Chapter 17

6 0 0
                                    

Chapter 17: December

[MARY]

"Ano palang ginagawa niyo dito?" Takang tanong ko sa gitna nang katahimikan.

"Okay ka lang?"

"Anong klaseng tanong yan Zyke?" Sarcastikong sabi ni Wayne habang inis na tinignan ito.

"Kayo kaya malunod tapos tatanungin ko kayo kung okay lang ba kayo" Sabi ko.

"Sorry naman, I mean yung sa inyo no Nica" Sambit niya kaya naintindihan ko na ngayon. Hindi ko akalain na ganun na pala ang tingin ni Nica sa akin.

"Tapatin niyo nga ako, ayaw niyo ba sakin?Para makalayo na ako habang mas maaga pa hindi yung magugulat nalang ako sinasaksak niyo na pala ako sa patalikod" Seryosong sabi ko habang isa isa silang tinignan, kumunot ang noo nila.

"Mary ikaw lang ang naging totoo sakin, kaibigan na ang turing ko sayo matalik na kaibigan" Ashley said with a smile on her face. Isang ngiti ang naiganti ko sa kanya.

"Ibahin mo kami sa kanila, kaibigan ka namim at hinding hindi ka namin iiwan" Usal ni Kyle, naka upo siya sa paanan nang kama ko.

"Hindi gaya ni J" Napalingon ako kay Zyke pero umiwas lang din siya nang tingin at pasimpleng tumingin tingin sa paligid.

"Hindi mo pa nagagawa ang pabor ko Zyke pwede pa akong umatras sa—

"Oo na! Gagawin ko na bukas na bukas dahil pupunta rin naman ako sa faculty room para ipasa ang mga name natin" sabi niya kumunot ang noo ko. Kapag ipinasa niya ang papel at wala siyang nakitang lead papunta kay Julia ay wala na akong takas.

Napa iling iling nalang ako.

"Hindi ka pala marunong lumangoy?" Sinamaan ko nang tingin si Kyle.

"Obvious naman diba?Muntik na ngang malunod tinatanong pa" Hangang ngayon ay para pa ring asot pusa si Wayne at Kyle.

"Hindi niyo pa sinasagot ang tanong ko anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Nakalimutan mo nang December na ngayon?nag send ako nang message sayo na mag meeting tayo hinintay ka namin sa music room kaso hindi ka dumating kaya pinuntahan ka na namin sa inyo" Paliwanag ni Zyke, tumango tango ako habang nakatingin sa kanya.

"Tsaka nalang tayo mag meeting kapag magaling ka na" Sabi ni Wayne.

"Wala naman akong sakit ah!" Giit ko pa,napa iwas ako nang tingin nang pitikin niya ang noo ko. Nakaka inis!

Hinampas ni Kyle ang kamay niya kaya nag samaam sila nang tingin.

"Mahina pa nga yung tao sinasaktan mo na!" Bulalas ni Kyle.

Nakita ko si Ashley sa gilid ko na tawang tawa kaya natawa rin ako sa kanila.

"Tama na yan mga love birds baka ma stress ang anak niyo" Hinampas ko mang mahina si Zyke dahil sa biro niya. Ako nanaman ang inaasar.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nag karoon nang kaibigan na ganito. Yung mag aasaran, nagtatawanan at nag aalagaan.

Sila ang unang naging kaibigan ko na pinuntahan pa talaga ako dito sa ospital. I promise to myself that I will never have a friends anymore nung iwan ako ni Julia, but here I am laughing together with them.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now