"Hoy ikaw wag kang tanga. Malaki lang ang baba mo hindi ka bulag"
Narinig ko na naman ang boses ni Sed mula dito. Panigurado may napagtripan nanaman yun. Kahit babae, teacher o kung sino man ang bumangga sa kanya wala talaga siyang sinasanto. Hay! Ano pa nga bang bago. Kung alam ko lang na magiging ganyan siya. Di sana hindi ko na lang ginawa yun bagay na yun. Di sana mas pinili ko na lang siya kesa sa lahat. Pero kahit anung pagsisisi ang gawin ko hindi na yata siya magbabago. Naging matigas na siya, wala na siyang puso, ilang beses kong sinubukan kausapin siya at ipaliwanag ang nangyari. Wala din magagawa ang lahat. Lumabas na ako ng cafeteria para tingnan kung anung nangyayari, nakita ko na lang ang isang babae na mukang sophomore. Wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang umiyak "Sed ano ba? Nasangi ka lang ng tao ginaganyan mo na. Maawa ka naman!" Sita ko sa kanya. Pero imbis na tumigil siya kinuha niya ang dalawang baso ng orange juice na dala nung mga barkada niya at ibinuhos ito sa akin at dun sa babae. Ha! walanghiya talaga "Pakielamera" narinig ko pang sabi nito ng nakangisi bago pumunta sa upuan nila "Tabi nga" Maangas na sabi nito sa mga nakaharang sa daan niya. Hindi na bago sakin ang mga ginagawa niya. Ilan beses na niya akong sinaktan at pinahiya sa harap ng madaming tao. Sanay na din yata ang mga tao sa araw araw na pagmamalupit sa akin ni Sed tuwing susubukan kong ilapit ang sarili ko sa kanya. Pero sa kabila ng lahat hindi pa din ako tumitigil, dahil alam ko nagkakaganyan lang siya dahil nasaktan siya nang sobra, akala niya iniwan ko siya. Tss kung alam lang niya kung gano ako nagdusa nung mga panahon na umalis ako, actually hindi ako umalis para sa sarili ko, umalis ako para sa kaniya at sa pamilya ko. Hadlang ang magulang niya sa aming dalawa, dahil wala akong maipagmamalaki mahirap lang kami, pinalayo ako ng mga magulang ni Sed inayos nila lahat ng kailangan ko sa paglipad ko sa Paris pati school na papasukan ko. Kahit ayaw nila ginagawa pa din nila ang mga bagay na yun dahil alam nila na kahit anung gawin nilang paghihiwalay sa amin ni Sed hindi nila magagawa. Matigas si Sed lahat ng gusto niya nakukuha niya. Umalis ako, para na din sa amin para may maipagmalaki ako sa pamilya niya kahit papano. Pero sa bawat araw na lumilipas para na din akong pinapatay tuwing nababalitaan kong laging napapaaway at naglalasing si Sed. Gustong gusto kong umuwi, pero kailangan kong tiisin lahat ng yun, lumipas ang dalawang taon, napagpasyahan kong umuwi at dito na lang sa pilipinas ituloy ang pag aaral ko ng college tutal third year na din naman ako.
Excited ako nun. Dahil sa wakas makikita ko na sya. Magkakasama na kami, matatapos na din ang paghihirap ko. Pero nagkamali ako
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE
RandomNung nakilala ko siya tumatak na agad sakin ang mga ngiti niya. Ilang beses niya akong pinagtabuyan, pinahiya, sinaktan. Pero hindi ko alam kung bakit bawat salita niya hindi ko mapigilang ma attract. Mahal ko siya. Yung ang totoo. Pero hindi ko ala...