Chapter Eleven

7.4K 185 10
                                    

-Nina-

Marco completely ignored me throughout the trip. Tinawagan ko si tatay bago kami sumakay papuntang France at ikinagulat niya ito. Panay ang pagtakip ko kay Marco dahil nadismaya si tatay sa pag-alis namin na tila walang pasabi.

I never had the chance to say goodbye to Felicity or Trixie as well.

Pagkarating namin sa France ay wala nang signal ang cellphone ko at laptop kaya di ko man lang macontact sila para sabihin na okay lang ako.

Nang makarating kami sa France pagkatapos ng ilang oras na biyahe ay sinalubong kami ng katiwala ni Marco. Nasa 50's na ito at kulay puti na ang buhok pero mukhang malakas pa rin. Nakangiti siyang lumapit kay Marco.

"Welcome back Sir Marco. It's good to see you again."

"Nice to see you too, Grant." Bati naman ni Marco na tila maganda ang mood ngayon.

"And you are traveling with?" Tanong ni Grant dahil nakalimutan akong ipakilala ni Marco.

"Oh yeah. Meet Nina. My wife."
Tila walang emosyon or kasiyahan ang boses ni Marco. Tila nagpapakilala lang ng kaibigan. Aaminin kong tila nasaktan ako sa trato ni Marco.

He had changed overnight and became a very rude and harsh man.

"Hello." Tipid kong bati kay Grant na tila tiningnan ako sa ulo pababa dahil mukhang alipin ako kapag itinabi kay Marco.

He exudes class and elegance while I was just a farmer's daughter. I have no finesse kaya ganito ang nakikita ng isnaberong katiwala ni Marco.

"Hurry up." Sabi ni Marco at napilitang kunin ng katiwala niya ang maleta ko na kanina ko pa hinihila.

He sat beside Grant and they talked in French na tila dudugo ang ilong ko dahil di ko sila maintindihan. Hindi ko sila pinansin at tiningnan ang paligid ko.

France was very beautiful and hopefully makapunta ako sa Eiffel tower or sa may Louvre.

It was a very romantic place but then di ko alam if igagala ako ni Marco.

Mahaba ang biyahe namin kaya tumigil muna kami sa isang restaurant. Puro French ang sa menu kaya di ako makapag-order.

"What's wrong?" Tanong ni Marco tila naiirita kasi kanina pa siya nagtatanong ano oorderin ko.

"French kasi eh. Di ko maintindihan." Nahihiyang sagot ko na napailing lang siya.

He ordered for me then went to talk to someone on his phone. I made a mental note na bumili ng French dictionary para I can understand somehow.

After our quick stop ay nagtravel ulit kami until we reached the country side of France. It was very nice na tila sa isang movie lang kami. It was lush with greenery with magnificent houses.

Then we arrived at the biggest house na pagmamay-ari pala ng mga dela Rosa. He was one of the leading French winemakers.

Tila namangha ako sa karangyaan nila Marco na pero nanlumo dahil di ako nababagay dito.

Bumaba kami ng sasakyan at sinalubong si Marco ng mga tauhan niya.

They welcomed him warmly and he greeted them. This time he was kind enough to introduce me. Some smiled and some just nodded to acknowledge my presence.

"What a beautiful bride! Come, I will show you to your room oui?" Sabi ni Mrs. Carol na mayordoma nila Marco sa mansyon.

Their mansion was like a castle with majestic architectural designs. There was a lot of paintings and antiques everywhere.

The Trinity Sorority Series: The Arranged Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon