RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide...
EPISODE 12
PRAY
Napakagat ako sa labi at hindi makatingin kay Aiden nang bumaba kami ng sasakyan. Naglalakad kami papunta sa simbahan na siyang dahilan ng pangamba ko.Wala naman akong dapat ikatakot pero nahihiya lang ako pumasok muli sa simbahan dahil sa pagkakaalala ko ay anim na taong gulang ako noong huli akong pumasok sa simbhssn. Nang panahon na iyon ay masaya ko pang kasama ang magulang ko.
Tumigil ako sa paglalakad bago tuluyang makapasok sa simbahan. Tumigil rin si Aiden at napatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
"Ayaw mo bang pumasok? May problema ba?" nagaalala niyang tanong sa akin at pilit na inaangat ang mukha ko pero ako naman ay todo yuko at pinipilit na wag magtama ang aming mga mata.
Umiling ako bilang sa sagot niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at hinawakan ako sa kamay. Ang akala ko ay pipilitin niya akong pumasok sa simbahan pero nagkamali ako.
Marahan niya akong hinila papunta malapit sa isang bench sa labas nitong simbahan at parehas kaming umupo.
"I'm sorry." hingi ko ng paumanhin.
"It's okay Yellow. Hindi kita pipilitin pumasok ng simbahan kung ayaw mo. Pero gusto ko sabihin sa iyo na kapag nakausap mo siya sa pamamagitan ng dasal, makakagaan ito sa pakiramdam." paliwanag ni Aiden.
"Ang lahat ng tao ay makasalanan. Kaya nga tayo pumapasok sa simbahan para humingi ng kapatawaran at magpasalamat sa diyos." dugtong pa niya at tumango siya.
"Pero natatakot ako..." naiilang kong sabi at hindi ko maggawang tumingin kay Aiden.
"Ang takot nilalabanan. At kung natatakot ka, nandito ako, hindi kita iiwan." sagot niya sa akin.
Tumayo si Aiden at nagpaalam sa akin. Sinundan ko siya ng tingin at bumili siya ng ice cream sa nagtitinda sa labas ng simbahan na malapit lang din sa amin.
"For you" aniya sabay abot sa akin ng ice ceeam sabay upo sa tabi ko.
"Salamat" sabi ko.
Tahimik lang kami habang kumain ng ice cream. Halos sabay lang namin naubos ang ice cream at matapos nun ay nagkatinginan kami.
"You can go Aiden." wika ko at ang aking tinutukoy ay ang pagpasok niya sa loob ng simbahan.
Alam ko at ramdam ko na gusto niyang pumasok nang simbahan pero nahihiya siyang maaiwan ako dito sa labas. Siguro gusto rin niyang parehas kami pumasok para magdasal pero natatakot ako.
"Hintayin mo ako dito." sabi niya at hinalikan ako sa noo bago tuluyang naglakad papasok ng simbahan.
Habang naghihintay kay Aiden ay hindi ko maiwasan ang tumingin sa paligid. May mga pamlilya akong nakita na magkakahawak ang kamay at masayang pumaspasok sa simbahan. Nakaramdam tuloy ako ng inggit dahil matagal ko na iyong pinapangarap.
Buo nga ang pamilya namin pero hindi naman masaya.
Bumuntong hininga ako at sumilip sa loob ng simbahan. Sa pagsilip ko ay parang may naguudyok sa akin na pumasok at makipagusap sa Diyos.
Ilang sandali pa ay tumayo ako at nagsimulang maglakad hanggang sa naamlayan ko na lang na nasa loob na pala ako ng simbahan.
Pagtingin ko ay maraming mga taong naririto na nagdadasal kahit hindi Linggo.
Naghanap ako ng pwesto at lumuhod. Natatakot at kinakabahan. Iyon ang nararamdaman ko ngayon pero naggawa kong mag-sign of the cross.
Matapos nun ay ipinikit ko ang aking mata at doon nagkusa ang puso at isip ko na makipagusap sa Diyos. Bagay na matagal kong hindi naggawa sa loob ng napakaraming taon.
BINABASA MO ANG
TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)
General FictionRATED 18+ Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide You CAN SEE the PAIN in HER EYES. YOU CAN HEAR the PAIN in HER CRIES. But YOU'LL NEVER understand HER PAIN. TWENTY FOUR HOURS is a fictional story that tackles tough, rea...