Busted...

45 3 1
                                    

Minsan,mahirap din palang tanggapin na 'BUSTED' ka sa taong nililigawan mo.Pero alam niyo,sinikap kong makapag move on sa FIRST LOVE ko.

Tapos nun,mantakin niyong mala-love at first sight pala ako sa isang famous na babae sa Campus namin?At syempre,simula noon,lagiko na siyang kinausap.Di naman kase ako yung tipong torpe pagdating sa mga ganan.

Almost 3 months ko na rin siyang niligawan.Pumayag siya na pumunta ako sakanila para gawin yung mga SINAUNANG PANLILIGAW .Nagsibak ako ng kahoy,pinag-igib sila ng tubig at hinarana siya kasama na rin ang pamilya niya.

May nalaman din ako tungkol sakanya.Naninigarilyo at nag-iinom pala daw siya Noon.Pero Atleast naman Hindi na ngayon diba?

Hanggang sa isang araw,habang kumakain kami sa isang food chain,isang salita niya ang siyang ikinagulat ko.

"Tama na ito,Vhan."-sabi niya.Agad ko naman siyang hinawakan sa kamay niya.At mga mata ko'y nagmamakaawa na sana bingi na lang ako noong panahon na iyon.Para hindi ko na lang siya naparinig.

"Dane,ganun na lang ba yun?Pagkatapos ng lahat?"-sambit habang.Umiiyak siya na tumango at saka muling nagsalita.

"Ayaw kong sinasaktan ka,Vhan.Pero.."

"Pero ano?Sa tingin mo ba hindi mo ko sinasaktan ngayon?Dane,naguguluhan ako."-gusto kong malaman mula sakanya kung ano ba ang nagawa ko at ganun na lang yun kadali sakanya?

"Pero mas maganda,kung titigilan mo na ang lahat ng ito.Di naman kita mahal e.Ansama ko dahil pinaasa lag kita.Parinig mo?Di kita Mahal,Mamahalin at Minahal!"-sabi niya habang umiiyak.

"Nagsisinungaling ka lang diba?Mahal mo naman ako hindi ba?May nagawa ba kong kasalan o mali?Sabihin mo lang,at aayusin ko yun para saten."-sabi ko habang naiyak narin.

Pero,tumungo lang siya saka nagpahid ng mga luha niya  atsaka umalis na.Palayo sakin.Palayo ng palayo.Hanggang sa di ko na siya matanaw.

Kahit di ko alam kung ano ba talaga ang ginawa ko ay tinext ko parin siya ng maraming 'Sorry' at sinubukan siya tawagan.Pero hindi naman niya sinasagot.

Pumunta na rin ako sakanila,pero kahit sina Tita at Tito ay di na rin ako pinansin.Naglakad ako pauwi habang umiiyak sa kawalan.At hindi alam ang gagawin.

Iba na talaga kase ang nararamdaman ko para sakanya.Mahal na mahal ko siya.Pero ang mawala siya sakin,ay parang isang patalim na dahan-dahan at paulit-ulit na sinasaksak sa puso ko.

Di na rin siya pumapasok sa klase.Na-busted na niya ako kaya wala na kong pag -asa pa na maging kami.Pero,Alam niyo kung ano yung masakit?Araw-araw nagfa-flashback sa isipan ko yung mga sinabi niya.

"Pero mas maganda,kung titigilan mo na ang lahat ng ito.Di naman kita mahal e.Ansama ko dahil pinaasa lag kita.Parinig mo?Di kita Mahal,Mamahalin at Minahal!"-paulit-ulit lang at walang tigil sa isipan ko.At halos nga makabisado ko na yung Linena yan e.

Hanggang sa lumipas ang 3 buwan.At tinawagan ako ng Mama ni Dane habang nasa isang presentation ko ako noon.Pero iniwan ko yun dahil...Sabi ni Tita..

"Hijo,kailangan ka ngayon ni Dane."

Pumunta ako sa Ospital na sinabi ni Tita.Kahit nagtataka ako,kung bakit sa Ospital pa?

Dumaretso parin ako sa Room 143 kung nasasaan daw siya.

