1

6 4 0
                                    

I sneak in and see your friends
And her snotty little family all dressed in pastel,
And she is yelling at a bridesmaid, somewhere back inside the room wearing a gown shaped like a pastry...

"Akeisha, I'm getting married". Diretsahang saad ni Connaugh na nagpa-gulat sa'kin...(Pron: Conner.brit.accent)

"Ano? Pa'no"? Gulat at nagu-guluhan kong tanong sa kan'ya...

"Arrange marriage,my parents want me to marry their business partner's daughter".

"Eh ano naman ang gagawin mo ngayon"?kalmado kong saad pero sa loob-loob ko gusto ko nang umiyak...

"Go with the flow, I can't still think straight yet... So that is the best option for now".

"Ano daw bang pangalan ng bride mo"?

"'Harley Duanson,the American  bitch',that's what they say"..

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang buwan na rin simula nang magka-usap kami ni Connaugh dahil pinagha-handaan talaga nila yung préparation ng kasal nila. Balak ko ngang pumunta sa venue nila,kaso hindi naman ako invited nung bride o kahit na si Connaugh. Mabuti na nga rin yun para iwas sakit sa heart...

Naglalakad-lakad ako sa loob ng mall para libangin ang sarili nang mapadako ang tingin ko sa isang boutique  kung saan may isang grupo ng pamilya ang nag-uusap,agad ko namang nakilala sila dahil na rin sa mga kaibigan ni Connaugh. At base na rin sa suot nila ay naghahanda na sila para sa kasal na gaganapin maya-maya.

Dahan-dahan akong lumapit sa boutique na may sign na 'sorry we're closed' pero dahil sa likas na wala talaga akong paki,ay dahan-dahan akong pumasok sa loob ng walang ingay.

Naabutan naman yung bride na sini-sigawan yung bridesmaid niya,pero naka-pag-tataka kasi parang wala lang paki-alam yung mga kaibigan ni Connaugh pati yung family nung bride,naaawa ako sa babae dahil feeling ko iiyak na siya anytime...

"You bitch! I already told you that you need to bring my expensive cologne here. But what did you do? You left it at the hotel. Why did I even choose you to be my bridesmaid,you stupid?!" Maarteng wika ni Harley.

Sus kung alam lang 'to ni Connaugh nunkang papa-sakal siya sayo,este kasal. Alam ko rin na hindi ito ang ina-asahan niyang ugali ng babae na bukod sa pagiging liberted ay masama pa talaga ang pag-uugali nito..

This surely not what you thought it would be
I lose myself in a day dream where I stand and say,
Don't say yes run away now
I meet you when your out of the church at the backdoor
Don't wait or say a single vow you need to hear me out
And they said speak now

Hindi ko namalayan na nagde-daydream na pala ako rito kung saan naka-tayo ako sa gitna nang simbahan habang nagsasalita nang katagang,'Don't say yes run away now
I meet you when your out of the church at the backdoor
Don't wait or say a single vow you need to hear me out
And they said speak now'  nagising nalang ako ng may pumitik sa noo ko,isang mukha ng baklang bading ang bumungad sa'kin, in fairness bagay sa kan'ya ang naka-kunot noo...

"Who are you girla-lou? hindi mo ba na see yung sign na 'sorry we're closed' "? maarteng saad nito sa'kin.

"Nakita, kaso tinalo ako ng curiosity ko eh. Kaya pumasok ako,sorry ah"? Nakangising sambit ko sa kaharap ko. Nakita ko naman kung pa'no mas lalong komunot ang noo ni vakla,nainis ko ata masyado..

"Get out,hindi ka bagay dito tsupe"! maarteng bulong niya na lalong nagbigay sa'kin ng gana na asarin pa siya lalo..

"Ikaw ang hindi bagay rito dahil pangit ka,kaya ko ngang bilhin 'tong shop na'to kasama ka na. So back off, you're blocking my way."sabay walk out palabas.. Mabuti nalang naiwang speechless si vakla kung hindi nakahakot na kami nang attention dito..

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon