Warning!
Strong languages and violence ahead.
-
Chapter 37: Critical"CON. . . natatakot ako," mahinang wika ko.
Iba ang kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko iyon maipaliwanag at naiiyak ako. Natatakot ako sa isiping anumang oras ay ipuputok iyon ni Leo.
"Don't worry, Ysa. I got you. Hindi kita pababayaan," pagpapakalma ni Con sa akin.
Pagak na tumawa si Leo nang marinihg angga pulisya sa labas.
"Ito? Ito lang kaya ninyo, ha? Pulis?" Mas lalo siyang tumawa. "P*tangina ninyo! Hindi ako matitinag sa mga otoridad na dinala ni'yo sa lungga ko!"
Mukha na siyang baliw, parang nag-iba bigla amg buo niyang pagkatao. Ginulo ni Leo ang buhok niya at umikot. Pinagbabaril niya rin ang mga malapit na kasahan niya.
Napapapikit na lamang ako sa kahindik-hindik na sinapit ng mga kasamahan niya sa kanyang kamay.
"Leo, please, stop this!" sigaw sa kaniya ni Con.
Napasinghap ako nang muli niyang itutok sa amin ang baril. "Stop this? You're ordering me to stop this sh*t?" Tumawa na naman siya.
Ako iyong kinikilabutan tuwing nagtatama ang mga mata naming dalawa ni Leo kaya napapatago ako sa likod ni Con.
Rinig na rin ang sirena ng sasakyan ng mga pulisya sa buong paligid at nasisigurado kong napapalibutan na nila ang buong lugar.
Wala pa rin akong ideya kung sino ang nagtawag ng mga pulisya at kung paano nika narating ang lugar na ito.
Siguro ay mga kasamahan namin iyon o hindi kaya isa kina Con. Hindi na lamang ako nagtanong pa at piniling manahimik.
Hindi ko pa rin mahinuna kung saan nanggagaling iyong galit ni Leo. Kasi, kahit saang anggulo mo tingnan ay wala talagang kinalaman si Con sa pagkamatay ng kasintahan nito.
Parang may iba pang pinagmumulan at ibang dahilan. Pinagmasdan ko si Con, malungkot ang mga mata nitong nakatitig kay Leo. Samantala ang kay Leo naman ay napupuno ng galit at poot.
Kung magkabati kaya sila? Siguro ay magandang samahan ang mabubuo sa pagitan nila. Sayang mga lang ay ito ang kinahantungan niyon.
"Alam mo ba?" Tumawa si Leo at napailing sa sariling sinabi. "No, let me rephrase that. . . you don't know anything about Liz!"
Nangunot ang noo ni Con sa narinig. "What the f*ck are you talking about?"
"Mall! Noong pumunta siya sa mall! Alam mo bang nakipag-break siya sa akin noon?" Sarkastiko itong tumawa at may sumilip ang sakit sa kaniyang mata. "Do you know what kind of reason she said to me that day? F*ck you, Lolarga!"
Napasigaw ako nang pinaputok nito ang baril sa kung saan at hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na walang may natamaan o mas lalo lamang kakabahan.
"What the hell are you talking about, Leo?" Nagugulahan man ay pinatili pa rin ni Con ang pagiging kalmado.
Mabilis akong tinago ni Con nang humakbang papalapit si Leo papunta sa amin. Nanlilisik ang mata nito kay Con na animo'y nakagawa nang malaking kasalanan.
"That day. . . that f*cking day! She broke up with me because she's inlove with you! Ginamit niya lang ako para mapalapit sa iyo! Hindi niya ako minahal dahil 'yong puso niya ay nasa iyo! P*ta, Con! Mahal ka ng taong mahal ko! At iyon 'yong araw na sana ay magtatapat siya sa 'yo! Sana hindi ko na lang siya hinayaan! Maybe if I stop her from coming to that f*cking mall, sana buhay pa siya ngayon! It is all your fault! Kasalanan mo lahat!" Namumula na ang mata ni Leo at halos mapigtas na ang litid sa paraan niya nang pagkakasabi ng lahat ng iyon.
BINABASA MO ANG
Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)
Teen Fiction(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring and not exciting as what other students have. Living miserably on her own, without a parents by her si...