At pagkatapat ko sa pintong iyon,dahan-dahan ko iyong binuksan.At sa pagbukas ko ng pinto ay ang pagbilog ng singkit kong mga mata.

Isang Dane na nakaratay sa isang kama ngayon ang nasa harapan ko.Maraming mga nakatusok sa ilong,bibig at kung saan pa..Dane na sumobra na sa pagkakapayat at halos di ko na makilala.

Nilapitan ko siya at sinabihan na..

"Dane...A-ano ito?Joke lang naman itong mga nakatusok sayo hindi ba?Cosmetics lang yang pagkakapayat mo,diba?"-pilit akong nagbulag-bulagan.Kahit alam ko naman ang katotohanan.

Bigla siyang nagsalita.

"Vhan,mahal na mahal kita.Kasinungalingan lang naman yung mga sinabi ko noon sayo."-sabi niya.Tumulo ng sabay yung luha naming dalawa.At di ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya.At may binulong pa siya sakin noon.

"I'm sure,this is the last time I can hug you,Tightly..."dagdag pa niya.

"Huh?A-anong Last?Di no!Hinding -hindi mangyayari yun,Dane!"-sabi ko.Umiiyak na rin sina Tita at Tito sa likuran namin.

"Sabihin mo.Mahal mo ako."-utos niya.

"Mahal kita Dane.Mahal na Mahal."

Ngumiti siya ng napakatamis at saka ako hinalikan ng smack at sumunod naman ay ang pagtunog ng Heartbeat Machine ng...

*Toot..Toot*

Napaluhod ako at niyakap siya. "Hindi!Hindi,Dane!!!"

Pinalabas muna kami ng mga nurse at sinubukan nilang iligtas si Dane.Pero Wala talaga.

Wala na siya...

Wala na si Dane..

*2 years later

"Alam mo, ikaw lang ang lalaking hinalikan ko sa labi ng puno ng pagmamahal.Ikaw lang rin ang minahal ko ng ganito.Vhan,ikaw lang.Kaya sana hind ka nagalit sakin noong nagsinungaling ako sayo.At Binusted ka,kase naman di magtatagal at mawawala na rin ako dito sa mundong ito.Mayroon kase akong Lung Cancer.Stage 4 Na.Di na daw mapagagaling ng mga doktor e.Hahaha!Ang galing no?Mamamatay na pala ako?Pero kapag nabasa mo ang sulat kong ito,Ayaw kong iiyak ka.At ayaw na ayaw ko ring masasaktan ka,kaya ko ginawa iyon.

Sigurado naman pati ako na marami pa diyang ibang babae na mas deserving kaysa saken para sayo.I love you Vhan and Until I passed away,I will hold your hands,hug you tightly and kiss you passionately.And I promised that."

Napaiyak ulit ako nang mabasa ko ulit ang sulat niya sakin bago siya sumakabilang buhay.

Nasa puntod niya ako ngayon habang nag-aaral at binabalikan yung mga memories namin na magkasama.

"Dane,kahit binusted mo ako,masaya parin ako kase naman nalaman ko mismo mula sa iyong mga labi na mahal mo ako."-pinahidan ko na yung luha ko atsaka tumayo.

"Sumipag na ulit ako sa pag-aaral ko.Huwag kang mag-alala.Susundin ko yung sinabi mo na,makakakita pa naman ako ng babae na iba.Pero mahal parin kita Dane,Kaya wag mo akong sisisihin kung matatagalan ako sa paghahanap okay?Susunod na ko diyan pag panahon ko na talaga."-sabi ko saka nilagay yung isang bouquet ng roses.At naglakad na paalis.

Hihintayin ko parin yung babae na sinasabi mo,Dane.

Ako si Vhan Eross Clarkson,4th year high school nang ma-busted ng dalawang beses.Pero siyempre mahirap mang mag-move on,nag move on parin ako.Pero dun sa Pangalawa kong niligawan? Siya ang hinding hindi ko makakalimutan. Si Dane Violyn Lee.Ang minahal ko ng higit pa sa buhay ko.Pero para siyang isang bula na bigla nalang nawala sakin.Pinangako ko sakanya na mamahalin ko siya kahit na.. BINUSTED na niya ako...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUSTED...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon