EPISODE 15: MATUTULOG

983 32 40
                                    

RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide

...

EPISODE 15
MATUTULOG

Akala ko ay okay na pero hindi pa pala.

Ang akala kong kaya ko nang maging masaya ulit ay biglang naglaho dahil nakita ko si Mama na may kasama, hindi si Papa at si Stella kundi ang ibang lalaki at may kasama rin silang bata.

Iyon ang matagal kong gustong mangyayari sa amin pero mukhang sa panaginip na lang ata iyon.

Sa pang ilang beses na bibilangin ay tinago ko ang sakit na nararamdaman at pinigil ang pagtulo ng luha. Wala na ata talagang pag-asa na mabuo yung pamilya namin. Siguro mas kailangan ko na lang tanggapin na hindi n kailan pa mabubuo yung pamilya namin.

Habang nasa biyahe pauwi ay tahimik lang kami ni Aiden. Sandali pa ay tinanong niya na ako kung saan ako nakatira.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong kinse minutos na lang ang natitira sa 24 Hours roadtrip namin. Bumuntong hininga ako at simabi kay Aiden ang address ng bahay namin.

"Babalik ako. Lalaban tayo." sabi ni Aiden nang huminto ang sasakyan sa mismong tapat ng bahay namin. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay.

Tumango ako sa sinabi niya, alam kong gusto niyang ipaglaban iyong nangyari sa akin. Iyong panggagahasa na ginawa sa akin.

"Susubukan ko." sagot ko.

"Kaya mo at gawin mo." sabi pa niya.

Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. Pagbaba ko ay nagkatinginan kami at niyakap ng biglaan ang isa't isa.

"Salamat." sabi ko.

"Salamat din."

Napatingin ako sa lupang tinatapakan namin at nagdadalawang isip kung ihahakbang ko ba ang aking mga paa papasok sa aming bahay o pipilitin sa sumama na lang ulit sa kanya.

"Sige na baka hinihintay ka na ni Stella." sabi niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Mapait akong ngumiti at napatanggo.

Pinapasok niya ako muna sa loob ng bahay namin bago siya tuluyang umalis. Sumilip ako sa bintana at hinintay siyang makaalis.

At sa pagpasok ko sa loob ng bahay ay hudyat na nagtatapos na ang 24 HOURS Roadtrip namin.

Tahimik ang buong bahay at malinis. Pagtaas ko ay sinilip ako ang kwarto noon nila Mama at Papa. Nakita ko doon si Papa na nakaupo sa kama at binubuklat ang isang photo album na sigurado akong naglalaman iyon ng mga larawan nila noon ni Mama.

Noong makita ko kanina si Mama na may kasamang iba ay masakit, kasi masaya siya kamasa ang iba at hindi kami. Pero ngayong nakikita ko si Papa ay napagtanto ko na may mga bagay na hindi pwedeng ipikit dahil sa oras na pilitin mo ito ay mas lalo ka lang masasaktan.

Nakakalungkot lang isipin na ang mga nabasa kong mga kwento sa mga libro ay hindi tulad ng sa totoong buhay na masasabi mong may happy ending.

Naglakad ako papunta sa kwarto ni Stella at narinig kong kumakanta si siya ng 'Maliliit Na Gagamba'.

Ang kantang iyon ay nangangahulugan para sa amin na nasasaktan. Agad akong pumasok sa loob at bumungad sa akin si Stella na umiiyak. Nagulat naman ako ng bigla siyang bumaba sa kama at sinalubong ako niya ako ng yakap.

"Ate!" umiiyak niyang sabi habang nakayakap sa binti ko. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw akong pakawalan.

Lumuhod ako para pumantay sa kanya at niyakap niya rin ako. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"Akala ko wala ka na. Wala ka kaninang umaga tapos ngayon ka lang bumalik." pagkwento niya at pinahid ko ang luha niya na lumandas sa kanyang pisngi.

"Sorry kung umalis si Ate." sabi ko at tumango lang siya. "Andito na si Ate, bumalim na ako." sabi ko pa at pilit siyang pinapatahan.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Opo Ate, nagluto kanina si Papa." masaya niyang sabi. "Naglaro din kami sa park." kwento niya pa at napangiti ako doon.

Akala ko ay walang pakialam si Papa kay Stella pero inintindi naman pala noong nawala ako.

Binuhat ko si Stella at pumunta kami sa kanyang kama. Inihiga ko siya at inayos ang buhok pataas sa unan. "Matulog ka na ng maaga. Bawal magpuyat." sabi ko at hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"I love you Ate." aniya pa at napangiti ako doon.

"I love you Stella." sagot ko naman.

Saglit akong nagpaalam at pumunta ako sa kwarto. Prinint ko ang picture namin ni Aiden at may isinukat ako sa isang bond paper. Ilang minuto din akong nagsulat at nang matapos ay inilagay ko iyon sa envelope.

Muling bumalik ako sa kwarto ni Stella at mukhang hinintay ako. Mataman akong ngumiti nang lumingon siya sa akin. Naupo ako sa bakante ng kanyang kama at pinagmasdan ang maamo at napakaganda niyang mukha.

"May pupunta dito bukas o baka sa mga susunod na araw. Ang pangalan niya ay Aiden, kaibigan ko siya. Hanapin mo siya at ibigay mo ito." sabi ko at ibinigay ko sa kanya ang envelope.

Inosente niya iyong tiningnan at tumango siya.

"Matutulog lang si Ate, magpapahinga lang." makahulugan kong sabi at kumurap kurap siya na para bang pinoproseso ang sinabi ko.

"Mahal na mahal ka ni Ate." sabi ko pa at ngumiti siya.

Inangat niya ang kanyang katawan para mahalikan ako sa pisngi. "Mahal na mahal din kita Ate, wag mo akong iwan." aniya.

Itinabi niya ang envelope sa side table at matapos nun ay nagsimula akong maghele para mabilis siyang makatulog. Kahit limang taon na si Stella ay nasanay pa rin siyang hinehele para magkatulog.

Mapait akong napangiti nang makita kong mahimbing nang natutulog si Stella. Hinalikan ko siya sa noo at hindi ko na naiwasana ng maiyak.

"Mahal na mahal kita anak." sambit ko at matapos nun ay inilagay ko ang bracelet na mag disenyong star na nabili ko noong kasama ko si Aiden at ang binili naman ni Aiden para kay Stella ay inilagay ko sa ibabaw ng envelope.

Mahal na mahal ko ang anak kong si Stella kahit nanggaling siya sa isang pangyayaring hindi ko gustong maalala.

"Patawarin mo ako anak kung hindi ko matutupad ang hindi ka iwan."

Matutulog lang ako.
Magpapahinga lang ako.
Hindi nang isang saglit kundi pang habang buhay.

   


       

MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa pagtyatyagang paghintay sa update ko.

Paano niya naging anak si Stella? Malalam niyo po sa susunod na chapter. Ang sunod niyo na pong mababasa ay POV ni Aiden.

Happy Valentine's Day po.

TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon