RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide...
EPISODE 17
TATLO
AIDEN POV.
Muli kong kinuha ang isang letter na binigay sa akin kanina ni Stella na pinabibigay sa akin ni Yello. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa nito at doon ko mas lalong nakita at naramdaman ang hirap at pagod na dinanas niya...
MASAYA na sa huling yugto o huling araw ko sa mundo ay nakilala ko ang isang tulad mo. Na kahit paano ay naikwento ko ang ilang mga problema ko na matagal kong kinimkim at wala ni isang nakakaalam.
Marahil ay maggagalit ka sa akin kung sasabihin ko sa iyo na nagsinungaling ako. Oo, nagsinungaling ako tungkol sa kapatid kong si Stella.
Masarap sa pakiramdam na sa huling minuto ng buhay ko ay natawag ko si Stella na 'anak'. Masakit man isipin na hindi ko naggawang umamin o sabihin kay Stella ang totoo pero alam kong balang araw ay malalamn niya rin iyon.
Hindi ko kapatid si Stella dahil anak ko siya.
...
Ang panunubig ng mata ko ay nagsimulang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Naghalo halo lahat ng emosyon sa sistema ko.
Natigilan ako sa pagbabasa at tanging nakakatitig lang sa huling binasa. Pinoproseso ng utak ko ang nabasa. At kung totoo man ang sinasabi ni Yellow sa sulat na ito ay may katanungan ako.
Paanong naging anak ni Yellow si Stella?
Muli kong binuksan ang makina ng sasakyan at itinabj muna ang letter ni Yellow. Dumaan muna ako sa 7/eleven na bililhan pa namin ng pagkain 'nung pauwi na kami.
Bumili ako ng dalawang coke at at dalawnag chips na siyang gusto ni Yellow. Nang makabayad ay bumalik ako sa loob ng sasakyan.
Napatitig ako sa pagkain na binili ko. Hindi ko maggawang buksan ito dahil paniguradong kung nandito si Yellow na nakaupo sa passenger seat ay siya ang mauunang magbukas ng pagkain... pero wala siya eh.
Hinampas hampas ko ang manibela ng sasakyan at inumpod doon ang ulo ko.
"Andaya mo! Bakit mo ako niwan?"
"Sabi mo lalaban ka?"
Umiiyak akong binuksan ang isang chips at ininom ang isang coca cola. Napatitig ako sa natitirang pagkain na nakalagay lamang sa ibabaw ng passenger seat.
Patuloy ang pagagos ng mga luha ko habang inaalala si Yellow.
Sa kung paano siya umiyak noong araw na nakasama ko siya. Sa kung paano siya tumawa noong araw na yun.
Hindi ko akalain na magtatapos sa ganito. Akala ko ay lalaban siya. Akala ko ay lalaban kami para ipaglaban yung hustsiya sa kanya.
Minuto pa ang lumipas ay naubos ko ang pagkain. Muli kong binuksan ang makina at nagdrive papunta sa lugar kung saan ko siya unanv nakita.
Inihinto ko ang sasakyan malapit sa tulay. Bumaba ako at dumiretso mismo sa lugar kung saan ko nakitang tumalon si Yellow noong gabinv iyon.
Tumuntong ako sa hawakan nitong tulay at itinaas ang kamay kapantay ng aking balikat. Inaalala at iniisip ko na katabi ko lang siya ngayon.
BINABASA MO ANG
TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)
Aktuelle LiteraturRATED 18+ Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide You CAN SEE the PAIN in HER EYES. YOU CAN HEAR the PAIN in HER CRIES. But YOU'LL NEVER understand HER PAIN. TWENTY FOUR HOURS is a fictional story that tackles tough, rea...