I can't seem to forget that day. Grabe ang sakit ng naramdaman ko non. Bakit ba naman kasi sa lahat ng tao siya pa. Alam ko sa sarili ko na wala talaga akong pag asa sa kanya dahil may mahal na siyang iba. Alam ko na pero di pa rin sumunod itong puso ko.
I was in my 8th grade when we became classmates. I didn' feel anything when I first saw him, I'm just glad na may bago kaming kaklase. As day passed, I found myself staring at him. Bawat galaw niya di nakakatakas sa aking paningin at di rin nakatakas sa aking pandinig ang mga kwento tungkol sa kanya.I know I have a crush on him, nagkaroon na rin naman ako ng crush nung elementary ako. Alam ko ang pakiramdam na iyon.
Days, months and years have passed and he was still my crush. Wala akong pinagsabihan ng aking nararamdaman at hindi rin pumasok sa isipan ko ang umamin dahil nahihiya at natatakot ako. Just like any other girls, I'm contented in imagining that we are together and doing sweet stuffs.
Madami siyang naging girlfriend at lahat sila ay magaganda at matatalino. Siguro dahil sa kanyang itsura at datingan kaya madaming nagkagusto sa kanya katulad ko. Hindi siya iyong tipo ng lalaki na makakapagtapos ng pag aaral dahil ang kanyang mga grades ay lahat mababa at madalas pa itong mapagalitan ng aming guro.
Noong mga panahon na iyon ay hindi ko napapansin na hindi na lang pala crush itong nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko man lang napansin dahil okupado ang aking utak. Dahil sa araw araw na nakikita ko siya ay hindi ko na pinansin ang aking nararamdaman dahil alam ko lamang na crush ko siya. Kahit minsan ay may nararamdaman ako na parang kinukurot ang puso ko ay pinagsawalang bahala ko iyon.
Hanggang sa dumating ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. Kasama ko ang aking best friend at mga ka-club mates namin na nagaayos ng stage para sa event na gaganapin bukas. Napagpasyahan naming lahat na mag water break muna at kaming dalawa ng aking kaibigan ay nagpunta sa canteen at magpahinga doon. Nakita namin siyang nakaupo sa isang gilid at nakita namin na wala ang kanyang mga kaibigan at ang girlfriend kaya nakiupo kami. Dahil ilang taon naman kaming magkaklase ay parang wala lang sa kanya ngunit ako, hindi ko malaman ang aking gagawin dahil ang lapit niya.
Nagulat na lang ako ng biglang tanungin ng aking kaibigan ang tungkol sa kanila ng jowa niya. Gustohin ko mang hatawin o sigawan siya ay hindi ko na nagawa noong narinig ko ang sagot niya. Kung kanina ay hindi man lang siya nagsasalita, ngayon ay biglang hindi na mapigilan ang kanyang pagsasalita. Ang saya saya niya habang nagkukwento at kitang kita mo sa kanyang mga mata ang saya. Ang lalaking mukhang masungit ay biglang nagliwanag ang mukha. Hindi ko alam pero yung puso ko ay parang kinukurot at ang aking mga luha ay gusto ng lumabas. Bago pa tumulo ang aking luha ay nakaalis na siya kasama ang kanyang girlfriend. Alam ko naman sa sarili ko na imposibleng maging kami pero bakit ang sakit pa din.
Buong gabi kong pinagisipan ang sinabi ng aking kaibigan sakin tungkol sa pagamin sa kanya. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba itong pagamin na ito sa kanya o hahayaan ko na lang mawala tutal malapit na rin kaming magkolehiyo at maghihiwa hiwalay na rin kaming magkakaklase.
I decided to tell him what I feel on the
day of our graduation. Isang linggo bago ang graduation ay busy na ang lahat sa pagpapractice at pagaayos ng school. At sa loob ng isang linggong iyon ay nagiisip na ako kung pano at ano ang aking sasabihin sa kanya.Nagsimula na ang aming graduation at nawala saglit sa aking utak ang pagamin sa kanya. We're all happy because lahat kami ng friends ko sa wakas ay nakagraduate na sa senior high. Busy kami sa pagpicture ng mga epic faces namin kasi mukha na kaming ewan dahil iyak kami ng iyak. When it's time to go home, naalala ko na hindi pa pala ako umaamin sa kanya. I searched every corner of the school pero hindi ko na siya makita. Ready na ako umamin sa kanya at tanggapin ang sagot niya ang kaso nahuli ako.
Before we go home dumaan muna kami sa bilihan ng cake to celebrate my graduation. It was midnight when we finished celebrating and everyone was exhausted at lahat ay tulog na maliban sa akin. Nanghihinayang pa rin ako na hindi ko man lang nasabi sa kanya.
Tutal hindi rin naman ako makatulog, I decided na pumunta na lang sa malapit na coffee shop para makapagisip isip. Dahil nga past midnight na din onti lang ang tao.
I was busy staring at the cars while sipping at my drink when someone spoke.
"Hey"
Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil sa lakas ng kabog ng dibdib alam ko na kung sino siya. Siya lang naman ang nakakapagpakaba ng ganito sa'kin.
"O-oh hi"
"It's late. Why are you still here?"
"N-nagpapaantok lang"
"Hindi ka pa napagod kanina?"
"Tired pero hindi lang talaga ako makatulog. Ikaw, bakit andito ka pa?"
"Same reason"
Then 5 mins passed wala pa rin nagsasalita sa'ming dalawa. Naisip ko bigla lahat ng ginawa kong paghahanda noon masabi ko lang sa kanya ang nararamdaman ko, pero ito ako inunahan ng kaba at hindi na makapagsalita. Just when I decided to leave, he asked something na nakapagpatigil sa akin sa pagalis.
"Do you like me?"
"H-huh?"
"Someone said na may gusto ka daw sa'kin. I just want to confirm it."
"Y-yes, I-I like y-you"
"Since when?"
"S-since grade 8" Fuck gusto ko na lang umalis ngayon.
"I didn't expect that. I just know that yiu have a crush on me but not that long."
"A-alam mo na may crush ako sa'yo? Kailan pa?" So all along alam niya na crush ko siya.
"I really don't remember kung kailan dahil may nagsabi lang sa'kin. 'Di ko pinansin yon noon dahil akala ko niloloko lang nila ako."
Shit ganoon ba ako kahalata. Akala ko walang makakapansin. Ano na sasabihin ko? Kinakabahan na 'ko ng sobra. Sino ba naman kasing hindi.
"N-now that you know about my feelings, I want to hear your answer so I can move on already."
"I really don't know what to say pero you know naman na meron na akong girlfriend diba?"
"Oo naman." Syempre alam ko lalo na tungkol sa'yo.
"I really love her so I'm sorry, I can't accept your feelings."
"S-sa wakas makakam-move on na din ako sa'yo tsaka di mo kailangan magsorry 'di mo naman kasalanan na nagustohan kita. Alam ko din naman na hindi mo ako magugustohan di naman ako maganda di katulad ng girlfriend mo" Grabe iba talaga ang sakit pag yung taong gusto mo ang nagsabi sa'yo non.
"Sige alis na ako bye." I need to leave this place dahil onti na lang talaga tutulo na luha ko pero biglang may humawak sa braso ko.
"Wait."
"Bakit?"
"I just wish you can find the right person for you. You may like me but I know that you can find a better person who is better than me."
"Thanks. Sige una na ako"
I left after saying that. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Makakamove on din ako pero it will take time. Goodbye my first love.
A/N:
Sorry sa wrong grammar and punctuation guys. I just wrote it for fun. Some part of this story is based on a true story but most of it was just my imagination. Hope you had fun reading.