Chapter 23

566 32 24
                                    

Chapter 23

-----

"Kaibigan niyo pala ni Miggy 'yung transfer? Si Demi?" Tanong sa akin ni Dorothy habang sabay sabay na kumakain kami ng lunch sa office ng SLC. Two weeks na simula nang pumasok si Demi rito sa EU pero hanggang ngayon ay laman pa rin siya ng usap usapan ng mga studyante. "Bongga siya, ano? Yamanin!"

"True ka diyan!" Singit ng aming muse na si Franscine. "Classmate siya ng Ate ko sa isang course at nasa malapit siya nakaupo. She's wearing expensive jewelry everyday! Araw araw tinitingnan ng Ate ko ang braso niya para lang makita ang suot niyang relo and take note, hindi pa raw siya nagsusuot ng same na relo simula nang pumasok siya rito!"

"Sid," tawag ni Sienna sa atensyon ng kapatid niya. Saktong susubo sana si Sid ng kanin at ulam nang napaangat siya ng tingin. Tinaasan niya ng kilay si Sienna. "Di ba classmate mo 'yun? Na-kwento mo sa akin last week."

"Oh, yes," Sid answered. Ibinaba niya ang spoon niya na may serving bago niya inabot ang baso niya na may lamang coke.

"Totoo bang maldita siya?" Tanong naman ni Franscine. "Kasi sabi ni Ate, hindi raw approachable, e. Mataray din daw magsalita."

"Bakit di si Ivana tanungin mo?" Itinuro ako ni Sid gamit ang tinidor niya. "Magkaibigan sila."

Pinigilan ko ang sarili ko na mapamura. Damn, I was hoping to avoid saying anything about Demi. Baka mamaya niyan ay ma-carried away ako sa pagku-kwento at kung ano ang masabi ko!

"Oo nga, ano?" Natawa si Dorothy. Ibinaling niya ang atensyon niya sa akin. Mabilis na nginuya ko ang laman ng bibig ko sa takot na baka mabulunan ako. I can never be sure what Dorothy's question would be. Baka magulat ako. "Seatmates pa nga kayo doon sa course na classmate ko kayo pareho, e."

"Hmm, yes?" Hindi sigurado kong sagot. Well, hindi naman kasi siya nagtanong. Hindi lang ako prepared mag-react.

"So?" Tanong niya. "Kwento ka naman tungkol sa kanya."

"Isn't that bad?" Play safe na nagbato rin ako ng tanong. "Wala siya rito pero pag uusapan natin siya."

Ginawa ko na iyon dati at ayoko nang ulitin pa. I was trying to be a good friend, a better friend, now that I really knew who Demi was.

Natawa nang malakas sina Sienna, Franscine, at Dorothy.

"Ano ka ba," hinampas ako ni Dorothy sa balikat. Napangiwi ako sa sakit. Medyo mabigat ang kamay niya at lumagitik talaga iyong hampas niya sa akin. "Okay lang 'yun. Wala naman tayong sasabihin na masama tungkol sa kanya. Gusto lang namin siya kilalanin through you."

"Oo nga, Ate Ivana," nakangusong segunda naman ni Franscine. She scooped a bite of her ice cream. Di pa ubos 'yung kanin at ulam niya pero tinitira niya na kaagad 'yung dessert. "Curious lang kami sa kanya kaya gusto namin siya kilalanin."

"Unless you've got some bad things to say about her?" Taas kilay na sabi ni Sienna. Sumubo siya habang sa akin pa rin nakatingin. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko.

"Wala, a!" I said, defensive. Tumaas lalo ang kilay ni Sienna. Pinilit ko na kalmahin ang sarili ko bago ako nagpatuloy. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Ang sa akin lang, wala siya rito. Mas better kung makikilala niyo siya nang siya mismo ang magsasabi tungkol sa sarili niya."

"She only needs to be here if she has to defend herself from incrimination," patuloy ni Sienna, sa pagkain niya na nakatingin. Mukhang nabuhay na naman iyong competitive nature niya. Minsan mahirap siya kausap kapag ganito siya na naka pre-lawyer mode kasi feeling namin lagi siyang nakikipagtalo. Tulad na lang ng ginagawa niya ngayon. Ang lalim kaagad ng word niya e, incriminate agad. Para namang may krimen na ginawa si Demi na ayaw kong sabihin. "Plus, people do it all the time. Noong una kang nakilala ni Sid pinag usapan ka rin namin, e."

EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon