"Sis hunting tayo mga lalaki!" Sabi sa akin Em-Em. Palibhasa nung nakaaran taken nakuha niyang Crush!Kasi dapat, kung maghahanap kayo ng taong gusto niyo, dapat Single!. Kasi nga walang abala!, walang pagseselosan. Diba? Buti ako pag nagka-crush mga one-week lang. Pero si Em-Em nako kulang nalang mafall siya!
"Tara na nga!" Agad na kami nag lakad sa hallway papuntang field. Dun kasi maraming Oh-so-Gwapo na nilalang sa balat ng school namin!
"Sis oh! Cute!" Sabay turo dun sa lalaki. Bigla naman tumingin sa akin si kaibigan na naka pokerface.
"Sis naman! Bulag kana ba? Tignan mo nga, hindi siya gwapo okay!? Kaya huwag yan!" Em-Em
"Ngi! Tignan mo nga ma-appeal kaya siya!" Protesta ko dito.
"Oo ma-appeal siya! Maporma, pero best naman ayaw ko sa kanya! Gusto ko sa Gwapo! Hindi ummm--" Bigla ko namang tinikom bibig niya. Ang ingay kaya niya mamaya marinig siya ni Kuya. Tsaka Choosy toh si Sis!
Akin na nga lang. Hihihi panigurado one week wala na'to. Tsaka tama naman si Sis eh! Hindi naman talaga kagwapuhan siya! Sadyang maporma at maapeal lang talaga. Ah basta!,gwapo siya sa paningin ko!
Tumingin ako sa lalaking kaganinang nirereto ko kay Em-Em. Naka-upo ito sa damuhan na para bang may inaantay. Teka sino naman inaantay niya!?
Wait--bago mag flow yung istorya. Ako nga pala si Jane. Ayoko na sabihin apelyido ko. Tinatamad kasi ako. 15 year old. Third Year High School. Sa achool namin walang uniform-uniform, ewan ko ba kung bakit?
* * *
"Ano kaya pangalan niya??" Huhuhu mag-iisang linggo na! Crush ko parin si Kuya! What if inlove na ako!? No way! Infatuation lang to noh! Grabe naman.
At ngayon hinahanap ko na sa Fb kung anong pangalan niya! Tapos ang tanga ko pa! Eh paano ko ireresearch name niya, kung hindi ko naman alam name nun. Tanga talaga!
"Ah! mag-tatanong nalang ako Alam ko naman room niya eh." Hahah ang talino mo talaga Jane. Your da Best!
* * *
"Ahmmm miss pwede mag tanong?"
"Ano yun?" Sabi naman nung babaeng medyo nerd ang dating. May makapal na salamin kasi siya tapos ang haba ng palda niya. Dinaig yung ikakasal!
"Ano pangalan ng kaklase mong gwapo" Tanong ko dito. Tae naman eh! Hindi naman kasi ako ganto eh! Hindi ako Stalker! Yaay!
"Ahh si Hope ba?"
"Hope?" Banaman tong si ate! Pabitin!
Kringgggg!!
Asshhh Bell na tuloy!
"Sige alis na ako!" Pag katapos nun tumakbo na agad ako sa room namin.
* * *
"Hope. Hope pangalang niya! Kyaaaaaahhhhh!!Dahil sa pangalan niya, may pag-asa ako! Heaven!" Nagsisigaw na ako. Uwian na kasi.
"Huy Sis! Anyare sayo!"
"Ay Heaven ka!"
"Ano sabi mo? Pinapatay mo na ako ngayon ha! Pa heaven heaven ka pa jan nalalaman." Oppsss hindi pala alam niya na may Crush ako. At ayoko na sabihin yun noh! Lalo't na malaman niyang ang Crush ko eh yung nereto ko sa kanya.
Alam ko naman ugali ni Sis eh! Tutuksuhin pa ako niyan!
"Ha-ha wala toh! Tara na nga't umuwi." At umuwi na kami kaagad. Excited narin akong iresearch yung pangalan niya sa fb.
At pag kauwi ko... WAAAAHHH NIRISEARCH KONA SIYA!
Hope Alcantara! Pala name niya.
Grabe wala naman tong picture kahit isa, cute pa naman. Uhmmm may picture nga! Anime naman!
Nalaman ko na siya yun, kasi nga may nakalagay kung saan siya nag-aral. Eh school naman namin yun.
* * *
"T-talaga?" Paninigurado ko. Mamaya kasi nagjojoke lang siya.
"Oo nga sabi. Oh sige alis ba ako ha! Mga uwian andun kana." Sabi pa nito at tuluyan na siyang umalis.
"Ohmaygash! This is it! This is really is it! Is it! Nang bonggang bongga! Kyaaaaaah!!" Kinikilig ako shemay!
Bakit ako kinikilig? well may nag sabi sa akin na makikipagkita daw sa akin si Hope!
"Ang tagal naman niya!" Reklamo ko! Eh ang tagal niya eh! Dinaig niya pa yung mga babaeng may kadate eh!
"Oi miss." Bigla naman akong napatingin sa likod ko. May tumawag kasi sa akin.
"Ummmm...bakit?" Ang gwapo niya shemay!
"Ikaw ba si...Jane?"
"A-ah eh o-oo!"
"Hi! I'm Hope. Hope Alcantara."
"Weehh? Di nga?" Sabi ko dito. Eh kasi eh! Hindi naman ito yung Crush ko! Ibang tao ito! Tapos magpapanggap siya si Hope!? The Heck!!
"Ahaha ako nga. By the way I heard crush mo raw ako!"
"C-crush? Hindi ka--!" Hindi ki natapos yung sasabihun ko ng may biglang may tumawag sa lalaking ito.
"Hope!" Muling napatungin ako sa likod ko. At pag kakita ko... Y-yung crush ko.
"Oh ikaw pala Lance." So Lance pala yung name ni crush! Haaay... Ngayon ko pa nalaman.. na kasama tong lalaki ito at yung kasamang babae ni Lance.
"Sino yung babaeng kasama mo?" Tanong ni Hope.
"Ehem...meet Carol, my Girlfriend." Proud na sabi nito. Sa sinabi niya bigla akong na nagulat.
Pero ang mas nakakagulat yung sinabi ng Hope na 'toh!
"Eh Hope sino naman yan?" Tanong muna ni Lance.
"Ah ito ba..." Sabay akbay sa akin. "...Girlfriend ko nga pala. Si Jane." At sabay ngiti ng malapad.
Dahil jan sa sinabi niya, TAKEN NA AKO!
BINABASA MO ANG
One Shot Short Stories Compilation
RastgeleMga One Shot Lang po ito kaya sana sipagin mag basa promise saglit lang tong mga to! hihihi XD