Sherine
Eight in the evening when I received an email from Ranzel, talking about the meeting with Ms. Dela Fuente tomorrow. Napahanga ako sa polidong pagtrabaho ni Ranzel. Magaganda rin ang mga designs niya at talagang maaayos ang quality ng mga gamit. Detalyado rin ang bawat espasyo ng mga designs niya.
Sa kaniya rin siguro nagmana si Astraea; magaling magguhit.
To: RanzelVentura03@Gmail.com
From: Sherinemeamontes@gmail,com
Mr. Ventura
Thank you for your samples, it is a very great design and I hope our client will like it.
Dalawang beses ko pang tinignan ang message ko bago ko i-send sa kaniya. Nagmumukha akong matanda sa ganito. Hindi ako sanay makipag-usap sa E-mail, depende kung client pero iba naman kasi itong si Ranzel.
Akala ko hindi na siya magsasagot ngunit ng akmang isasara ko ang laptop ay may na receive ulit akong e-mail mula sa kaniya.
Parang ang bilis naman ata nito mag type.
From: RanzelVentura03@Gmail.com
To: SherineMeaMontes@gmail.com
Thank you Ma'am, I am happy to be part of your team.
Napa nguso ako ng mabasa ang reply niya. Bakit ganon? Nakakaramdam ako ng kung ako sa tyan ko. Ang formal naman ng usapan namin pero iba ang nararamdaman ko.
Isinara ko ang laptop at nilagay ito sa beside table tsaka nagtalukbong sa kama. Bakit ang cute ni Ranzel kapag magalang? Arg!
Maya-maya ng humupa ang kakaibang nararamdaman ay tumayo na agad ako upang makapag luto ng makakain. Dahil ako lang naman ang mag-isa ay hindi ko na inabala magluto ng masarap. Kumuha nalang ako ng pancit canton at itlog tsaka ito niluto.
Unhealthy but taste good. Wala ng mas sasarap sa mainit na pancit canto. Mag-isa akong umupo sa lamesa at tahimik na kumain. Sa hindi malamang kadahilanan ay bumalik na naman sa ala-ala ko ang mga pinagsamahan namin ni Ranzel. He had been a good friend and boyfriend, a great companion in life. But things are not just the same.
He is now a grown man with a successful career and so I am. I am now a mother and a successful engineer. Sa totoo lang, natupad namin ang pangarap naming dalawa. Him, as an architect and I, as an engineer. Ranzel really needs to know that he already have a daughter. Kahit hindi na niya ibigay ang pangalan niya, kahit hindi niya sustentohan- may sarili akong pera.
Sa tingin ko lang ay kailangan din talaga makilala ni Astraea ang ama niya.
Kinabukasan gaya ng nakasanayan ay maaga akong nagising at nag gayak. Suot ang skirt na hanggang tuhod , white t-shirt pared with blazer. Tinawagan ko ang sekretarya at pinaalam na papunta na ako ngunit hindi naman si Alex ang sumagot ng tawag.
"Ginigulo mo na naman ang secretary ko! Hindi ka type n'yan- 'di 'yan napatol sa babaero!"
"You are so mean!" napasintido ako.
"Sinasabi ko sa'yo, Ajay, ang aga-aga, ha? Wag mo akong asarin!"
Tumawa ito sa kanilang linya. "Hindi naman, a! Pinapadaan lang kita sa café katabi ng building- pabili ako kape at cake 'di ako makababa kasi-"
Agad kong pinatay ang tawag at sumakay sa sasakyan.
Bago ako pumasok sa opisina ay pumunta ako sa café na tinuturo ni Ajay. Kung hindi lang talaga ako gutom ay hindi ako pupunta dito!
Pagpasok na pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang hindi karamihan na tao. May kaunting bakante na upuan at ang iilan ay nagtitinggin sa mga naka display na cake and bread. Kinuha ko ang wallet habang papunta sa counter. Nang mag-angat ako ng tinggin upang mamili ng kape ay nakasalubong ko ang pamilyar na pares ng mata.
BINABASA MO ANG
Building Promises ( Ventura Series #2 )
RomanceVentura series #2 "I fall for a heart that doesn't beat as loud as mine." (Engineer X Architect) 2020-2021