Red's POV
Kaninang umaga nakita ko na naman yung ex ko. Nakakaasar talaga. Hindi ko nga alam kung bakit nandito yun eh. Ano nga ba pangalan nun? Paula Ramirez ata yun. Oo tama. Hindi ko talaga makakalimutan ang pangalan ng babae na parang aso kung humabol sa akin. Ang lakas naman ng pang-amoy niya at nalaman niya na nandito ako.
"Red, we need to talk" Ano ba naman yan! Kaasar talaga!
"Ano ba yun?"
"Hindi ko talaga kaya. Please, kahit magka-gf ka pa ng iba. Basta sana wag lang tayo mag-break" Tapos umiyak na siya. Potek. Kaya nga ako nakipag-break kasi ayokong masaktan pa siya lalo. Gentleman din naman ako kahit papaano. Ayokong makita niya ako na may kasamang ibang babae.
"Pero my feelings for you have changed. I'm sorry" Tapos tumakbo ako ng mabilis. bago ako makalayo narinig ko pa siyang sumigaw.
"REEEEEEEEEEEEDDDDDDD! Please come back." Ang drama naman ng babae na ito.Siya na ata ang pinakamasipag sa lahat ng naging girlfriend ko. Hindi talaga siya sumusuko. Pwede na akong maging athlete sa bilis kong tumakbo. May nalagpasan pa nga akong mag-syota. Muntikan ko pang mabangga yung lalaki.
"Baby."
"Ma! Bakit na naman baby?"
Kaasar talaga si Mama. Baby pa rin ang tawag sa akin. Buti nga kapag kaming dalawa lang nakakahiya kapag madami. Mag-iiba na ako ng school next school year. Ayoko na kasi sa school ko. Andun ba naman yung Paula na yun. Sigurado akong hindi tatahimik ang buhay ko.
"Are you sure you want to transfer to another school?"
"Yes Ma." Hindi naman siya humindi basta siya daw ang magahanap ng school para sa akin. Pumayag naman ako kasi siya naman magbabayad ng tuition. Nasabi nga din niya na nandito daw yung employee niya. Ipapakilala daw ako. Ayan na naman siya. Ihahanap na naman ako ng matinong babaeng ibabagay sa akin. Lahat naman ng pinakilala niya sa una lang. Lahat kasi mga good girls. Hindi nila ako makayanan.
"Red!" Si Henry, pinsan ni Paula.
"Pare, bakit mo naman ginago yung pinsan ko." Galit na galit siya habang sinasabi niya yan.
"Ayoko lang masaktan pa siya lalo. Alam kong naiintindihan mo ako Pare. Kapag alam nating wala na tayong feelings sa isang babae. It's either paglalaruan na lang natin sila o hihiwalayan para hindi na lalong masaktan."
Bigla siyang napayuko. "Hindi ko talaga dapat pinagkatiwala sayo yung pinsan ko. Alam ko namang hindi mo siya mahal. Akala ko kasi matutunan mo na mahalin siya. Sige, Pre ako na bahala kay Paula."
"Salamat! Pare talaga tayo."
Siya si Henry Ramirez. Pinsan ni Paula. Mabait yan. Sobrang bait. Tingnan niyo naman mas pinaburan pa ako kaysa sa kadugo niya. Pagkatapos ng maliit naming away ay umalis na siya.
Umakyat na ako sa rooftop. Nanggagalaiti na yung Mama ko. Sa public shool niya daw ako pag-aaralin kapag nainis siya. Tinototoo kasi ni Mama yung mga sinasabi niya. Lalo na kapag may kinalaman sa pag-aaral ko.
"Nandito na pala ang anak ko. Red!"
Eh di pumunta na ako kay Mama. Pag punta ko doon biglang lumingon yung babaeng may mahabang buhok. Si Shake girl??
"Guy#10???" At sino naman yun? Hinubad ko yung shades ko. Haha. Pang porma din yun.
"IKAW!?" Sabay ulit sila. Mukhang namukhaan ako ah. Nakangiti lang ako sa kanila. May balak naman akong mag-sorry kay Shake girl eh.
"Do you know him, Hija?" Tanong ng Mama ko.
"Yes, Tita. I know him" Siya yung natapunan ko ng shake.
"Yes! We know him! He is Sabine's guy#10!!" Sabine pala pangalan niya at guy#10? Sino naman kaya yun?
"Guy#10?" Sabay-sabay naming tanong.
Tapos umalis na sila. Ang tagal nga bago bumalik.
"Yo!" bati ko sa kanya.
"Do I know you?" Suplada. Tss.
"Hoy babae yung pinag-usapan natin o kung gusto mo eh FORGET ABOUT US ang drama natin."
"Oi. San ka pupunta? Jasmine! Bakla! Bumalik ka dito!" Hala. Itsurang mangangain yung itsura niya ngayon.
Umalis na yung si Jasmine. Ano naman kaya yung pinag-usapan nila? Hinila ako ni Sabine. Sabine nga ba? Basta ganyan yun eh. Hinila niya ako papunta sa may gilid. Ano kayang problema niya? Saka yung lalaking kasama nila kanina pa tumitingin dito. Cyrus yata yung name nun. Baka naman may gusto sa akin? Hahaha.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Ficção AdolescenteNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?