EPISODE 10: PAG AMIN

1.7K 34 7
                                    

RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide

...

EPISODE 10
PAG AMIN


Sandali akong natigilan ng maramdaman na may nakatitig sa akin. Lumingin ako sa kaliwa at doon ko nahuling nakatitig sa akin si Aiden.

"B-bakit? May dumi ba ako sa mukha?" nauutal ko pang tanong sa kanya pero ilang segundo pa ang itinagal ng titig niya sa akin hanggang sa nagsalita na siya.

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko sa sunod niya sinabi sa akin...

"Gusto kita Yellow." aniya na nagpatibok ng puso ko ng sobrang bilis.

Tumingin ako sa mga mata niya at niyakap siya. Hindi ko alam kung ano ang nagutos sa sarili ko na yakapin siya pero nagkusa na lang basta ang mga braso ko.

"Gusto din kita Aiden." pagamin ko. Sa apat na salitang sinabi ko ay siguradong sigurado na talaga ako sa nararamdman. Walang pagaalinlangan o takot na nadarama.

Niyakap din ako ni Aiden at doon ko mas lalong narinig ang pinagsamang tibok ng mga puso namin.

Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin, sa amin. Wala pang 24 hours na magkasama at magkakilala pero alam ko at alam namin parehas na walang takot at pagaalinlangan ang ginawa naming pag-amin sa isa't isa.

Matapos magpalipad ng saranggola ay nagsimula na ulit kami na bimumiyahe pabalik sa lugar na pinaggalingan namin.

Ang sabi niya sa akin ay tantyado na niya ang oras ng biyahe na paalis at pabalik.

Sandali akong natulala at napaisip sa mga sinabi niya. Wala namang masama kung babalik na kami pero parang hindi pa ako handa. Parang natatakot akong bumalik sa lugar kung saan puro pasakit lang ang mararamdaman ko.

Nakatingin lang ako sa mga puno na nadadaanan namin at hinayaan ang sarili sa kung anong iisipin.

Kung pwede ko lang hilingin ko kay Aiden na manatili na lang ng ganito. Ang lumayo sa lugar na pinaggalingan namin.  At Ang makasama siya pero hindi ko maggawa dahil hindi pwede.

Ngayon lang muli sumagi sa isipan ko na may katapusan at hangganan nga pala ang kasiyahan at sigurado ako na sa pagbalik ko ay doon ko muki papasanin ang lahat nng bigat na na iniwan ko noong sumama ako kay Aiden.

"Okay ka lang?" tanong sa aakin ni Aiden at bahagya akong ngumiti at tumango.

Tumigil kami sa isang gas station. Bumaba ako at pumasok sa restroom. Pagpasok ko pa lang ay unti-unting pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Ayoko pang bumalik.

Sampung minuto ang nakalipas ay tsaka ko napagpasyahan na lumabas. Paglabas ko ay nasa parking area na ang saaakyan kaya dumiretso ako papasok sa convinient store at naroon nga si Aiden.

"Coca Cola." aniya sabay abot sa akin ng inumin. Naupo ako sa tapat niya at binuksan ang coca cola na binigay niya.

Naningkit naman ang mata ko ng maramdaman kong nakatingin lang siya sa akin at tila ba sinusukat ang bawat kilos ko.

"Bakit?" taning ko sabay kagat sa siopao na binili rin niya para sa akin. Sinubukan kong maging kalmadonat wag ipahalata ang nararamdaman.

"May problema?" tanong niya pero umiling ako at iniwasan ko na magtama ang mga mata namin. Ayokong magsinungaling pero ayaw ko rin naman sabihin sa kanya ang totoo.

"May problema" paguulit niya pero hindi na iyon patanong kundi isa ng pangungusap na para bang sigurado siya sa kanyang sinabi. "Makikinig ako." sabi niya pa.

Ilang minuto ang nakalipas ay katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hindi niya ako kinulit na sabihin ko ang problema sa kanya pero nakonsensya ako.

Bumuntong hininga ako at nilakasan ang loob para magsalita. "Ayoko pang bumalik." sabi ko at kaagad siyang napatingin sa akin.

"Bakit?" paguusisa niya. Ramdam at kita ko ang pagaalala niya.

"Natatakot ako. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari." kwento ko at naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga kamay sa pisngi ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"May mga bagay tayong kinatatakutan pero para mawala ito ay kailanagan nating gumawa ng paraan." panimula niya. "Wala ka dapat takbuhan bagkus ay dapat mo itong harapin. At nandito ako Yellow, sasamahaan kita."

Ilang sandai pa ay tumabi na siya sa akin. May kinuha siyang panyo mula sa bulsa at ibinigay ito sa akin. Habang pinupunasan ko ang mga luha ay pinapatahan niya ako sa pamamagitan ng paghagod ng kanyang kamay sa aking likuran.

"Paano na lang si Stella kapag hindi ka bumalik." sabi niya.

At natigilian ako sandali. May punto siya, paano na lang si Stella kapag hindi nga ako bumalaik. Alam ko rin na namimiss at hinahanap niya ako ngayon.

Hinawakan ni Aiden ang dalawa kong pisngi at iniangat ito para magtama ang mga mata namin. Sa mga tingin niya sa akin ay para bang binabasa niya ang kalungkutan na nagkukubli sa mga mata ko. Subukan ko man ito na itago pero alam kong malalaman at malalaman niya na tunay na malungkot ako.

"Anong problemea?" tanong niya na para abang sigurado siya sa kanyang sinabi. "Bakit ka natatakot?"

Muling bumuhos ang mga luha ko sa tanong niya. Hanggang sa namalayan ko na lang na kusang bumuka ang mga labi ko at sinambit ang sikretong itintago ko.

"Ni-rape ako ng dalawang beses." mahina kong sambit  at doon nanghina ang mga kamay niya na dahilan para mabitawan niya ang psingi ko.

"Ni-rape ako ng Prof at Tito ko." sabi ko pa.

Pagbaba niya ng kamay ay nakita ko ang pagkuyom ng mga iyon. Matapos nun ay agad niya akong niyakap. Niyakap niya ako ng sobrang higpit at doon ako mas lalong napahagulgol.

Nasabi ko sa kanya ang isang bagay na hindi ko masabi sa magulang ko. Natanong niya sa akin ang bagay na hindi tinatanong sa akin ng ibang tao.

Hindi man siya magsalita pero sapat na yung yakap at presensya niya para maramdaman ko na may kasama ako, na may nagaalala sa akin.

"I'm sorry. I wasn't there." aniya at narinig ko na rin ang pagiyak niya.

Wala siyang ginawa kundi ang humingi ng sorry sa akin dhail hindi niya daw ako naggawang tulungan.

Sa ngayon ay sinabi niya sa akin na tutulungan ako. Noong una niyang sbaihin iyon sa akin ay natatakot ako pero pinaliwanang niya sa akin ang lahat at handa siya na samahan ako kahit ano man ang mangyari.

Ang sabi niya pa ay sa pagbalik namin ay maghahanap siya kaagad ng abogado na siyang pwedeng magasikaso at tutulong sa amin.

Nang dahil kay Aiden. Yung takot at pangamba ko ay palaging naglalaho. Nagiging matapang ako dahil sa kanya. Nang dahil din sa kanya ay nasabi ko ang mga bagay na hindi ko masabi sa iba.



       




MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa!

TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon