Pumunta kami ng Tagaytay para lang mag dinner sa isang mamahaling restaurant. Saglit nga lang kami dahil gabi na din at baka pagalitan pa ako ni kuya.
Hawak niya ang isang kamay ko at ang isang kamay naman niya'y ginagamit pang maneho. Nililingon ko siya at napapangiti nalang ako. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako na nag dinner kaming dalawa at nagkita kami ngayon.
Funny how his presence annoyed me when I was young, but now I couldn't even handle my worry when he's nowhere my sight. Umiling- iling ako at tumingin sa bintana.
"Are you okay?" Tanong niya bigla.
Bumaling ako sakaniya at tumango. "Yeah. Why?"
Pinanood ko kung paano niya iangat ang kamay naming magka hawak at marahan niyang dinampian ang halik ang likod ng kamay ko. My cheeks heated then I secretly smiled.
Hindi ko namalayan na tinigil pala niya ang sasakyan sa tapat ng isang Flower shop.
Marahan akong bumitiw sa kamay niya at tiningnan siya. "A- anong ginagawa natin dito?"
Ngumisi siya. "Mabilis lang ako."
Hindi na ako nakasagot dahil mabilis na siyang lumabas sa kotse. Tinanaw ko siya na pumasok at may matandang babae ang sumalubong sa kaniya. May inabot ito kay Rohan ngunit hindi ko na 'yon nakita.
Lumabas siya nang may kausap sa cellphone, he's holding a bouquet of blue roses. Napapikit ako ng mariin.
"Yeah. She's fine." Sabi niya sa kausap. "Uuwi na rin."
Nakaramdam ako kung sino ang kausap niya. Kaya naman nang iabot niya sa akin ang telepono niya ay tama nga ako.
"Your brother." Aniya.
"Hello, kuya?"
"Tss..." Narinig ko'ng singhal ng kuya ko sa kabilang linya. "Masaya ka naman? Nakalabas kayo?"
Parang nang- aasar pa ang tono ng kaniyang pananalita. Nairita ako ngunit natatawa rin.
"How are you?" Tanong niya.
"I'm fine, Kuya." Nilingon ko si Rohan na naka titig sa akin.
"Umuwi ka na. Kung ayaw mo'ng bigyan kita ng curfew." Sabi niya pa!
Umirap ako sa hangin. "Kuya! I'm hanging up now..."
Tumawa siya. "Sige, sige. Bye."
Pinatay ko na ang tawag at naka simangot na binalik iyon kay Rohan. Ngunit nang maalala ko ang hawak niyang bulaklak ay parang baliw ako na ngumiti sa kaniya.
"Do you want me to this on the back seat or?" Tanong niya habang hawak ang bouquet.
Umiling ako. "Give it to me, Rohan."
Binigay niya sa akin iyon. Hindi naman mabigat dahil kumpara sa mga binibigay niya noon, malalaki talaga iyon. Ngayon ay hindi naman siya masyadong malaki kaya kaya ko.
Mabilis lang ang biyahe namin pauwi. Hawak niya ang kamay ko at hinatid ako hanggang sa tapat ng pinto ng bahay. Ang mga bodyguards naman ay nasa tent nila hindi kalayuan.
Naka harap na ako sa kaniya. He looked at me with blaze in his eyes. Para ba'ng ayaw niya pa akong pumasok sa loob.
"Uh... Bukas, wala akong pasok. I... Planned on just staying here tomorrow." Sambit ko.
Nahihiya akong sabihin na gusto ko'ng makasama siya bukas. Wala naman akong gagawin. I just hope that he has no plans for tomorrow too.
"Don't you wanna go shopping? Sasamahan kita." Aniya.
BINABASA MO ANG
THE WILD'S DEEPEST AFFECTION (BURNING LOVE SERIES 1)
RomanceIn the wild, you must be prepared for the worse. Dapat palagi kang alisto, dapat alam mo kung anong hahantungan ng bawat hakbang mo. Hindi puwedeng hindi ka handa sa kahit ano. Pero paano kung pinili mo'ng daanan ang mapanganib na direksyon kaysa i...