CHAPTER FIVE

9 1 0
                                    

Kelaya's POV

Malakas na buhos ng ulan ang gumising sa akin ngayong umaga. Kinusot ng daliri ko ang mata bago tamad na bumangon, nakakahalina ang lamig ng umaga ngayon. Maaga akong nakatulog dahil na rin siguro sa sama ng loob sa kung sino mang nagpakawala sa ibon. Narinig ko rin na ngayong araw ang dating nila Uncle at Kuya Elias, hindi ko alam ang sasabihin ko sakaling hanapin nito sa akin ang ibinigay na ibon. Pinaglaanan ko ng oras at panahon ang ibon tapos makakawala rin naman pala, binigyan pa namin iyon ng sariling pangalan ni Kuya Elias at itinuring na alaga.

Bumaba ako papunta sa kusina nang wala sa mood at padabog na naupo mula sa silya. Walang akong gana ngayon kaya bakit pa ako pumunta dito. Naiiritang tumayo ako mula sa upuan at wala sa sariling nagmartsa papunta sa labas, saka lamang bumalik sa sariling katinuan nang buksan ko ang main door at maalalang umuulan nga pala. Akmang aakyat na sana ako papunta sa aking silid nang lumabas ang ina galing sa maliit na hallway na mula sa kaniyang silid. Balak ko sanang dumiretso na lang kaya nga lang ay nakita na niya ako, lumihis ako ng paroroonan at naglakad papunta sa ina na ngayon ay matamis na nakangiti sa akin.

Ginantihan ko ito ng pilit na ngiti.

"Oh... What's with that face, Kelaya?" Bungad nito.

"My bird died," I answered. Her face didn't changed, she still smiled at me. "Last night, Mom." I continued.

"Akala ko naman kaya ganiyan ang mukha mo ay dahil hindi tayo makakagala sa gubat." nagulat ako roon, ni hindi ko manlang naalala na ngayon ang punta namin sa gubat! Mukhang nahalata nito ang gulat na mukha ko, napawi ang matamis na ngiti nito sa akin at sumeryoso.

"So, you forgot," hindi iyon tanong, kinabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

"U-Uh... Hindi naman po sa ganoon, m-medyo nawala lang sa isip ko dahil sa nangyari sa alaga k-kong ibon."

"Pareho lang iyon Kelaya, bukas pag maganda ang panahon sasama ka sa'kin sa gubat." her serious voice etched but and same time scary.

"O-Okay... Mom, I'm sorry..." tanging nasabi ko. She turned her back at me and whisper something but I clearly heard it.

"Mabuti na lang at nawala rin ang pisteng ibon,"

Hinayaan ko muna ang sariling tumayo ng ilang sandali bago umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ko.

Mayroon talaga na katangian ang ina na matagal ko nang napapansin simula noong magkaroon ako ng muwang sa mundo. Natatandaan ko pa noon kung paano ito magalit sa akin kapag may nababasag akong isang bagay, at kung minsan naman kapag nakikita niya akong tumatakbo takbo ay agad siyang naiirita sa akin. Lalo na rin kapag naririnig niya akong nakikipagtawanan sa mga katulong sa mansion na para bang ayaw nito ng maiingay at maraming taong nakikita sa isang lugar na naroroon din siya. Sa nagdaang taon ay nasaksihan ko kung papaanong papalit palit ang emosyon ng ina pero parang sa tuwing sa akin ito mangyayari ay kinakabahan pa rin ako.

Minsan ay napagbubuntungan niya ng galit si Kuya Elias at Uncle pero halata naman sa kanila na hindi ito takot o minsan naman ay parang pinagpapasensyahan na lang ito.

Maghapong umulan ng malakas at narinig ko mula sa mga kasambahay na hindi makakauwi sila Uncle dahil sa lakas ng ulan at delikadong idaan ang sasakyan sa maliit na daanan sa gubat dahil sa malalambot na putik. Hindi ko alam kung ginhawa para sa sarili ang mararamdaman dahil hindi pa ako handa sa pagdating ni Kuya Elias.

Kung manghuli na lang kaya ako ng ibon sa gubat na kapareho ng ibon na nakawala? Ipinilig ko ang ulo sa naisip, impossible namang makahuli ako ng ganoon, bukod sa hindi ako marunong baka rin wala akong makita na kapareho niyon.

A Missing PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon