Si Kuya sa Jeep (One Shot)

1.3K 30 13
                                    

January, 5, 2013

It was sa boring day. Saturday class tapos 3hrs pa, imbes na nasa bahay lang ako at nagpapahinga o kaya nafefecebook, heto ako sa classroom nakikinig sa mga lecture ni Sir na pumapasok sa kabilang tenga pero lumalabas naman sa isa pa, ni hindi nga naisip mag stay in sa utak ko 'e.

"Class, gusto niyo pa bang ituloy 'tong discussion natin?" tanong ni Sir.

Syempre lahat kami sabay-sabay na sinabing...

"NO!!!"

Tumawa lang si Sir sabay sabing..

"Me too!"

Kaya ayun napag isipan ng prof namin na next saturday na lang ituloy ang discussion, dinismiss niya kami ng maaga.

"Nette, kwek-kwek tayo" sabi ni Arjhay, close friend ko at minsan na rin nalink sakin..Oha! Showbiz lang ang peg ko dun.Pero may girlfriend na siya.One week na nga sila 'e.

"Sama ako" si Sarah, close friend ko rin at madalas kong kasama sa mga kalokoha ko.

"Sige ba, Dha sama ka samin?" 

Si Dha naman, well friends kami pero hindi kami ganoon ka close.May time na close kami, may time din naman na parang magkakilala lang kami.

"Sige, Hintayin ko lang si Tin2x" si Dha.

Si Tin2x naman, isa rin sa friend ko.Ang babaeng ayaw tumaba.

Hinintay naming apat si Tin2x sa may walkway sa school..5:30pm pa kasi ang tapos ng last class niya kami naman 6:30 pero dahil maaga kaming pinalabas ni Sir nauna kami kay Tin2x. Buti na lang maaga rin silang pinalabas ng prof nila kaya hindi kami naghintay ng matagal.

Dumaan kami sa may tindahan ng kwek-kwek malapit sa school.Actually merong nagtitinda ng kwek-kwek sa mismong gilid ng school namin kaso hindi sila nagtitinda tuwing sabado kaya doon sa isang suki namin kami pumunta, medyo malayo-layo din yun kasi nasa may U.N Ave siya samantalang ang school namin ay nasa Kalaw.

Saglit lang kaming kumain ng kwek-kwek kasi nagmamadali si Sarah bigla kasi siyang tinext ng tita niya na umuwi ng maaga.

Kung titinganan parang napakaordinaryong araw lang nito.Walang kahit anong magandang nangyari.

Pauwi na ako at tamad na tamad na.Mas gusto kong mahiga sa kama ko at magbasa ng pocketbooks or kahit anong books na makita ko.

Buti na lang talaga ang babaan ng bus ng sinasakyan ko ay mismong terminal na rin ng jeep papunta samin kaya hindi ko na kailangang maglakad pa.

Ako ang unang pasahero ng jeep kaya medyo maghihintay pa ako ng ilang minuto bago siya umalis kasi kailangang magpuno muna. May mga sumasakay ng paunti-unti pero medyo naiirita ako sa tatlong babae na kasasakay lang, ang ingay kasi nila pwede namang magkwentuhan ng hindi nagsisigawan diba? I mean magkakatabi lang sila so there is no use para sumigaw sila.Ang nakakainis pa puro sila yabangan pero dahil sa ayoko ng gulo behave na lang ako.

Si Kuya sa Jeep (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon