating sila mommy at daddy.
Pagkababa ko nakita ko si yaya na nasa salas at nagaayos ng kurtina , sakto nakatalikod siya..hehehe
Gugulatin ko na sana siya pero nabigla ako kasi bigla siyang nagsalita. "Miki, baby huwag mo nangt ituloy" humarap si yaya sa akin, napawi naman ung ngiti ko sayang naman nahalata niya ata ako dun.
"Panun mo nalaman yaya na gugulatin kita?" tanong ko sa kanya.
"Secret" sabi niya. "Panun mo nga nalaman yaya" pagkukulit ko sa kanya, kinulit ko pa siya sabi niya immune na raw siya sa kalokohan ko.hayyy si yaya talaga oh kilalang kilala ako, sa kanya ko lang naman nilalabas ung ganitong side ko eh actually mahiyain talaga ako at hindi palakausap.
Pagkatapos kung kumain nagpaalam na ako kay yaya na pupunta akong simbahan, pumayag naman siya itetext nalang daw niya ako pag nandito na sila mommy at daddy.
Brix's POV
"What?! arranged marriage?" hindi ko makapaniwalang sabi.
"Yes, son nag-arranged na kami nang mommy mo na ipapakasal sa'yo" nakunot noo naman ako sa sinabi ni daddy tinignan ko si mommy at parang sinasabi niyang totoo ang sinasabi ni dad.
"No,hindi ako papayag ,hindi ako magpapakasal!' pagtutol ko.
"Son you have to at napagkasunduan na namin nang business partner namin na ipakasal ka namin sa nagiisang anak nila, kaya sa ayaw at gusto mo magpapakasal ka!" sabi ni dad, tinignan ko siya panun niya nakakayang ipagbili ang kanyang sariling anak sa business partner niya wala na bang nasa isip kundi puro negosyo na lang.Ipapakasal niya ako sa hindi ko pa nakikita at nakikilala, masaya siya,basta hindi ako magpapakasal,mamaya pangit pa ung anak nila kaya ipapakasal nila sa akin ang gwapo ko naman ata.
"Basta, ayoko" magsasalita pa sana si dad pero umalis na ako, umiinit lang ang ulo ko sa kanya ang ayaw na ayaw ko ang kinukulit ako, bago ako tuluyang lumabas tinignan ko muna si mommy , sorry mom but i can't hindi ako magpapakasal sa hindi ko mahal.
Pagkalabas ko pinatakbo ko agad ang kotse ko paalis nang mansion at tinawagan ko sina Luke,Xavier,Lei at Marcus para sana mag bar alam ko ang aga'aga pa pero alak lang talaga ang solusyon ko para makalimutan ang lahat nang'to.
A\N:
Annyeong! hehehe nagustuhan nyo po ba?
Just comment and vote lang po, huwag pong mahihiya..kailangan ko lang nang support niyo para malaman kung ok ba ung story ko.
Thankss~ Miyuki ♥♥
xoxo
BINABASA MO ANG
The Bad Boys Meet Miss Nerdy
Teen FictionAnong gagawin mo kung nainlove sa iyo ang mga badboys? panun na si Miki anung gagawin niya? abangan...