CHAPTER 7

0 2 0
                                    

THEA'S POV

Mula nang lumipas ang araw ay wala kong ginawa kundi ang magbasa nang magbasa. Nag aadvance reading ako para narin sa susunod na pasukan. Nakasanayan ko na ang ganito. Ang magpuyat sa kakabasa at doon ako nalilibang.

"Oh? Bihis kana?"

Nagtatakang tanong sakin ni Sand nang magising siyang nakasuot na ko ng uniporme.

Pagkauwing pagkauwi ni Sand sa Canada ay nag-enroll siyang kaagad sa school na papasukan ko. Hindi ko alam kung bakit mas pinili niya pang dito mag-aral sa Pilipinas gayong mas maganda naman ang unibersidad na pinapasukan niya. Wala siyang nakuwento basta gusto niya lang daw. Palibhasa may kaya at nasusunod ang lahat ng gusto.

Magkasama kami ni Sand sa iisang kwarto. Hindi naman naging mahirap sakin ang pakisamahan siya dahil nga sa kakulitan nito. Maging sa pagtulog rin ay wala kong problema sa kaniya. Para kase itong patay na nakaburol at pantay na pantay ang pagkakahiga na para bang hindi na humihinga. Kaya lang masyadong bugnutin at talagang inaabot ng umaga kung gumising.

"Why didn't you wake me up." nakangusong angil nito sakin.

"Ginising kita. Ang tanong, bumangon ka ba?"

"hehe maliligo lang ako. Mabilis lang 'to."

"Pch. Bilisan mo."

Nagpauna na kong bumaba ng kwarto. Pababa na ko ng hagdan para mag almusal nang makita kong may kausap si Mhie mula sa kabilang linya.

Di ko mawari kung sino yun kaya lumapit ako't nagtanong.

"Sino yun mhie?." may kuryusidad pang tanong ko pero di na tumingin pa sa kaniya. Dumiretso na 'ko para maupo sa harap ng mesa.

"Ah, si tita Flore mo."naupo narin siya mula sa harap ko.

"Ano hong sabi?." habang sinasalinan ang pinggan ng kanin.

"Kung pwede daw dito na muna magstay si Cassandra habang nag-aaral siya sa senior high.
Kaya sabi ko oo kesa naman dun s'ya sa dati nilang bahay sa baguio uuwi.Malaki nga pero wala naman siyang kasama." kumuha muna s'ya ng tubig sa ref saka ako sinalinan.
"Tyaka kung halimbawa mang kukuha sila ng maid, di mo alam kung mapagkakatiwalaan ba.
Okay lang ba sayo?"

"Uhm.." Pagtango ko habang kumakain. Di naman na ako nabigla dahil narin sa sinabi na ni Sand bago pa man tumawag ang mommy n'ya.
Di ko inexpect na uuwi pa siya.
Bakit kaya mas pinili niya pang mag-aral dito eh kung ako nga ang tatanungin mas gusto ko pa dun." nagtatakang tanong ko kay mhie. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit mas pinipili niya pang dito magstay eh parang mas okay din naman doon.

"Sabi kase ng aunty Flore mo na nahihirapan si Cassandra na mag-adjust doon.O Eto."abot pa sakin nang bread. "Kaya ang mga marka niya ay hindi gaanong kataasan. Atleast kung nandito s'ya ay mas madali sa kaniya na makisalamuha.Sabi nga ng aunty mo na kung pwede daw hawaan mo siya ng kasipagan dahil puros walang saysay na bagay ang pinagtutuunan ng pansin.Kampante siya na kapag kasama mo si Cassandra ay mahihiya yun na hindi mag aral." Pagpapaliwanag pa.

"Nasa sakaniya na yun. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya."

Si Aunty Flore ay ang mommy ni Sand. Ang mommy niya kase ay kapatid ni dhie. Kaya ganoon nalang siya kung umasta.

"Tyaka mas mabuti na yun para may kasama ka't makausap diba?.
Lalo na  kapag nagagabihan ako galing sa trabaho." ngumiti pa muna siya umaasang maiintindihan ko ang sinasabi niya. "Asan na pala yung pinsan mo?.Tulog pa ba?Yun talagang batang yun, nasabi sakin ni Flore na talagang late gumising ang batang iyon." umiiling iling pang  wika ni mhie na sumulyap mula sa pinto kung saan ang kwarto naming dalawa ni sand.

Journey Of Love(ONGOING) Where stories live. Discover now