RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide...
EPISODE 7
PARALUMAN
Tahimik lang kami nang magsimula ang biyahe hanggang sa si Aiden na mismo ang bumasag ng katahimikan. Nagkwento siya tungkol sa kanyang sarili.Isa pala siyang pintor at noong nakaraang buwan ay nagapply siya sa New York upang doon tupadin ang mga pangarap. Ang maisali daw ang kanyang obra sa exhibit sa New York ang isa sa mga pangarap na ngayon nga ay tinutupad niya.
Habang nagdadrive ay may kinuha siya sa bulsa. Inabot niya sa akin ang cellphone at sinabi ang password nito. Ginawa ko ang mga utos niya sa akin. Nang mabuksan ang cellphone ay ipinunta ko ito sa gallery gaya ng iniuutos niya.
"Wow" iyon lamang ang nasabi ko habang nakatingin sa mga larawan.
"Mga obra ko yan na ipinasa sa New York." sabi niya pa.
Hindi ko maiwasan ang humanga sa kanya dahil sobrang galing at ganda ng pagkakapinta niya. Tila ba maihahanay na siya sa mga sikat at professional na mga pintor.
"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong niya sa akin kung kaya napatingin ako ng oras sa cellphone niya.
"Hindi pa."
Apat na oras na pala kaming nagbabyahe at kahit papaaano ay naaliw ako sa mga usapan namin. Sa totoo lanag ay hindi ko inaasahan na magiging magaan ang samahan namin ni Aiden.
Ilang sandali pa ay unti-unting bumagal ang andar ng sasakyan hanggang sa tuluyan kaming huminto sa gilid ng kalsada.
Ang lugar na kinapwepwestuhan namin ay naaninag ng ilaw sa poste at pati na rin ng buwan. Napatingin ako sa napakalawak na palayan na siyang nasa tapat namin ngayon.
Sinundan ko si Aiden ng pumunta siya sa likod ng sasakyan. Isa itong 4x4 na sasakyan kung kaya pwede kami doong maupo o mahiga. Kinuha niya ang gitarang nakalagay doon at ang banig naman ay binuksan niya at inilatag.
Naunang umakyat si Aiden sa taas at matapos nun ay inilahad niya ang kamay sa akin para tulungan akong makaakyat.
"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanay ng tukyang makaakyat.
"Wala naman. Magpapahibga lang. Kung gusto mo matulog ayos lang, gigisingin na lang kita." aniya.
Akala ko ay nasiraan ang sasakyan pero hindi naman pala.
Nakangiti akong tumango sa kanya at napatingin sa buong mukha niya. Sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay nagdadala parati iyon ng kuryente at ngayon na tinitingnan ang maamo niyang mukha tila ba nakakaramdam muli ako ng paru-paru sa aking tiyan.
"Wala ka bang girlfriend?" tanong ko sa kanya ng mapagpasyahan na mahiga na lamang.
"Wala."
Gamit ang isang kamay ko ay inilagay ko iyon sa likod ng ulo at ginawang unan. Tumingin ako sa kalangitan na ngayon ay puno ng mga bituin.
Balang araw matatapos lahat ng sakit ng nararamdaman ko at magiging isang bituin sa kalangitan.
Napalingon naman ako kay Aiden ng marinig ko ang tunog ng gitara. Ilang sandali lang ang itinagal ng pagtingin ko sa kanya at muli kong ibinalik ang tingin sa kalangitan.
Habang pinagmamasdan ko ang kalangitan ay sinabayan iyon ni Aiden nang pagtugtog ng gitara at pagkanta gamit ang kanyang mala-anghel na boses.
"With A Smile."
Lyrics.""Ang talented mo." sabi ko habang nakatingin pa rin sa mga bituin. Wala siyang naging tugon sa sinabi ko bagkus ay naramdaman ko ang paggalaw niya.
Inilapag niya ang gitara at tumabi sa akin pero hindi siya humiga dahil nakatagilid siya habang ang kanang braso ay nakasuporta sa kanyang ulo.
