Chapter 19

5 1 0
                                    

Chapter 19: The reason why she left

"Philip?" Gulat kong sabi nang makita ang kababata ko na nagtatawanan kasama sina Zyke at Kyle.

Bukod kay Julia ay naging kaibigan rin namin si Philip. Na gi guilty nga ako kung bakit hindi ako nagpaalam sa kanya nung aalis na ako.

"Madi?" Gulat na gulat siya nang makita ako. Seconds later I found myself hugging him.

I was speechless. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Feeling ko galit siya sakin.

"Can we eat first?Gutom na talaga ako" Natauhan lang ako nang hablutin ni Kyle ang kamay ko at para akong tangang sinunod siya.

Pinalibutan namin ang pabilog na mesa at sinundan ko nang tingin ang bawat galaw ni Philip. Hinahanda niya ang mga kubyertos at baso.

Ngayon ko lang napansin na wala man lang bahid na alikabok ang bahay.

"Nung mga araw na wala ka dito, araw araw akong pumupunta dito nagbabakasakaling bumalik ka" Hindi ko na malasahan ang pagkain dahil sa kaba. Siguro ay nagtataka na rin ang mga kaibigan ko dahil sa kanya.

"Sorry" Sambit ko naramdaman ko ang mga tingin niya kaya hindi ko magawang iangat ang tingin ko.

"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin. Para kami lang dalawa ang nandito sa bahay ah.

"Siguro mamaya nalang kayo mag usap, Mary needs to eat" Pinasalamatan ko ngayon ang kadaldalan ni Wayne dahil ligtas na ako sa mga tough question ni Philip.

Philip is also my first crush and I never confess my feelings to him, hinintay ko nalang na makalimutan ito.

At ngayong nakita ko siya iba na ang nararamdaman ko. Na gi guilty nalang ako dahil sa pang iiwan.

I almost forgot, Philip Jace Mangubat.
Pj for short pero mas sanay akong tawagin siyang Philip.

Matapos naming kumain ay tumambay muna ako sa dating kwarto ko, nakakatuwa na wala itong pinagbago.

Nakita ko rin ang naiwang picture frame namin nina Lolo at Lola.

"Oi" Nailapag ko ang picture frame na hawak ko nang biglang sumulpot si Philip sa gili nang pinto. I smiled a little, I miss this boy. I miss everything here.
"Care to explain?" Sabi nito at lumapit sa akin.

"To be honest, hindi ko kayang tumira dito na hindi kasama sina Lolo, hindi ako sanay baka gabi gabi akong iiyak" Panimula ko, he just looked at me listening to everyone words I uttered.
"Umalis ako at hindi ako nagsabi sa inyo dahil alam kong malulungkot kayo" Sabi ko. Anytime iiyak na ako. Para kong kinalimutan ang pagkakaibigan namin just like what Julia did to me.

"Alam mo ba nung hindi kita nakita nung umagang umalis ka, Nalungkot ako halos araw araw na rin akong pumunta rito alam mo ba yung mas nakakalungkot?" I see pain on his eyes. I feel him dahil nasaktan rin ako sa ginawa ni Julia.
"Yung iwan ka nang hindi man lang nagpapaalam" May luhang tumulo mula sa mga mata niya and I felt that I need to wipe those tears, so I did.

"Sorry" Parang sirang plakang sambit ko. Niyakap ko siya hoping that it will ease the pain somehow.

"Nakita ko si Julia..." kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Siya yung ipinunta mo dito hindi ba?" I hold his hand at may pagtatanong na tinignan siya.

"Si Julia kasi..." Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin ito sa kanya. Problema namin to ni Julia.

"Alam ko" Gulat akong napatingin sa kanya, did Julia told him? Galit din kaya siya sa akin?
"Sinabi niya sa akin ang rason"

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now