South
"Ano kayang binabalik balikan ni Miss Craven Athena no? Rehearsal lang naman natin pero napapadalas ang pagpunta niya rito na parang nagmamanman." Si Sineria.
"I agree pero in fairness. Ang ganda ganda niya sa personal. Those stolen pictures didn't do any justice sa diyosang katulad niya pero totoo nga ang sinasabi nilang masungit ito at mataray. Ni hindi ko man lang nakitang ngumiti at sobrang nakaka-intimidate tumingin. It's giving me the chills." Natawa pa si Laurel.
Nasa dressing room kami ngayon habang nagpapalit. Halos apat na oras din kaming nag-rehearsed at tatlong oras na nakaupo si Craven Athena sa harapan ng stage namin habang matiim na nakatingin. Tuloy hindi ako makapagpokus pati na rin ang mga kasamahan kong modelo pero mabuti na lang ay hindi ako nagpadala sa takot kundi ay siguradong magkakamali ako sa harapan nito. If that thing happens, sigurado akong titignan na naman ako nito ng mapanuya at makakatanggap ako ng pabalang na insulto. Ang talas pa naman lahat ng senses non, paningin lalo na ang pananalita nito. Masyadong masakit.
Mabuti na lang at umalis din ito pagkatapos ng rehearsal kanina. Iniiwasan kong mapalapit rito at palagay ko'y patong patong na disgrasya ang aabutin ko. Pagkatapos ng nangyari sa restaurant noon ay ayoko na talagang makausap pa ito pero imposible ang bagay na iyon.
Hindi ko alam ang plano nito sa akin. But one thing is for sure. Maghihiganti ito sa kasalanang hindi ko ginawa. Hindi ko lang alam kung paano pero sigurado din akong ikakasira ko iyon kung sakali. Nakita ko kung paano niya ako tignan. Poot, pagkamuhi, at pandidiri.
"Paano kaya maglandi ang isang Craven Athena? Diba nga boyfriend niya si Daven Montero?" Sabat naman ni Elaine.
"Iyon naman ang napapabalita dati pero wala namang kompirmasyon mula sa kanila kasi diba pareho naman silang inaalagaan ang pribadong buhay pero kung totoo man iyon. Bagay na bagay sila. Isang gwapo at maganda." Sang-ayon naman ni Venice.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako makarelate. Yes I know whose Craven Athena and Daven Montero pero dahil lang iyon sa sikat sila sa industriyang ginagalawan nila. Aside from that, wala na. Kung siguro hindi nangyari ang insidenteng iyon noon. Isa rin ako sa mga taong susubaybay sa kanila kahit hindi sila artista. Kaso lang, that incident drove me away towards them dahil sa multo ng kahapon. Ayokong mag-krus ang landas namin ng kahit sinong Del Prado pero sa lahat ng iniiwasan ko ay si Craven Athena pa ang kusang dumating ulit sa buhay ko. And who knows, after months ay masisira na naman ang buhay ko kagaya noon.
Medyo nagulat pa ako ng hawakan ako sa balikat.
"Hey South relax." Si Lexi habang nakataas pa sa ere ang dalawang kamay na halatang nagulat rin sa inakto ko. "It's just me. Ok ka lang?"
Tumango ako rito.
"Masyado kang bangag girl nakakatulog ka pa ba ng maayos?" Si Faye.
Sa totoo lang ay madalas akong nagigising sa madaling araw dahil binabangungot ako. I know I'm thinking too much. Hindi ko lang din mapigilan ang takot at pangambang baka magising na lang ako isang araw at lahat ng binuo ko para sa sarili ko sa nagdaang mga taon ay bigla na lang mawalang parang bula.
"I'm ok. Nakakapagpahinga naman ng mabuti." Napangiti ako rito at alam kong lumabas iyon na isang pilit na ngiti. Lahat sila ay nakatingin sa akin ngayon.
"Sa totoo lang hindi ka ok. Para kang stress South. Kailangan mo ng pahinga. Yayayain ka sana namin ngayon para mamasyal but I think mas maganda kung magpahinga ka na lang muna. Get some rest. Malapit na ang show natin. Hindi mo naman siguro gustong magkasakit." Si Venice habang nag-aalala ang tingin nito sa akin.