Nakita ko ang paglapit ng bibig niya sa tainga ko at may ibinulong. "Napakaganda mo paraluman."
"Bolero." sagot ko at inilayo ang mukha niya sa akin. Narinig ko ang paghalakhak niya at tumigil rin ng tiningnan ko siya ng masama.
"Ako bolero? No way!" at tumawa siyang muli. "Pero seryoso, napakanganda mo talaga paraluman." saad niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi na ako nagsalita dahil may kakaiba na naman akong naramdaman, mga paru-papru sa loob ng aking tiyan. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, yung kakaiba na hindi mo maintindihan kung ano nga ba ito.
Tumayo si Aiden at inilahad sa akin ang kamay. Tiningnan ko muna iyon at nagdalawang isip bago tanggpain.
"Tara." aya niya at nauna siyang bumaba ng sasakyan at sumunod naman ako.
Nang makababa ay hinila niya ako papalapit sa kanya. Kinuha niya ang aking kamay at ipinatong iyon sa balikat sabay pulupot nito sa kanyang leeg. Sandaling napatigil ako sa paghinga dahil sa ginawa niyang iyon.
"Gusto kitang isayaw, paraluman." bulong niya at inilagay niya ang dalawang kamay sa aking beywang.
Ang sinabi niya ay isang pangungusap at hindi isang tanong kaya hindi ako sumagot pero sa isip isip ko ay gusto ko rin na isayaw niya ako.
Nagsimula si Aiden na ihakbang ang mga paa at at ginaya ko rin siya. Ilang segundo na pahakbang hakbang ay naging komportable kami sa isa't isa at doon siya nagsimulang kumanta habang sumasayaw kami. Nakatingin lang kami sa mata at wari'y bang hinahayaan ang mga mata namin ang nagusap.
Gusto kitang isayaw ng mabagal
Gusto kitang isayaw ng mabagal
Hawak kamay, pikit-mata
Sumasabay sa musikaGusto kitang isayaw nang mabagal
Heto na ang kantang hinihintay natin
Heto na'ng pagkakataon na sabihin sa 'yo
Ang nararamdaman ng puso ko
Matagal ko nang gustong sabihin itoGusto kitang isayaw nang mabagal
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Hawak-kamay, pikit-mata
Sumasabay sa musika
Gusto kitang isayaw nang mabagalIlalagay ang iyong kamay sa aking baiwang
Isasabay sa tugtog ng kanta ating katawan
At dahan-dahang magdidikit ating mga balat
Matagal ko nang gustong mangyari 'toSa ilalim ng buwan at mga bituin ay isinayaw ako ni Aiden, ang estranghero na sumagip sa akin kanina at ngayon naman ay unti-unting pinapagaan ang damdamin ko.
Hindi ko alam kung panaginip ba ito. Pero totoo pa lang may makikilala kang tao sa hindi inaasahang pagkakataon. At itong kaharap ko ngayon ang isang patunay, Isang estranghero na tila ba tinutulungan niya akong humilom ang mga sugat ko at pawiin ang mga luha ko.
Natapos ang kanta at naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa aking noo. "Napakaganda mo Yellow." sabi niya pa at dumapo naman ang kanyang labi sa aking kamay.
Sa hindi inaasahan ay tila nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko na yakapin siya ng mahigpit at niyakap niya rin ako.
Posible ba na mahulog o magkagusto ko sa isang tao na ilang oras mo pa lang nakakasama? Kasi ang tooto niyan ay hindi ko na maintindihan ang nararamdman.
At ang isang tanong na hindi mawala sa isipan ko ay...
Posible bang siya ang maging dahilan para lumaban pa ako sa buhay?
MISTERCAPTAIN
Professor
BINABASA MO ANG
TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)
General FictionRATED 18+ Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide You CAN SEE the PAIN in HER EYES. YOU CAN HEAR the PAIN in HER CRIES. But YOU'LL NEVER understand HER PAIN. TWENTY FOUR HOURS is a fictional story that tackles tough, rea...