1

0 0 0
                                    

Chapter 2

Solei's pov
Nagising ako sa isang sikat ng araw na nagmumula sa aking mukha. Hindi pa din ako makamove-on sa nangyari kagabe. Nagkatitigan kami tapos may nakaramdaman akong kakaiba.

Hindi ko naman alam kung ano iyon.

Hanggang ngayon ay masakit parin ang aking mga sugat. Lalo na sa braso ko.

Kaya nahirapan talaga akong bihisan. Namula ako sa aking naalala.

Binihisan kasi ako ng lalaking iyon. Sobrang focus nya sa pag bibihis saakin para hindi matamaan ang sugat ko.

Suot ko pala ay isang malaking t-shirt at isang boxer. Alam kong boxer ito. May ganito kasi ang kuya ko. Madalas syang ganito ang suot kapag nasa bahay lang.

Kamusta na kaya sila?

Dito ako natulog sa isang kwarto. Dito ako pinatulog ng matanda. Hindi ko pa pala natatanong ang mga pangalan nila. Napaka walang galang ko naman.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa doon ang lalaking nakapagparamdam ng kakaiba saakin. Nanlalaki ang mata ko, ngunit nabawi ko din.

Wala syang suot na pangitaas at shorts lamang ang suot nya. Napaka kisig ng katawan nya. May abs din sya tapos yung v-line nya ay perpekto.

Ha? Bakit ba ako nag iisip ng ganon. Namula ang aking muka. Sinampal ko ng paulit ulit ito.

"What are you doing?" Tanong nya. Parang hindi makapaniwala sa nakita.

Baka akalain nya na baliw ako.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa isang maliit na boses.

"Wha—" nagitla sya sa pagsasalita ko at nataranta.

"Anong nangyayari sayo?" Ngayon ako naman ang nagtanong.

"N-nothing. I'm Pablo. I am a doctor." Pablo. Gandang pangalan.

"Ah Pablo, maraming thankyou ha kasi tinulungan nyo ako noong nahulog ako at napunta sa forest" nakayuko kong sabi. Hindi ko naman masasabi iyon sa kanya ng harapharapan. Bukod sa nanghihina ang tuhod ko kapag nakatingin sa kanya ay para ding akong nahihipnotismo sa kanyang mga mata.

Matagal na katahimikan ang nangyari kaya tinignan ko sya. Amusement was all over his face. His eyes are full of happiness.

Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko ngayon. Ewan ko.

Tila abnormal ang puso ko kapag kaharap sya. Ilang buwan na pala akong nandito.mabilis lumipas ang araw. Mabilis na nagiiba ang nararamdaman ko sa kanya.

Kung dati ay nanlalabot lang ang tuhod ko ngayon ay buong katawan ko na. Lalo na kapag ngumingiti sya.

Kapag nagpuputol sya ng kahoy, kapag kumakain sya. Lahat nalang. Pati yata paginom ng tubig ay napakagandang tanawin na para saakin.

Kaya kong panoori sya ngunit pagnakatingin sya ay hindi ko na kaya.

Kaya kong iwan ang mundo pero sa tingin ko ay hindi na.

Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko syang makasama habang buhay.

Ngayon ay parang alam ko na ang aking nararamdaman. Pero ayoko pang aminin.

Baka nahahalata na nya.

May nagpunta kasi ditong babae at hinahanap sya.

Nakaramdam ako ng galit. Galit sa aking sarili. Dahil noong tignan ko ang babae.nanliit ako sa aking sarili.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Lalo na noong dumating si Pedro at nagusap sila. Nagtatawanan pa sila.

Nakaramdam ako ng inis. At hindi ko sya pinapansin.

Tangled RopeWhere stories live. Discover now