"Ayos lang talaga ako. Nag-aalala lang ako na baka hindi ko magampanan ng maayos ang show natin to think na sa London na magaganap. Dati sa Asia lang tayo tapos ngayon international na." Isa pa talaga iyon sa iniisip ko. Ang taas kasi ng expectation sa akin ni Miss Viktoria at alam kong sa akin niya ipapaubaya ang lahat kagaya ng nagdaang mga show.
"Ayaw mo non? Patunay lang na magaling tayo at maganda ang mga designs ni Madam Viktoria."
"Darlings!" Sumulpot sa pintuan si Miss Viktoria at isa isa kaming niyakap at bineso. "So uuwi na ba kayo?"
"Mamamasyal muna kami Madam Viktoria-"
"Hush!" Saway at putol ni Miss Viktoria kay Laurel. "Una, dahil matagal na tayong magkakasama and I know how you darlings respect me but it's time for you to call me Viktoria. Parang anak na rin ang turing ko sa inyo. I wouldn't be here kung hindi dahil sa inyo. I made you my successful mannequins and you made me what I am today. Salamat, hindi niyo ako iniwan kahit natagalan bago ko kayo nagawang international na mga modelo." Naluha pa ito kaya niyakap ito ng mga kaibigan kong kasamahan din sa trabaho.
"Kami dapat ang magpasalamat sa inyo kasi naniwala po kayo sa kakayahan namin. Kung ano rin po kami ngayon ay dahil iyon sa inyo kasi magiging successful pa rin kayo kung sakali dahil magaling kayong designer. Swerte lang po kami dahil sa dinarami ng pwede niyong kuning maging modelo ay kami ang napili niyo." Wika ni Sineria ng maghiwalay ang mga ito.
Natawa si Miss Viktoria bago nagpunas ng luha. "Ibig sabihin non. Meant to be na pinagtagpo tayo so here we are. Now you can all go out and enjoy your life darlings."
"Salamat Viktoria."
"Mauuna na ako sa inyo ha. Mag-iingat kayo pauwi and South." Baling nito sa akin.
"Viktoria."
"Hinihintay ka ni Miss Craven Athena sa labas. She said may idi-discuss siya sayo." Para akong nabingi sa sinabi nito. Iyong puso ko ay biglang tumibok ng mabilis.
Nandoon pa ito sa labas? But I thought umuwi na ito kanina? I saw her leave this place pero tama nga ang kasabihang maraming namamatay sa maling akala.
"O-Opo."
"Are you alright darling?" Lumapit ito saka ako sinalat. "May masakit ba sayo? Bakit namumutla ka?"
Ngumiti ako rito. "Pagod lang po siguro ako pero ok naman ako." Sa totoo lang ay pagod na akong tumanggap ng insulto mula kay Craven Athena Del Prado. Iyon nga lang, wala akong magawa.
"Sige na. Kausapin mo na siya baka importante saka ka umuwi at magpahinga ok? Kailangan mo ng pahinga."
Tumango ako rito. "Sige po. Salamat."
"Anytime darling."
Ilang sandali lang ay nakalabas na ako pagkatapos kong magpalit ng damit. Nakita ko si Craven Athena na nakasandal sa sasakyan nitong mamahalin pero hindi ko alam ang pangalan. Napansin kong parang mahilig itong mangolekta ng mga sasakyan. Hindi rin naman siguro nakakapagtaka dahil may pambili naman ito.
Habang papalapit ako'y mas lalo akong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko.
"Get in." Iyon lang saka na ito naunang sumakay. Napabuntong hininga na lang ako. Lulunokin ko na lang ulit ang mga ibabato nitong insulto sa akin.
Ng makapasok ako sa loob ng sasakyan ay naamoy ko kaagad ang pabango nito.
"I know you are avoiding me but I'm warning you South. You can't. You just can't get rid of me that easy. Not on my watch."
Napapikit na lang ako dahil parang namintig ang ulo ko. Wala ako sa mood makipagsagutan and besides, wala namang silbi ang mga paliwanag ko rito at tapos na rin ako nitong husgahan so what for?
Ng umandar ang sasakyan nito ay hinanda ko na ang aking sarili sa mga insultong matatanggap ko ulit mamaya. Napabuntong hininga na lang ulit ako.
Hurt me all you want Craven Athena then you will hate your self after all of these.
BINABASA MO ANG
Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)
RandomNagsisimula pa lang na matupad ang mga pangarap ko pero mukhang mapuputol na ito. I had vowed to forget the past. At least I did everything I could to forget about it. Nakakabawi pa lang ako ng makita ko ulit ang babaeng unang hinangaan ko. The well...