RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide...
EPISODE 13
SUNSET
Dalawa ang ibig sabihin ng sunset. Ang una ay nangangahukugan na natapos na rin ang buong araw. At ang pangalawa ay simbolo na may panibagong bukas ka na namang aabangan.Doon kaya sa dalawang iyon ano ang kahahangunga di n ko. Matatapos na lang ba ang buhay ko sa isang araw o may panibaging bukas na nagaabang sa akin.
Anu man ang maging kapalaran ko ang mahalaga ag si Stella. Palaging siya ang inaalala ko. Manatili o mawala man ako m, siya lagi ang iniisip ko.
Minsan naisip ko, ano nga bang nakaabang sa hinaharap ko. Magiging masaya ba ako o wala pa ring magbabago, ganito pa rin, magulo ang mundo at wlaang halaga.
"Kung papipiliin ka, anong gusto mo. Sunrise o sunset?" tanong ko kay Aiden na tutok na tutok sa paglubog ng araw.
Tumaning siya sa akin at napahawak sa kanyang baba. "Sunrise." sagot niya at napaisip ako. Akala ko kasi ay sunset ang isasagot niya.
"Bakit? Sunrise ang pinili mo?" tanong ko at ngumti siya ng bahagya.
"Kasi nangangahulugan yun na sa kabila ng dilim ay kailangan mong bumangon at lumaban." seryoso niya paliwanag habang nakatingin sa mga mata ko.
Umiwas ako ng tingin at inilipat ang tingin sa araw na papalubog.
Matapos manood ng sunset ay nagtambay paa kami nh ilang saglit hanggang sa tuluyan ng dunilom at doon lang kami nagpasya na sumakay saa sasakyan at bumiyahe na muli.
Tahimik kami sa loob ng sasakyan at mukhang naubusan talaga kami nang paguusapan. Ngunit pinutol ko iyon nang tanungin ko siya kung may idea na ba siya sa i-pa-paint niya pagdating sa New York.
Tumingin siya sa akin ng panandalian at tila napaisip rin sa tinanong ko. Umiling siya at sinabi niyang wala pa daw.
Ang sabi ko sa kanya ay dapat makahulugan ang i-pa-paint niya. Yung siya lang mismo ang makakaalam ng tubay na kahulugan ng obra niyang gagawin.
"Salamat sa idea." sabi niya.
Akala ko ay muli kaming mababalot ng katahimikan pero sa pagkakataong nngayon ay siya naman ang nagsalita.
"Ilang taon ka na nga?" tanong niya sa akin.
"20 years old na ako. Nahinto ako ng dalawang taon sa pag-aaral." sabi ko.
"Eh ikaw, ilang taon ka na?" ako naman ang nagtanong sa kanya.
"26" simpleng sabi niya pero halatang nahihiya siya. "Ang tanda ko masyado kaysa sa iyo." sabi niya.
Napatingin ako sa cellphone at ilang oras na lang ang natitira sa 24 hours roadtrip namin. Ngayon pa lang ay nagiisip na ako kung ano ang mga gagawin ko pagkatapos nito.
Kung pwede lang ihinto ang oras ay mananatili ako rito pero isasama ko si Stella. Lalayo kami sa lugar na nagpapahirap sa amin. Lalayo kami sa lugar na siyang sumira sa sistema ko.
Napatingin ako kay Aiden. At king may tao man na pagkakatiwalaan ko ay siya lang at wala ng iba. Kung mawala man ako ay gusto ko siya ang magaalaga kay Stella.
Napailing ako sa naisip dahil nagiisip na naman akong mawawala o mamatay ako.
Bumuntong hiniga ako at sinabi sa sarili na tutuparin ko ang pangako kay Aiden, na magpapatuloy ako sa buhay.
BINABASA MO ANG
TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)
Narrativa generaleRATED 18+ Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide You CAN SEE the PAIN in HER EYES. YOU CAN HEAR the PAIN in HER CRIES. But YOU'LL NEVER understand HER PAIN. TWENTY FOUR HOURS is a fictional story that tackles tough, rea...