PROLOGUE
Matagal ko nang iniisip kung bakit ba naimbento ang salitang LOVE (laki ng problema ko no).
Kakairita kasi ang salitang iyan. Halos kasi araw - araw kung lokohin ang mga kaibigan ko ng kanilang mga boyfriend... they let themselves fall in naman. Hindi ko alam kung in love ba ang tawag doon o katangahan.
Pero sa bagay, kung si Cupid nga natamaan din ng kanyang love arrows at na-fall kay Psyche, walang duda na mangyayari din sa akin yon. Kaso ayoko kong malagay sa state na ganyan!
Ngunit gaya nga ng sabi ni ilan, ang di mo inaakala na hindi mangyayari sayo, at kahit anong iwas mo sa sitwasyon, doon din ang patungo mo. Sabi nga nila, "Expect the unexpected." Pero kahit ba parehas kayo?
Chapter I:
"Pasok! (Sa puso?)"
"Yehey! Pasok ako sa official theater group! I'm so... so... excited!" napasigaw na lang ako sa galak nang makita ko ang pangalan ko sa listahan ng mga pasok sa audition. Nye? Nakatingin na pala silang lahat sa akin. Pahiya much ang loka. Sige alis na ako (blush... blush... blush).
"Ano, pasok ka ba G squared?" tanong sa akin ng bestfriend kong si Charlene. Since highschool, G squared na ang tawag niya sa akin, short for George Gabriel.
"Oo naman Chamot! Feeling ko unti-unti ko nang nakakamit ang aking pangarap. Feeling ko magiging isa akong bituin!" sagot ko na may halong pagmamayabang.
"Oo na lang. Bituing walang ningning" hirit niya. Tumingin naman ako sa kanya ng masama "Oh, bakit? Eh, ano bang role mo? di ba extra ka lang na... tiga buhat ng batsa? Ganda nga ng role mo! para ka nga talagang star! 'Yung... 'yung tipong sasabog na!" pangaasar pa niya sabay tawa.
"Ewan ko sayo! Naniniwala ako na huge things start with little." Inis na sabi sa kanya.
"Maganda yan! Suportahan kita 'te. Kung ngayon taga hawak ka ng batsa baka next role mo, matupad ang pinapangarap mong TAGASAMPAY! Wow! Lumelevel te ha! O di kaya matupad ang pinakamimithi mong musical show entitled, 'Langitngit ng Papag'. O di ba?" hirit niya habang naglalakad kami.
"Sige pa! Manginis ka pa. Gusto mong maglakad nang walang buhok sa katawan? As in lahat-lahat!" sa takot ay hindi na siya nagsalita at dumiretso na kami sa Cafeteria.
------ ------ ------
Simula pa noong high school, magkasama na kami nitong si Josefa Charlene. Ayaw niyang tawagin siyang Josefa kasi, well, pangmakalumang panahon daw. Oo nga naman. Makulit talaga, palabiro pero sobrang talino at kalog ng babaitang yan. Ako naman eh, medyo na-impluwensyahan niya ng konting konting katalinuhan. Kaso baliko ang aking daan tungo sa pagiging tunay na lalaki, kung baga isa akong biktima ng experiment ng mga kaluluwa (meron ba nun?) kung saan kaluluwa ng isang babae ang na-trap sa loob ng katawan ng isang lalaking hindi naman panget, hindi rin naman sobrang pogi, 'yung may itsura. Sabi nga ng iba 'sayang daw'. Che! Pero yun nga lang, vocal ako pagdating sa kung sino ako. Kahit na maraming nagkakacrush sa aking babae. Aba? Tomboy ba ako 'te? Ayoko pa rin sa kanila. Kaso hindi mo maipapagkait na lalaki pa rin ako kaya bilang respeto sa sarili, hindi naman ako nagsusuot ng mga pambabaeng damit. Natural lang kung baga.
Simula pa ng una kong pag - "Uhaaa!" dito sa earth, hate, I mean, sinusumpa ko na ang salitang relationship or 'yung LOVE. Alam mo 'yung mga crush crush na ganyan? Ayoko niyan. Ako na mismo ang lumalayo. Kasi naman puro hinanakit lang yan I swear! And so far, kahit na second year college na ako ay wala pang aksidenteng falling in love - falling in love echoz ang nagaganap. Siguro ibibitin ko na lang ang sarili ko (Joke!)
------ ------ ------
"Hey guys!" isang bati galing sa umpukan ng mga estudyanteng tinatawag ang kanilang sariling... "BOBO". Di naman talaga bobo, nasabihan lang ng mga teachers kaya inaasar ang sarili.
