EPISODE 11: YELLOW

1.6K 38 7
                                    

RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide

...

EPISODE 11
YELLOW


Posible pa lang maghilom ang sugat dito sa puso ko. Akala ko ay mananatili ako sa dilim. Akala ko ay patuloy aking kakainin ng demonyo sa utak ko pero hindi pala.

Minulat at binigyan ako ng dahilan ni Aiden na lumaban sa buhay. Na wag akong sumuko sa kabila ng mga nangyari sa akin dahil sa bawat takot ay may ginhawa. Sa bawat dilim ay may liwanag at sa bawat pagkadapa ay dapat kang bumangon.

Kasalukuyan kaming nagbabyahe pabalik. Walang nagbago sa bilis ng takbo ng sasakyan sa kabila ng mga ipinagtapat ko kay Aiden.

Paminsan minsan ay sumusulyap siya sa akin at wari'y ba ay nagaalala sa akin. Kung noong una ay grabe ang pagaalalaga at pagaalala niya sa akin ngayon ay mas doble at grabe pa. Para ba akong babasagin na salamin na hindi pwede magasgasan at masira.

"Yellow." tawag niya sa akin at humarap naman ako.

"Hhmmm"

Umiling siya at at nahihiyang ngumiti na siyang ipinagtaka ko. "I'm just curious about your name. All this time, Yellow ang tinatawag ko sa iyo at hindi ko alam kung ayos lang ba sa iyo na hindi mo tunay na pangalan ang tawag ko sa iyo."

"I'm fine with Yellow since it's my favorite color. Ayoko lang talagang sabibin sa iyo ang pangalan ko." sagot ko.

"Bakit?"

"Kailanman ay walang sino ang nagtanong ng pangalan ko. Kung may nakakalaam man ay baka limot na nila o hindi pa matandaan." malungkot kong sabi. "Tanging si Stella at magulang ko lang ang nakakaalam at nakakaala ng pangalan ko." dugotng ko pa.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at padampi dampi niya iyong hinalikan at dahil sa ginawa niyang iyon ay napangiti ako at kahit paano ay gumaan ang loob ko.

Buong byahe ay nakahawak siya sa kamay ko. Sinubukan niya rin na magjoke para patawanin ako. Corny yung mga joke pero atleast sinubukan niya akong patawanin at pasayahin.

Alas-tres ng hapon ay napagpasyahan namin na tumigil. Marahil ay napagod si Aiden sa pagdarive.

Binilang ko sa mga daliri ko kung ilang oras na lang ang natitira sa 24 Hours Roadtrip. Bagsak ang balikat ko ng mapagtantong nine hours na lang ang meron kami.

Ipinuwesto ni Aiden ang sasakyan sa lilim ng isang puno kaya hindi mainit. Nang makasampa sa likod ng sasakyan ay agad akong naupo at si Aiden naman ay ipinuwesto ang ulo sa may hita ko at tsaka nahiga.

Pumikit si Aiden habang ako naman ay sinusuklay ang kanyang bubok gamit ang mga daliri ko. Hindi ko maiwasan na kiligin at mapangiti nang matitigan ko ng mabuti ang mukha niya.

Kayumanggi, bilugan ang mata, hindi katangusan ang ilong pero akma ang lahat sa isa't isa. Sobrang gwapo niya at kitang kita ang pagka-pinoy.

Ilang minuto pa ang lumipas ay ramdam ko na tuluyan na siyang nakatulog. Ako naman ay pinagmasdan ang kapaligiran at napapaisip kung ano kayang sunod na mangyayari sa amin.

Ang sabi niya ay tutulungan niya ako, hahanapan niya ako ng abogado ng tutulong sa sitwasyon ko pero paano naman iyong plano niya, yung pangarap niya na naghihintay sa New York. Ang pangarap niyang iyon ang dahilan kung bakit siya nag 24 Hours Roadtrip.

At ang 24 Hours Roadtrip ang dahilan lung bakit kami nagkakilala at king bakit gumaan ang nararamdaman ko.

Ramdam ko iyong kaba at takot pero tinatago ko. Maraming posibleng mangyari. At ang kinatatakutan ko ay pati siya ay madamay sa bagay na hindi naman dapat.

...

"Anong iniisip mo?" nagulat at natigilan ako nang biglang magsalita si Aiden. Umiling ako at ngumiti lang.

"Gusto mo na bang umalis? Baka nabagot ka dahil ang tagal kong nakatulog."

"Hindi noh. Ayos lang sa akin, buti nga ay nakapagpahinga ka." sabi ko.

Mula sa pagkakahiga ay naupo siya at doon ko napansin ang magulo niyang huhok. Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin at ginawa naman niya. Nang makalapit sa akin ay inayos ko ang magulo niyang buhok at nasulyapan ko naman ang pagngiti niya.

"Bakit ka nakangiti?" tanong ko kay Aiden matapos ayusin ang buhok niya.

"H-ha? H-hindi naman ah." pagtatanggi niya at hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Bakit ka nga nakangiti?" pangungulit ko pa at tinalikuran ko siya na kunwaring nagtamoo.

"Nakangiti ako kasi kinikilig ako." pagaamin niya at napangiti ako habang siya naman ay nakayuko at nakahawak sa batok. Tila nahihiya sa sitwasyon namin ngayon.

Matapos nun ay kumain muna kami ng mga finger foods na dala niya. Napapaisip tuloy ako kung ano na lang ang nangyayari sa akin, kapag wala ni si Aiden.

Payapa ang isipan ko. Masaya ako ngayong kasama siya pero sabi nga nila ay hindi lahat manantili sa tabi mo. May aalis at aalis rin.

Nagkwentuhan lang kami ni Aiden habanv kumakain at nang maubos ang kinakain ay sumakay na muli kami sa saskayan at nagpatuloy sa biyehe. Tulad kanina ay nakahawak siya sa kamay ko habang nagbabiyahe.

...

Hindi ko akalain na may isang darating na tao sa buhay ko na siyang magpapakiwanag at nagpapaintindi sa akin kung ano nga ba ang buhay.

Sa labis na sakit at pighati na dala ng buhay ay mas pinili ko na lang na magkubli sa dilim dahil sa paniniwalang wala ng liwanag. Liwanag na siyang sumisimbolo sa pag-asa.

Ang lahat ng paniniwala ko ay biglang nagbago. Unti-unting naging positibi ang mga negatibong iniisip ko noon. Ang dating madilim ngayon ay unti-unting lumiliwanag. At ang lahat ng iyon ay dahil sa taong kasama ko ngayon...

... si Aiden.

Totoo nga na ang imposible ay pwedeng maging posible.

Nagkatinginan naman kami ni Aiden ng buksan ko ang stereo niya. 'With A Smile by Eraserheads' ang tugtog. Kung noong una ay siya lang ang sumabay sa kantang ito ngayon ay sumabay na rin ako.


WITH A SMILE Cover by: Reese Lansangan

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try

Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors

They don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway
Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday

We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life
'Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story

It's a wonder love can make the world go 'round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song


Parang nitong nakaraan lang ay kinakanta ko ang 'Maliliit Na Gagamba' para maibsan ang sakit na nararamdaman pero ngayon ay 'With A Smile' ang kinakanta ko na siyang nagbibigay kasiyahan sa akin.



MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat po sa pagbasa!

TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon