Sunghoon pov.
Game Day! UP ang kalaban namin ngayon sa semi finals. Best of 3 ang laban kaya crucial kung sino ang mananalo ngayong araw. Sana lang talaga at manalo kami pero syempre gagawin ko naman ang best ko para sa team at sa UST community.
"LET'S NOW START! UAAP SEASON 83 BASKETBALL SEMI FINALS, STARTING FROM THE RIGHT SIDE! UNIBERSIDAD NG PILIPINAS! UP FIGHTING MAROONS!"
Shet eto na!!! Kinakabahan na talaga ako. Sa kaba ko nagdududa na ako sa power ng sunny charger ko. Pero hindi, kaya to! Basta tulad ng sabi nya, do your best so you don't have any regrets later. Tama!
"Akala ko wala si sunoo?" Ha? Wala naman talaga yon ah! Sabi nya baka 3rd quarter na sya makanood dahil may class pa sya.
"Huh!? Wala nga, 3rd quarter pa daw. Ano bang sinasabi mo dyan ha!? Kung pinapaasa mo ko lumayo ka sa paningin ko, wag ngayon." Inis na sabi ko kay jiro. Epal eh!
"Luh? Gagalet ka naman agad master! Bahala ka na nga dyan!" Tumalon talon na lang ako para bawas kaba. Sobrang crucial ng game na to paking shet!
"Master! Hanap ka ng bebelabs mo!" Napatingin agad ako kay achil. Isa pa to, sabi ngang—
"Anong ginagawa nyan dito!?" Pagtingin ko kasi kasama na ni achil si sunoo, pero nasa loob parin sya ng barrier.
"Hey! You don't like me here? I'm leaving na lang sige." Paalis na sana sya ng hawakan ko ang pulsuhan nya. Napansin ko din na wala na yunh mga marka, pero yung mga pasa may konti pa. Kaya medyo niluwagan ko ang hawak sa kanya.
"Sige lovebirds alis na ko. Nahihiya naman ako sainyo eh, baka nakakastorbo ako." Binatukan ko na agad sya bago sya tumakbo.
"Wag kang umalis. Dito ka lang." Nakatanggap naman ako ng magandang ngiti galing sa kanya. Kung yan ang matatanggap ko lagi, mas maganda kung may laro kami lagi.
"Free cut kaya I rush here as fast as I can. Buti na lang jungwon get me a ticket kanina." Tahimik lang ako hawak ang kamay nya. Hinila ko sya sa corner para walang barrier.
"Sunny charger?" Alok nya.
Yumakap agad ako ng mahigpit sa kanya. Maya maya kumalas na din ako dahil medyo nakatingin na ang ibang tao.
"You'll do great, I know! So don't worry na. Sige ka, you'll have wrinkles hehehehe. I told you naman diba, just do your best as much as you can, so you don't have any regrets later. Tsaka you have your teammates, they'll help to win the game, trust them." Pang aassure nya sakin. Hinawakan nya na din yung kamay ko.
"Kinakabahan parin ako, crucial to eh. Pag natalo kami sobrang laking pressure samin sa susunod na game. Kaya dapat ngayon palang ma secured na namin." Paliwanag ko.
"Hey! Just... don't mind the score and the pressure. Just do your usual routine or how you play every game. Just enjoy it, so you can get rid of the kaba. Also be careful inside the court. Sometimes when I observed you, I notice na nagiging physical ka minsan. Don't get yourself hurt just because you want to win, sunghoon." Sabi nya habang hinahaplos ang kamao ko.
"Hindi naman po maiiwasan yon, pero okay. I'll minimize it, sige na baka hinahanap na ko. Last charge please." Lumapit agad sya. Bago umalis sa yakap kiniss ko muna ang sentido nya.
"Bye! Enjoy mo rin yung game! Cheer mo ko ha! Ako lang! Sakin lang ang tingin! Date tayo mamaya hehehe." Nagwave lang sya tapos umalis na din ako sa harap nya.